Chapter 3

506 11 2
                                    

"Dito ka lang ah, pupunta lang ako sa cr then uuwi na tayo." Sabi niya at tumango lang ako.

Pakiramdam ko sobrang init ng buong katawan ko, siguro kailangan ko na ding gumamit ng cr para naman mahimasmasan ako.

Tumayo ako dahan-dahan pero hindi ko na control ang sarili ko kaya natumba ako bigla.

"Hay, nakakainis!" Sabi ko na lang, sinubukan ko ulit tumayo at dahil sa sobrang pagkahilo ko natutumba lang ako.

Naramdan kong may lumapit sa akin na lalaki "Miss, okay ka lang?" Tanong niya.

Tumingala ako pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nahihilo na talaga ako.

"Sa tingin mo ba okay lang ako!?" Sabi ko habang salubong ang dalawa kong kilay.

Tumayo ako pero matutuba na sana ako ng masalo niya.

"Wala ka bang kasama?" Tanong niya habang inuupo niya ako.

"May nakikita ka ba? Gamitin mo nga yang isip mo!"

"Miss, ikaw na nga 'tong tinutulungan ikaw pa 'tong may ganang mag sungit."

"Sinabi ko ba na tulungan mo ako?"

"Diyan ka na nga, walang utang na loob!" Sabi niya.

Paalis na sana siya ng biglang dumating si Liana.

"Zay, lets go!"

"Antipatiko!" Napasigaw ako bigla.

Lumapit sa akin si Liana.

"Sino na namang kaaway mo?" Tanong ni Liana.

"Miss ikaw ba ang kasama niya?" Tanong ng lalaking tumulong sa akin tapos may ganang magalit.

Sobrang nahihilo na talaga ako at napapaikit na ako kaya hindi ko na alam ang nangyayari.

"Ako nga, bakit?" Narinig kong sabi ni Liana.

"Nakita ko kasi siyang nasa sahig, tinulungan ko tapos sinungitan lang niya ako."

"Ganon ba, pasensiya ka na ah. Ganito talaga ang kaibigan ko. Salamat!"

"Mabuti ka pa marunong magpasalamat."

"Pasensiya ka na, sige mauuna na kami."

Naramdaman ko pang hinawakan ako ni Liana.

"Zay, wake up!"

"Pwedeng---maya na lang tayo umuwi." Sabi ko.

"Hindi, uuwi na tayo. Ngayon na!"

Inalalayan niya ako, pero talagang hindi na kaya ng katawan ko kaya bigla na lang akong nawalan ng malay.

"Hay sabi ko na eh!"

"Ako na ang magbubuhat sa kaniya, kunin mo na lang gamit niya."

"Naku, thank you ang tigas kasi ng ulo niya sinabihan ko ng wag mag-iinom masyado go pa din siya."

K I N A B U K A S A N.....

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at napahawak ako sa ulo dahil sa sobrang sakit. Bumaba ako para kumuha ng ice cube.

"Good morning ma'am!" Bati sa akin ng mga katulong.

Umupo ako sa sofa "Kumuha ka nga ng ice cube."

Sumunod naman agad siya.

"Ma'am ito po?"

"Tanga ka ba? Paano ko yan ilalagay sa ulo ko kung hindi mo naman ibabalot sa tela."

UNFINISHED LOVE Season 2Where stories live. Discover now