Nandito na kami ngayon sa groceries store at namimili ng makakain namin mamayang lunch. Si daldalita ang mamamahala sa mga recipes para sa ulam at ako naman para sa mga kakailanganin namin ni chino kaya tag isa kami ng cart.
"Ate Alex, I want that." Turo ni chino sa mga chocolates at agad ko namang kinuha yun at bumili na rin kami ng junk foods tsaka mga tinapay tapos yung kay daldalita yung mga karne, isda, sibuyas, bawang and blah blah blah.
Napunta kami sa beverage section, kumuha ako ng beers tsaka wine. Pampalipas oras ko ang mga ito at nasa legal age naman ako kaya gora lang.
"Mam wag po kayong magpakarami sa ganyan ha, baka bukas nyan shigokers na kayo" Paalala ni daldalita.
"I know daldalita. You dont have to remind me." At lumingon ako sa kanya habang si chino naman ay nasa gitna naming dalawa.
*blaaaaaaaaaaag!
Nabigla ako ng may nabangga akong cart at pagkalingon ko sa harap nagulat na lang ako na si weaky pala iyon.
"Ikaw?!/-.-"
"So?" Sabi ko sa kanya.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Tsk tsk" sabi ni weaky habang nailing.
Ulol talaga to.
"Alam mo palang di ako nakatingin, bat hindi na lang ikaw ang umiwas?" Sabi ko sa kanya na walang emosyon.
"Eh sa hindi rin ako nakatingin!" Gago pala to eh. Lokohan na lang ganon?
"Yun naman pala eh." Tinignan ko yung mga carts namin pero wala namang sira tsaka yung mga pinamili namin maayos naman "Eh ano pang pinuputak ng butchi mo dyan?" Tanong ko sa kanya.
Magsasalita na sana si weaky kaso naunahan sya ni chino.
"Who is he?" Tanong ni chino habang nakatingin ng deretso kay weaky. Nanlaki ang mata ni Weaky ng nakita nya si chino.
"A jerk stranger baby." Sabi ko naman kay chino at napasmirk sya.
"Wow ha! Infaireness pogi!" Sabat naman ni daldalita at kinikilig kilig pa.
"Was that a joke daldalita?" Sabi ko kay daldalita.
"Insecure ka lang tommy. Panget ka kase!" Singit naman nitong weaky na to.
"You really think so?!" Sabi ko sa kanya na may halong inis. Anlakas talagang mang asar neto eh.
"Ewan ko sayo, bahala ka dyan." Bago kami malampasan ni weaky, lumapit muna sya kay chino. "I hope you'll not grow like her." sabay turo sakin ni weaky na nakangiti.
Gago to ah. Kung ano ano ang pinagsasabi sa bata.
"So ako pa talaga?!" Bwiset to! Agad ko namang binalingan si Chino "Dont listen to him Baby. Remember, Dont trust the strangers!" Sabi ko sa kanya. Biglang tumawa si Chino at sabay kapit sa braso ni Daldalita.
"Whatever. Let's go tita!" At naglakad na silang dalawa. Napanganga naman ako sa inasta ni Chino. Loko tong batang to ah.
"Tignan mo yung bata, sumasang ayon saken. Kaw talagaaaaa." Napalingon ako kay Weaky. Tsk, panalong panalo talaga to pag in terms of pampasira ng araw. Bwiset eh.
Inirapan ko na lang sya at sumabay na kina Chino papunta sa cashier.
"Naks naman mam! Uso rin pala sayong------" tinignan ko ng masama si daldalita"----ay tayo na pala mam! Uso bayad!" Tsss. For sure alam nyo na kung anong sasabihin ni Daldalita.
Binayaran na namin lahat ng pinamili namin at kanya kanya kami ng buhat papunta sa kotse ko.
"I'm tired" sabi ni chino pagkaupo nya sa backseat.
"Take a rest baby" sabi ko sa kanya pagkaupo ko sa driver's seat.
"Parang anak nyo na rin po talaga sya mam no. "
"Napalapit na saken si Chino kaya inaalagaan ko sya na para ko na ring anak" sabay lingon ke chino na inaantok na.
Lumingon si Daldalita kay Chino "You call her mommy ha?" tumawa si chino at tumango
"Mommy Alex, sounds good. It's my pleasure to be your son" saad ni chino.
Ang sarap pakinggan ng tinawag ako ni chino ng "Mommy". I promise to god that i'll take a good care of this boy.
--
Pinadala ko na sa taas kay daldalita yung mga groceries namin at pinark ko naman ang kotse sa parking lot.
"Ang bigat naman ni chino" sabi ko habang buhat buhat si Chino. Tsk
Pagkadaan ko sa lobby binati agad ako ng guard dun ng good afternoon.
