Chapter 7

306 6 3
                                    

Habang nag lalakad ako papunta kay Liana napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Mr. Antipatiko.

Napatayo ang dalawa ng makita ako.

"Zayya--" tumingin siya sa lalaki "--kanina ka pa namin hinihintay." sabi ni Liana.

Tumingin ako sa lalaki "Anong ginagawa mo dito?" sabi ko habang nakakunot ang noo ko. Badtrip na nga nakita ko pa siya.

"Zayya, relax okay! Hintayin mo munang mag explain si Zack bago ka magalit." sabi ulit ni Liana.

"Sa totoo lang nandito ako para kumustahin kung okay na yung bata." sabi niya at dahil sa sinabi niya napaisip tuloy ako bigla.

Anong pakialam niya kay Niana. Hindi kaya--siya ang may kagagawan kaya nandito ngayon sa hospital si Niana dahil galit siya akin.

Lumapit ako sa kaniya at nasampal ko siya bigla.

"Zayya, bakit mo yun ginawa?" sabi ni Liana na nagulat din sa ginawa ko.

"Kaya ka ba nandito dahil nakokonsensya ka sa ginawa mo sa kapatid ko ha! Bakit, anong kasalanan ko sayo? Wala kang puso!" gigil na gigil ako habang kausap ko siya.

"Pwede ba, wag mo akong husgahan hintayin mo munang makapag salita ako bago ka magsalita ng bagay na hindi mo naman alam." sabi niya.

Tila pakiramdam ko nagkamali ako dahil nasampal ko agad siya ng hindi ko naman alam ang tunay na dahilan bakit siya nandito.

"Siya ang dahilan kung bakit nandito ang kapatid mo dahil siya ang nagdala." mabilis na sinabi ni Liana. Napatingin naman ako kay Zack.

"To--totoo ba yun?"

"Oo, papunta ako sa school kanina para sunduin ko ang kapatid ko pero nagulat ako dahil sa dami ng tao sa may gilid ng daan malapit sa school. Nakita ko isang bata duguan nakahiga sa semento sabi wag daw munang galawin dahil paparating na ang ambulance. Hindi ko napigilan binuhat ko at dinala ko dito sa hospital." mahaba niyang paliwanag.

Lumapit ako sa upuan at umupo. Inisip ko ang sinabi niya. Kung hinintay ko siya kanina sana hindi mangyayari sa kaniya yun.

"Alam mo ba kung anong nangyari?" tanong ko sa kaniya.

"Naghihintay daw ng service yung bata, tapos nabitawan daw niya yung hawak-hawak niya may gumulong daw sa daan nung pupulutin na daw niya hindi napansin na may sasakyang dumating."

Napaluha ako na tila wala ng katapusang pag-iyak. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nangako ako kay mama na aalagaan ko siya pero ang laking kapabayaan ng ginawa ko.

Hinaplos ni Liana ang likod ko at binigyan naman ako ng panyo ni Zack.

"Salamat sa inyo." sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata.

"Umuwi ako para magbihis dahil nalagyan ng dugo yung damit ko. Kung hindi ako dumating siguro 50-50 na yung kapatid mo dahil ang dami ng dugo ang nawala sa kaniya."

"Kaya Zayya wag kang magalit kay Zack. Magpasalamat ka pa dahil naidala niya agad dito yung kapatid mo."

Tumingin ako kay Zack "Alam mo ba kung sino nakabundol sa kapatid ko?"

"Hindi ko alam, pero sabi ng mga nakakita hindi man lang daw hinintuan ng may gawa umalis agad."

Nagtiklop ang dalawa kong kamay at uminit ang dugo ko dahil sa taong may gawa sa kapatid ko. Hindi man lang nagkusa na siya ang magdala dito. Hinayaan pa niyang maubusan ng dugo. At wala man lang nagdala agad dito, pano kung wala si Zack. Aasa sila sa ambulance na ubos na ang dugo saka lang dadating. Dahil sa sama ng loob ko panay na ang iyak ko.

"Zayya, ilalabas na yata nila si Niana." napatayo kaming tatlo ng magbukas ang pinto ng emergency room at nakita kong nakahiga si Niana sa isang Stretcher.

