Chapter 3: The night we met

22 0 0
                                    


The night we met
~*~

" Jack, dude. Kilala mo 'to chikababes na 'to? " kumunot naman ang noo ko.

" Kilala mo 'tong manyak na 'to? " mas matapang kong sagot. Natawa ang lalake sa harap ko samantalang si Jack ngumisi lamang ngunit hindi parin nawawala ang seryoso sa kanyang mga mata.

" Back off dude. She's.. " what he'll gonna say? Mine?- " different. " natigilan ako. Nang bigkasin niya ang salitang 'yon diretso ang titig niya sa aking mga mata. Natameme naman ako.

" Okay, " anang lalake matapos tapikin ang balikat ni Jack humarap naman siya saakin. Ano nanaman kailangan ng manyak na 'to. Lumapit siya saakin at may binulong. " We're not yet done, honey, not yet. " he then licked his lower lip.

Fuck those kind of guy.

" Are you alright? " aniya sa matigas na english. Ngumiti ako. " Ah, yeah. Thank you by the way. "

Ngumiti siya saakin. Yung ngiting Jack na kilala ko. Ang kanyang ngiting pamatay na halos lahat ng babae maiinlove sa kanya. Ginulo moya ang buhok matapos tinalikuran na niya ako.

Napabuntong hininga nalang ako at napatitig sa hawak kong itim na trash bag. Hindi mawala sa isip ko ang malalamig niyang titig. Do we know each other?

N

apasinghap ako ng may marahas na kamay ang humawak sa braso ko. Paanong? "Sinusundan mo ba ako?"

Ngumisi lamang siya.

"Alam mo bang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang napapahiya ako?"

Nagpupumilit akong pumiglas sa higpit ng hawak niya. "You brought that to yourself, asshole." Mariin kong sabi ng buong tapang. "Saka bitawan mo nga ako. Get your filthy hands off me!"

Pero tila ba bakal ang kanyang mga kamay. Hindi ko magawang kumawala kahit anong lakas ko.

Napasigaw ako ng malakas niya akong sampalin. Mariin kong pinikit ang mga mata, ramdam ko ang init saaking pisnge.

" Tangina! 'Wag mong inuubos ang pasensya ko ah!" aniya sa nakakatakot na tono. Napakaseryo at nakakakilabot. Tinulak niya ako ng malakas. Tumama ang ulo ko sa pader dahilan upang manghina ako. Hindi pa ako nakakarecover sa sampal na ginawa niya tapos eto pa?

Napapikit ako at nagunahang tumulo ang mga luha ko ng simulan niyang halikan ang leeg ko. " H-hayop ka.. " bulong ko sapat na para marinig niya. Hawak hawak ng mga kamay niya ang akin na nakasandal sa pader. Tila wala akong lakas upang lumaban. Bumalik ang masamang panginip.


Oo, tama. Panaginip lamang 'to. Ngunit sa pagmulat ng aking mga mata ay nabigo ako.

" Tulong! Tulungan niya ako! " nataranta siya ng makakuha ako ng lakas upang sumigaw. " Nagmamakaawa ako. Tulong-! " mabilis niyang tinakpan ang bibig ko. Tikom ang bibig akong napahagulgol sa takot. Ilang minuto na ang lumipas ngunit tila wala tulong na dumarating. Eto ba talaga ang aking kapalaran?

Naramdam kong bumaba ang halik niya sa braso ko. "Nagmamakaawa ako. Please.. " bigkas ko sa bawat hikbi. Tila wala siyang narinig. Sumisikip ang aking dibdib. "Tulong.." bulong ko.


Sa isang iglap nawala siya sa harapan ko. Finally, someone came to save me. Naupo ako sa sahig. Habang patuloy parin sa pagdaloy ang aking mga luha.  Nakita ko na lamang siyang nakahiga sa sahig. Walang malay. "Hayop ka. Walang puso. Hayop!" mahina kong sambit. Gusto kong tumayo, gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang saktan. Ngunit bigo lamang ako at hindi ko mabawi ang lakas ko.

Hindi ko na napansin ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Ang likod niya ay nasaakin. His fist were clenched.

Humarap siya saakin. Nagulat ako ng masinagan ng konting ilaw ang mukha niya. Hindi ako nagkakamali. Siya nga 'to.


Lumuhod siya sakaing harapan at seryoso akong tiningnan. Umiwas ako at pinunasan ang basa kong pisngi.

Naguguluhan ko siyang minasdan habang pinupanuod ko ang pagdukot niya ng kanyang wallet sa bulsa ng pantalon niya. Naglabas siya ng perang papel. Tig-isang libo ang mga ito. Hindi ko alam kung magkano basta nalang siya dumukot sakanyang pitaka. Inilapit niya saakin ito, inaalok.

" You must get treated. " aniya sa malamig na tono. Ni wala akong makitang reaksyon sa kanyang mga mata. Pinaglihi ba 'to sa yelo?

"Ayos lang ako. Salamat." Hindi ko pinansin ang alok niya. Hindi ko naman siya kilala para alukin ako ng ganyang kalaking salapi. Gusto ko mang magpasalamat dahil niligtas niya ako kahit papaano. Dahan dahan akong tumayo at nagtagumpay naman ako.

"Salamat sa pagligtas mo saakin." tipid akong ngumiti, "Now if you'll excuse me Sir, may trabaho papo ako." nagsimula na akong maglakad papasok sa kusina sa likod ng bar.

"I insist." natigilan ako.


" Hindi niyo po ako obligasyon. Again, thank you for saving me." Hindi na ako lumingon sakanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.  Hindi na ako nag-abalang malaman kung ano man ang maging reaksyon niya. Naguguluhan man pilit ko nalang iwinaksi saaking isipan.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Janet. Nang makita ang sitwasyon nabitawan niya ang hawak niyang itim na bag. Tumingin siya saakin, matapos sa lalaking nakahandusay sa sahig. Pansin ko ang paglaki ng mga mata niya nang dumapo ang tingin sa lalaking nakatayo sa likod ko. "A-anong nangyayari dito?"

Naalarma naman siya at dali-daling lumapit saakin nang makita ang kalagayan ko at mga namumugto kong mata. "Erin, ayos ka lang ba? Anong nangyari?"

Nginitian ko lamang siya, "Ayos lang ako. Please, gusto ko nang pumasok sa loob." nagugulahan man tumango na lamang siya at inalalayan akong maglakad papasok sa bar.


Pagkapasok namin sa loob, hindi na ako tinantanan ni Janet, "Erin ayos ka lang ba? Ano bang nangyari?"

Kahit masakit saakin, ikinwento ko sakanya ang nangyari. But I left the part na blur parin saaking isipan kung paniginip ba talaga o totoo.

" and that guy?"

"I don't know either. Hindi ko alam bakit nandoon siya at paano niya kami nakita"

"But thanks to him, anyway." hinawakan niya ang kamay ko. Ngumiti ako saka ko siya niyakap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A hundred WaysWhere stories live. Discover now