Chapter 1: The Beginning

47 0 0
                                    


The Beginning.
~*~


Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Mahapdi ito sa balat kaya sa halip na balik sa pagtulog, tumayo na ako. Sinilip ko ang orasan sa wall clock ko na nakasabit sa pader ng kwarto ko. Alas-siyete na ng umaga.


Kahit tinatamad pa akong bumangon, kailangan kong kumayod dahil kung hindi mamatay akong dilat at kasalanan ko pa ha? Dahil ang sabi nila kapag pinanganak kang mahirap hindi mo kasalanan 'yon pero kapag namatay kang mahirap kasalanan mo na 'yon. O diba? Kaya sa mundong ito bawal ang tamad.


Paglabas ko ng aking silid, isang katahimikan ang sumalubong saakin. Ano pa bang aasahan ko? Hahalikan ako ng mga magulang ko? Tatakbo saakin ang mga kapatid ko at sasalubungin ako ng yakap dahil sa wakas gising na ang kanilang magandang ate? Uy, walang ganon saaming mga mahihirap becuase the truth is mag-isa ko nalang sa buhay. Wala akong kapatid, imbento ko lang 'yon. Wala narin akong mga magulang they both died when I was twelve years old.

Sanay na ako, pag-gising ko sa umaga katahimikan ang sumasalubong saakin. Walang pamilya. Walang katuwang sa buhay. Wala. Tanging ako lang.


Muli akong napatingin sa orasan sa phone ko. 7:10 na, sampung minuto na agad ang lumipas. Nagtimpla ako ng kape pagkatapos kinuha ko ang towel ko at dumiretso na sa banyo. Alas otso ang pasok sa Drip and Draft Café. Sampung minutong lakaran din 'yon bawal akong malate sayang ang kaltas sa sweldo. Pagkatapos kong maligo diretso ako sa kwarto habang nagbibihis ako, hinihigop ko ang aking kape. Multi-tasking ika nga.


" Good morning, Aleng Teresa! "

" Oh, ang aga mo ata? "

" May bago po akong sideline d'yan sa bagong tayong coffee shop. Sayang naman po. "


Si Aleng Teresa ang may ari ng apartment na tinitirhan ko. Sandali ko siyang pinanuod habang nagwawalis ng mga nahulog na dahon ng mangga. Bakit hindi nalang kaya niya putulin at ng hindi na siya mahirapan sa pagwawalis araw-araw?


" Ikaw bata ka wala kang ginawa kundi kumayod ng kumayod. Wala ka namang pamilya? "


" Salamat po sa pag-papaalala. "


Tumigil siya sa kanyang ginagawa. " Ang gusto ko lang sabihin hija, matuto kang magpahinga at lumabas ka naman paminsan-minsan. Puro ka trabaho, trabaho, paano ka magkakaroon ng—"


" Asawa? " putol ko. " Aleng Teresa, wala pa sa sistema ko ang pag-aasawa. Boyfriend nga wala ako e. "


No boyfriend since birth and no parents since twelve. Ang focus ko ngayon ay kung paano ako makakaipon at ng makaalis na ako sa impyernong buhay na meron ako. Gusto kong pumunta ng ibang bansa. Doon manirahan at magtrabaho. Wala namang masamang mangarap hindi ba? Sinong nagsabing pinagbabawal 'yon sa mahirap?


Besides, I need money I don't need a man. Hm, well not yet.


" One large coffee for table number 15! " mabilis naman kumilos si Janet at kinuha ang tray na naglalaman ng malaking mug na kape. Bigla tuloy akong nagutom sa sarap ng amoy dito. Napansin kong bigla siyang natigilan at nakatulalang nakatingin sa harapan niya.


Sinundan ko naman ito ng tingin. Ayun nanginig nanaman ang gaga. " Ako na Janet, okay? " magsasalita pa sana siya but I cut her off, " you're welcome."


A hundred WaysWhere stories live. Discover now