Huminto saglit ang mga nurses.

Nanginginig ako ng hawakan ko ang kamay ni Niana. Tumingin ako mula ulo hanggang paa niya at puro sugat. At ang masakit sa ulo ang napuruhan dahil merong ------- na nakatali sa ulo niya.

"Magpagaling ka baby!" Bulong ko sa kaniya, hinalikan ko siya sa noo at dinala na siya ng mga nurse sa room 213.

Kinausap ko ang Doctor bago nila iwanan.

"Sa ngayon, critical pa ang lagay niya. Walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising. Madaming dugo ang nawala sa kaniya pero hindi naman kailangang salinan. Medyo malakas lang yung impak ng sasakyan sa ulo niya kaya kung hindi siya magigising commatos ang magiging situation niya."

Wala na akong nasabi sa doctor. Umupo ako sa may bandang ulo ni Niana. Umiiyak habang hawak ko ang kamay niya.

"Sana sa akin na lang 'to nangyari. Sana ako na lang."

Lumapit si Liana "Wag mong sabihin niya, lakasn mo ang loob mo. Magiging okay din ang lahat."

"Sana.."

Habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Niana naramdaman kong may pumasok.

"Zayya--" sabi ni Liana.

"Ma'am--" napatingin ako dahan-dahan sa yaya ni Niana.

Tumayo ako at para akong sinapian ng isang demonyo. Galit ang naramdaman ko ng makita ko ang yaya ni Niana na may dalang mga gamit.

"Anong ginagawa mo dito?" Gigil kong sabi sa kaniya.

"Di--di--dinala ko--" hindi siya makaimik ng diretso.

"Liana pakikuha nga mga gamit ni Niana."

Kinuha naman agad niya at tinulungan siya ni Zack. Hinila ko palabas si Derry.

"Nakita mo na ang nangyari kay Niana? Dahil sa kapabayaan mo naaksidente siya. Kulang ba ang binabayad ko sayo para hindi mo siya mabantayan ng maayos ha!" dahil sa galit ko napapasigaw ako at wala na akong pakialam kung makita at marinig kami ng mga nakakakita sa amin.

"I'm sorry ma'am. Sabi ko po sa kaniya hintayin ako naubusan po kasi ako ng load tatawagan ko po sana yung driver."

"Yan ang katwiran mo, katwiran mong walang kwente. Di ba bilin ko sayo na ano man ang mangyari bantayan mo siya."

"Sorry ma'am!" sabi ulit niya habang nakayuko.

"Tumingin ka sa akin--" tumingin naman siya na may halong takot ang mukha "--nakikita mo ba ang situation niya ngayon, walang kasiguraduhan kong kailan siya magigising."

"Sorry ma'am hindi na po mauulit!"

"Talagang hindi na yan mauulit dahil tinatapos ko na ang trabaho mo bilang yaya ni Niana. Pag uwi ko sa bahay siguraduhin mong hindi na kita makikita!"

"Ma'am---"

"You're fired!"

"Pero ma'am---" may luhang pumatak sa mga mata niya.

"Sabi ko you're fired! Umalis ka na bago pa ako makagawa ng masama sayo."

Umalis naman agad siya at pumasok na ako sa loob.

"Pwede na kayong umalis. Salamat!" sabi ko sa dalawa.

"Samahan na kita!" sabi ni Liana.

"Wag na, gusto ko munang mapag-isa."

"Sige, babalik ako bukas." sabi ni Liana.

Paglabas nilang dalawa, may nakalimutan akong sabihin kaya lumabas ako agad.

"Zack---" tumingin agad siya sa akin at lumapit.

"Bakit?"

"--Tha--thank you!" maikli kong sabi sa kaniya na may halong hiya.

Nahihiya ako dahil sa mga nasabi ko sa kaniya. Hinusgahan ko agad. Tapos inaaway ko pa siya palagi mabuting tao naman pala siya.

"Welcome, sige mauna na kami." sabi lang niya at ngumiti siya sa akin.

Chapter 8 --------}

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNFINISHED LOVE Season 2Where stories live. Discover now