"Confession - 14(PART 3)"

61 14 1
                                    

Agad nag-reply si Carl sa message kong gamit ang cellphone ni Bryan. Nagtanong ako kung na saan siya at ang sabi niya ay tumatambay sa GLU-net. Agad akong nagtungo doon habang hindi pa niya nalalaman ang sinapit ng kaniyang kaibigan.

Pagdating ko doon ay nakita ko agad siya dahil lima na lang silang estudyanting gumagamit ng computer at pang-anim itong striver na nagsisimula nang mag-ayos ng gamit at mga kalat dahil magsasara na rin itong GLU-net.

Pumasok ako at nag-open ng PC. Sinabihan pa ako ng striver'ng naka-assign na by 5:00PM na sila magsasara, tumango lang ako sa babaing striver.

Naka-puwesto ako sa panghuling row ng mga computers at kitang-kita ko ang likod ni Carl na nakasuot ng uniform nilang mga criminology students habang naka-focus ang paningin sa harap ng screen.

Hanggang sa unti-unti nang nagsipaglabasan 'yong apat na mga estudyante, kaming tatlo na lang ang natira kasama ang striver.

"Guys! Magsi-CR lang muna ako ^

Malumanay na sabi ng nagbabantay na mukhang taga Teacher's College department yata siya basi sa kaniyang suot na uniform.

Walang sumagot sa'min ni Carl at lumabas na rin ang babae. Kumuha na naman ako ng papel at pinunit-punit ko iyon habang nakatitig ako sa likod ni Carl.

Tumayo na ako't kinuha ang wire na aking napulot sa abandunadong silid saka nagsimula nang maglakad ng maingat palapit sa kaniya.

Noong nakatayo na ako sa kaniyang likod ay agad kong inilibot ang wire sa kaniyang leeg kaya nagsimula na siyang nagpupumiglas. Dahil nagsisipa-sipa siya ay natumba ang chair na inuupoan niya kaya pariho rin kaming bumagsak sa sahig at nagpagulong-gulong habang mas lalo kung hinigpitan ang wire sa kaniyang leeg.

Hindi n'ya magawang sumigaw at walang lumalabas na boses sa bibig niya dahil nasasakal siya at halos lumalabas na ang kaniyang dila.

Nakahiga kami sa sahig, nasalikod niya pa rin ako habang nakapulupot ang wire at kamay ko sa leeg niya kaya kahit anong abot niya sa 'kin ay hindi niya pa rin magawa.

Hinugot ko ang kutsilyo sa aking bulsa nang hindi pa rin binibitawan ang wire na nakapulupot sa kaniyang leeg saka ko siya pinagsasaksak ng ilang beses, mula sa kanang balikat at dibdib. Tumigil lang ako noong hindi na siya gumagalaw.

Pinatayo ko ang chair na inupoan ni Carl at binuhat ko siya saka pinaupo ulit kahit nahihirapan ako. Habang nakayuko ang wala nang buhay'ng si Carl ay inilagay ko ang kanang kamay niya sa mouse na parang nagku-computer pa rin ito.

At agad lumabas ng GLU-net nakasalubong ko pa ang pagbalik ng striver pero dahil naka-focus siya sa screen ng kaniyang phone hindi niya nakita ang duguang mukha at mga kamay ko.

Noong hindi pa ako tuluyang nakalayo ay narinig ko pa ang sigaw ng babae noong nakita na niya ang duguang si Carl.

Pumunta ako ng CR at agad naghugas ng kamay saka naghilamos. Habang hinihingal ay kinuha ko ulit ang cellphone ni Bryan na nakalagay sa aking bulsa at agad nag-type ng message.

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Sa 'di kalayoan, nakatayo ako habang naghihintay na lumabas si Joseph sa kaniyang huling subjects sa araw na 'to. Nakita kong nagsipaglabasan na rin ang kaniyang mga kaklase at siya na lang ang mag-isa sa loob ng silid habang may sinu-swip sa kaniyang hawak na cellphone kasabay noon ang pag-vibrate ng cellphone ni Bryan na nasa kamay ko.

Napangiti ako bago ko ito pinatay, buti na lang at naka-silent ito at vibrate lang kapag may message at tawag na dumating.

Napailing-iling siya at muling ipinasok ang phone sa kan'yang bulsa. Nag-text ako sa kaniya na papunta na kami ni Carl dito na akala niya ay si Bryan ang nag-text pero hindi ko na siya ni-reply-an pa kaya siguro siya napatawag.

Confession Ng Isang Multo - Confession Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon