Kabanata 29

5.7K 217 40
                                    

Kabanata 29

I Like Him

Tahimik pa rin kami ni Gym habang nagbabyahe pauwi. Hindi ko pa rin siya iniimik. Wala naman siyang kasalanan kung bakit nabastos ako. Hindi naman niya kilala ang Creek na iyon at hindi rin niya alam na nanghihipo ng legs. Pero bakit parang ayaw ko talaga siyang kausapin.

Napapansin ko ang minu-minuto niyang pagsulyap sa akin. Ginamot ko ang sugat nilang dalawa ni sungit. Nagtagal kami sa condo niya dahil ayaw pa ni Gym na iuwi ako ng wala sa sarili. Ngunit pakiramdam ko ay hindi pa rin babalik ang katinuan ko kahit na roon pa kami matulog kaya pinilit kong umuwi na kami.

"Bye." Walang gana kong paalam kay Gym.

"Tekaㅡ"

"H'wag mo na akong ihatid," sabi ko. "Ayos lang ako."

Baka magalit si Hunk kapag nakita niya ang bugbog saradong mukha ng boyfriend niya. Alam kong pagod iyon sa trabaho, kaya ayaw ko munang bigyan siya ng problema. Kaya hangga't maaari ay hindi ko ipapakita sa kanya na may nangyaring hindi maganda sa akin kanina.

"Ako ang kasama mong umalis ng bahay ninyo, kaya ako pa rin ang magbabalik sa iyo rito." Matigas na sabi niya.

"Magpapakita kang ganyan kay Hunk?" Kunot noong tanong ko. "Mag-aalala iyon sa iyo. Pagod iyon sa trabaho kaya hindi ngayon ang tamang panahon para ipakita mong nabubog ka."

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Huminga siya ng malalim ng paulit-ulit, hanggang sa pakiramdam ko ay anytime, iiyak na siya. Namumula ang mata niya at namumuo ang luha roon.

"Eager, h'wag ng makulit." Mahinahon niyang sabi. "Maiintindihan ko kung bubugbugin niya ako dahil kasalanan ko naman talaga."

"Hindi ka bubugbugin noon. Mahal kaㅡ"

"Eager..."

Huminga ako ng malalim. Mukhang ipipilit ni Gym ang gusto niya. Hindi magandang magpakita siya ngayon, okay lang sana kung sa susunod, kung kailan walang pasok at hindi stress sa labas si Hunk. Pumikit ako ng mariin at pinakalma ko ang sarili.

Nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng tuhod ko. Sa totoo lang ay mukhang hindi ko agad makakalimutan ang nangyaring iyon sa akin. Patuloy ako niyong hahabulin ng ilang linggo, ilang buwan, ilang taon... who knows? Baka habang buhay.

"Hindi para sa akin ito, Gym. Para kay Hunk. Kawawa naman iyong tao kung bibigyan pa natin ng problema."

"Ikaw ang kawawa rito, Eager. Dapat malaman ng asawa mo iyon at hayaan mo siyang patayin ako dahil kahit ako ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Habang nakapikit ay naramdaman kong nagtutubig ang gilid ng mata ko. Gusto kong magalit sa kanya, pero bakit hindi ko magawa? Kinumbinsi ko kanina ang sarili ko na dapat hindi ko na kakausapin pa si Gym, pero taliwas iyon sa nararamdaman ko.

"H'wag na, Gym."

"Peroㅡ"

"Please?" Kasabay ng pagmulat ng mata ko ay ang pagbagsak ng luha mula roon.

Ayaw kong isipin pa ni Hunk ang mga nangyari kanina at ayaw ko ring mag-away sila. Panigurado ay aawayin siya ni Hunk, kung hindi naman siya ay baka ako ang awayin. Magugulo lang ang lahat.

Wala ng nagawa si Gym kung hindi ang bumuntong hininga. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya at bumaba roon. Pinatuyo ko muna ang namuong luha sa mata ko at huminga ng malalim bago pumasok nang nakangiti sa loob.

Naabutan kong walang tao sa sala. Hindi pa ako kumakain ng dinner, pero wala akong gana kaya hindi nalang ako kakain. Umakyat ako sa taas at mas lalong bininat ang bibig ko para hindi mahalata na wala ako sa mood ngayon.

My Husband is a Gay (Gay Series #1)Where stories live. Discover now