Prologue

22 1 0
                                    

"Bes!" tawag sakin ng bestfriend ko, si Blaster.

"Ano? Bakit?" tanong ko.

"Anong section mo?"

"2."

"Hala, bes! 2 rin ako. Anong floor ba ang grade 6?"

"Third."

Napatingin siya sakin. Napansin niya siguro yung pagiging limitado ng mga sagot ko sa kanya.

"Oh, okay ka lang ba? Di ka ata dumadaldal ngayon, ah?" tanong niya.

Jusko, Blaster. Wag mo nang alamin kung ba't ako tahimik.

"Okay lang ako."

"Di ka okay, bes."

"Blaster Silonga." tawag ko sa kanya.

"Y/N de Castro." tawag niya pabalik.

"First day ko kasi ngayon eh."

"Kaya nga. First day naman ata ng lahat ngayon." sabi niya.

Napasapo ako sa noo ko. Mens ang pinaguusapan, Blaster. Mens!

"Meron nga kasi ako ngayon." sabi ko.

"Ako rin naman."

Huh? Nagmemens ang lalaki?

"Ako rin naman, meron ngayon. Meron tayong pasok at male-late na tayo, Y/N."

Jusmeyo! Mababaliw na ko.

Habang naglalakad, nakaramdam ako ng basa sa may likod ko.

Shit! Di 'to pwede, di ako pwedeng matagusan!

"B-Blaster... May jacket ka?"

"Nako, wala. Ba't ka magjajack— AAAHHH!! Y/N, Y/N! M-MAY DUGO KA!" sigaw niya.

"KAYA NGA KAILANGAN KO NG JACKET! TINAGUSAN AKO!" sigaw ko pabalik.

"T-Teka, babalik ako, ah? Dito ka lang muna." sabi niya.

Bumalik siya ng may dalang palda.

"Kumuha ka ng palda?"

"Oo, dali, magpalit ka!"

"Bugok! Pa'no ko magpapalit?! Nasa labas tayo!"

"Tatakpan kita." sabi niya at tinanggal ang polo niya at ginamit ito pantakip sakin.

"Tapos na!" sabi ko pagka-palit ko.

"Ayan! Okay na!" sabi niya.

"Thank you, bes!" sabi ko at niyakap siya.

"Ew! Lilibre mo ko mamaya ha!"

Kahit ganyan yan, mahal ko yang bestfriend ko! Lagi kaming magkasama sa lahat ng bagay; sa pagkanta, paggitara, sa mga katripan sa buhay!

Di ako mabubuhay ng wala sya.

The GuitaristWhere stories live. Discover now