"Anak nyo ho mam?" Tanong sken nung guard habang nakangiti.
Tinignan ko lang sya at agad na naglakad.
Tsk, ang haba haba pa ng lalakarin ko tsaka ang bigat bigat pa nitong karga ko kaya wala akong time makipagchikahan.
Pagkapasok ko ng elevator merong grupo ng mga kabataang lalake akong makakasabay at basang basa sila ng pawis dahil siguro sa paglalaro ng basketball may dala kase silang bola.
Bigla silang tumahimik ng nakita nila ako. I pressed 9th floor and while waiting bigla kong narinig yung mga bulungan nila.
"Naks tol, ang tangkad neto. Magandang depensa to. Haha"
"Ang ganda nya tol. Tsaka ang height nakakainlab"
Gumalaw bigla si Chino at nagmulat ng mata habang karga karga ko pa rin sya.
"Mommy? Where are we?" Agad nyang sabi pagkamulat ng mata nya.
"We're still in the elevator baby."
Muli nanamang nagbulungan yung grupo ng kabataan sa likod ko.
"Nanay na pala tol. Tsk. Sayang"
"Oo nga eh."
Biglang tumunog yung elevator at nasa 9th floor na pala kame at agad na kong lumabas dahil nabibigatan na talaga ako kay Chino.
[Andrew's POV]
Dumaan muna ako sa tambayan bago umuwi ng condo ko. Grabe, sobrang pagod ko. Kingina kasi ni Inigo ang daming pinabili saken pucha ang bibigat pa naman. Malilintikan talaga saken yang lalakeng yan.
Pinark ko na yung kotse at tsaka lumabas na ng kotse.
"Oi kuya Andrew!" Si joseph yan at yung mga barkada nya. Mga high school students pa lang to at madalas ko silang nakakalaro ng basketball dito sa Condo.
"O seph! Kamusta na kayo?" Ganti ko naman sa kanya.
"Ayos lang naman kuya. Tara laro muna tayo, shooting lang" sabi naman ni joseph. Chineck ko muna yung time pero may oras pa naman kaya sumama na ko sa kanila at naglaro muna.
Whooo! Kapagod den maglaro. Hindi kasi ako sanay pag outdoor courts. Sobrang init pa naman.
"Kuya tubig po o" alok saken ni joseph at tumabi saken tsaka yung mga kasama nya na ren.
"Kuya matinik ka ba sa chiks?" Nagulat ako sa biglaang tanong ng kabarkada ni Joseph.
"Ano? Bakit naman?" Ayos den tong mga batang to ah. Hahahaha, matibay!
"Papaturo sana ako eh" sabay kamot nya sa ulo nya.
"Ako din po kuya!"
"Kuya ako ren!"
"Teka lang teka lang! Sino ba pinopormahan mo?" Tanong ko naman dun sa naunang magtanong.
"Eh kase Kuya may nakasabay kami kanina sa elevator na babae tapos sobrang ganda nya po tapos astigin yung dating kaso po...." Biglang yumuko yung lalaki. Kaso? Kaso ano? Tsk tsk. Tong mga batang to talaga. Kakatuwa
"Kaso?" Tanong ko sa kanya
"May anak na po eh, karga karga nya po kanina tapos narinig naming tinawag syang 'mommy' nung bata"
"Oh eh may anak na pala eh. Panigurado me asawa na yon mga pare kaya wag ng pormahan. Dapat yung mga kaedad nyo pinopormahan nyo" payo ko sa mga bata tapos chineck ko na yung relo ko at kelangan ko ng umuwi.
"O pano ba yan mga pare, akyat na ko sa unit ko. Laro na lang tayo ulit" paalam ko sa kanila at tumayo na.
"O sige po kuya. Salamat sa advice ha" pinat ko na lang yung ulo ng lalakeng nagtanong saken tapos si Joseph natawa lang.
"Adik ka kase Richard eh! Hahahaha! Alam mo namang may anak na nga mapilit ka pa ren! Hahahahahahaha! Sabi ko na ngang si Anna na lang yung ligawan mo eh!" Tukso ni Joseph dun ke Richard at natawa lang ako kaya humakbang na ko paalis sa kanila.
Nabigla ako ng biglang sumigaw si Joseph "KUYA ANDREW! SANA NGA WALA PANG ASAWA YUNG NAKASABAY NAMEN SA ELEVATOR! BAGAY SANA KAYO EH!" Napailing na lang ako kay joseph habang natatawa.
Malalagot ako sa asawa ng babaeng yun. Patay tayo neto.
------------------*****
SORRRRRRYYYYYYY READERS KO! Huhuhuhuhuhuhu! Pinaghintay ko kayo ng matagal! As in sobrang tagal! Pasensya talaga! Loveyou guys!
YOU ARE READING
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...
