Nagdradrive na ako pauwi ng bahay kasama si Chino para ipick up si Daldalita.
"Hey little guy, we'll be staying with an annoying person but you'll gonna like her. She has a big sense of humor" sabi ko sa kanya at pusta ko alam nyo na kung sino ang tinutukoy ko dyan.
"I do hope so, hahahaha!" Tawa nya.
Naiisip ko pa lang ang mga pwedeng mangyari sa paghaharap ni daldalita at chino ko natatawa na ko. Hahahaha xD I dont know why pero natatawa talaga ako, mapapasabak si Daldalita neto kay Chino.
Pagdating namin sa bahay namangha si Chino sa laki ng bahay namin, first time nya lang kasing makapunta dito.
"Woah! I dont really have any idea that you own this huge house!" Sabi ni chino pagkababa nya ng kotse.
"You think so?" Napatingin naman ako sa bahay at kumawala ng hininga. Mamimiss ko rin tong bahay namin, lalong lalo na ang mga nasa loob neto. There's so many memories that I made here with my parents. "Yes, it's big but I feel so empty." Sabi ko kay Chino at napalingon naman sya saken na nakakunot ang noo. "Cmon! Lets go inside" yaya ko sa kanya ng mapansin nya ang kalungkutan ko.
Pagpasok namin sa bahay nandun na si daldalita sa living room na nakaupo katabi si Nana Inday at ang mga dala nya.
"O mam?! Kaloka!! Natagalan naman po ata kayo?" Sabi ni daldalita ng nakita nya kami, napadako ang tingin nya kay chino na nasa gilid ko at lumapit. Nabigla si chino ng biglang ipinch ni daldalita yung pisngi ni Chino.
"Heysh! Sshtop itsh!" Saway ni chino kay daldalita kaso di sya makapagsalita ng maayos dahil sa ginagawa ni daldalita sa kanya.
"Ang cute cute naman ng batang ito! Sino ho ba sya mam?" Sabi ni daldalita at tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa mga pisngi ni chino.
Si Nana Inday na lang ang pinaexplain ko kay daldalita ng tungkol sa kung anong meron sa amin ni chino at iniwan ko muna silang tatlo sa living room at ako'y mag aayos pa ng mga gamit sa aking room.
Ayan!! Ready na! Kyaaaaaaah~~~
Pag naiisip ko na aalis na ko sa bahay bigla akong nalungkot. Haaaay, yaan na! Dadalaw naman ako dito palage. Hehe :)
Pagkababa ko, nakita kong kumakain si Chino ng cake at umiinom ng chocolate shake at makikita mo sa mukha nyang masayang masaya sya sa kinakain nya, bigla akong napangiti sa ginagawa ni Chino.
"Guys let's go." Pinababa ko sa guard namin yung mga gamit ko sa taas at pinapasok sa kotse ko habang si chino at daldalita naman pinapasok ko na rin sa kotse. Nasa likod si chino habang si daldalita naman ay nasa harap.
Di pa ako nakakasakay ng kotse ng tinawag ako ni Nana Inday.
"Anak. Mag iingat ka ha? Mamumuhay ka na ng mag isa. Wala kami ng mommy mo sa tabi mo pag kailangan mo ng tulong, kailangan mo pang mag aksaya ng gasolina para makapunta ka dito kaya paalala ko lang sayo na wag kang padalos dalos sa mga ginagawa mo. Lahat ng bagay na dapat mong gawin dapat mo munang pag isipan." At agad naman nya akong niyakap "Hay nakong bata ka! Mamimiss kita. O sya umalis na kayo para makapag ayos na kayo dun."
"Paalam po." Ang tanging nasabi ko at sumakay na sa kotse at nagsimulang magdrive.
**
Pagkadating namin sa labas ng condo unit may lumapit sa aking lalaki.
"Kayo po ba si Ms. Alexis Hyacinth Reyes?" Tanong ng lalaki at agad naman akong tumango. Nagpakilala sya samin at sya pala ang inutusan ni mommy na umasikaso samen pagdating. Tumawag sya ng isa pang kasamahan para magbuhat ng mga dala namen.
Pagkabuhat nila ng mga dala namin, sumakay na kami ng elevator papuntang 9th floor at naglakad papunta sa pintuang may 903 na nakaukit. Binuksan nung lalaki yung pintuan at pinasok nila ang mga gamit namin.
"Kung may kailangan po kayo mam, tawagin nyo lang po kami sa deck sa baba." Tumango naman ako at umalis na sila.
"Wow! Are you sure that i'm really gonna live here? For real?!" Halatang nasisiyahan si Chino kase kahit papano malaki ang unit namin. It has 4 bedrooms, each bedrooms has it's own bathroom.
"Kaloka naman mam! Spokening dollar pala itong si bebe boy!" Sabi ni daldalita at natawa naman si Chino sa kanya.
"Daldalita iassist mo naman si chino sa mga gamit nya." Utos ko kay daldalita.
"Mam! Yes! Mam!" At sabay lagay ng kamay sa noo. Naglakad kaming tatlo dun sa mga bedrooms. Ako ang nag occupy ng pinakamalaking bedroom kasi takot yung dalawa sa malaking room eh ako naman daw yung sanay kaya ako na lang daw tapos yung room ni chino nasa tabi ko lang at saktong sakto yung room nya sa kanya kasi color blue yung wall tapos yung room naman ni daldalita ay malapit sa kusina kasi daw dun naman ang duty nya tapos yung isang room nasa tapat naman ng rooms namin chino.
Totoo nga yung sinabi ni mommy na handang handa na ang unit kaso wala pang groceries. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko pumunta ako sa room ni chino if tapos na syang mag ayos ngunit pagdating ko nasa kama na ito at natutulog at yung bag nya ay nasa baba lang at halatang di pa nabubuksan. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa noo at ako na lang ang nag ayos ng mga gamit nya sa cabinet.
Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ni Chino, lumabas na ako ng room nya at pumunta ng kusina at nadatnan ko dun si Daldalita na nagsusulat.
"What's that?" Tanong ko sa kanya.
"Listahan po ng mga pagkain na dapat bilhin po mam." Sabi nya habang nagsusulat.
"Kailangan pa bang ilista nyan?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan yung mga nililista nya.
"Oo naman yes mam! Pag di po natin ililista yung mga kailangan naten baka kung ano lang yung mabibili nating pagkain, nag aksaya lang tayo ng pera." Tumango naman ako sa ideya nya "Tsaka po mam, diba gusto nyo maging independent? Kung gusto nyo po talaga maging ganon, number one po dun ang pagiging matipid, lalong lalo na kayo ang magpapaaral ke Chino."
I think I really made a right choice kay daldalita. Maayos din pala tong mag isip eh -.-
"O sige, let's go buy our groceries." Pumasok muna ako sa kwarto ni chino at ginising sya. Di kasi pwedeng maiwan tong batang to, baka kung anong mangyareng masama.
**
YOU ARE READING
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...
