Another Special Chapter

201K 3.5K 611
                                    

9 YEARS AGO

"Okay. Class dismissed. Next meeting we'll have an quiz, passing score is 80%" anunsyo ng teacher namin sa isang major subject.

"Ma'am naman." Nagreact agad ang mga kaklase ko dahil sa sinabing iyon ng professor namin sa major subject na iyon. Isa na doon si Barry, siya ang may pinakamalakas magreact.

Habang ako ay nakangiting binabalik sa backpack ang mga gamit ko. Last subject na kasi namin at uwian na.

Sunukbit ko kaagad ang backpack sa likod ko at akmang lalabas na ng klasroom bago ang teacher namin nang...

"Miss Tadije." Tawag nito sakin. Napanguso ako. Dapat hinintay ko munang makalabas si ma'am sa klasroom bago ako tumayo para lumabas. Ayan tuloy napansin niya ako.

Nilingon ko siya. "Yes, ma'am?" Ngumiti ako ng hilaw.

"Follow me to my office." She commanded.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nakanguso ako habang naglalakad sa likuran niya. Bakit kaya?

"Good luck, girl." Pahabol sakin ni Barry. Nasa tabi niya si Sadie habang nakatingin sakin. Ewan ko ba pero feeling ko inaasar niya ako sa sinabi niya, nakangiti kasi siya ng nakakaloko habang sinasabi iyon at may kasama pang 'babye' hand gesture.

Sina Barry at Sadie ang tanging kaibigan ko sa eskwelahan. Lahat sila ayaw sakin, maliban sa kanilang dalawa.

Nginusuan ko lang sila, pero ang mga walang hiya tumawa lang.

Bakit ba kasi kailangan ko pang sumunod sa office niya. Bad timing naman oh. Kainis.

Teka...

Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala ako. Di kaya dahil bumagsak ako sa mga quizzes ko sa subject niya lately?

Patay. Dahil ata doon.

"Dude, ang ganda talaga ni Mindy."

"Maganda nga, masungit naman. Pero lalo siyang gumaganda pag nagsusungit."

Sinamaan ko ng tingin ang dalawang lalaki na nasa higher year habang nagbubulungan sa gilid ng corridor. Bulong pero rinig ko pa rin. Masyado silang pahalata.

Nakalubo ang aking mga pisngi habang tinitignan ang lumang relo ko. Sana maabutan ko pa siya. Kainis naman e, dapat binilisan kong umalis kanina para hindi na niya ako napansin.

Walang gana akong naglalakad habang nakasunod sa professor namin na hirap atang maglakad dahil sa suot nitong heels.

Kailangan ko nang umalis para maabutan siya. Hindi makokompleto ang araw ko kung hindi ko siya makita o masulyapan man lang. Sana lang talaga maabutan ko pa siya, e ang layo pa ng lalakarin ko. Sayang naman kasi kung mamamasahe pa ako e pwede ko namang lakarin.

Tatakbo nalang ako mamaya para maabutan ko pa siya.

Umupo ako sa upuang nasa harap ng mesa ni ma'am.

"Miss Tadije, praprangkahin na kita. Pwede kang bumagsak sa subject ko kung patuloy ang pagbagsak mo sa mga quizzes mo, pano nalang pag-exam na? Hindi ka naman ganyan noong first semester, in fact isa ka sa mga top students ng klase niyo." Sermon ni ma'am sakin. Napayuko agad ako.

"Sorry po, ma'am. Babawe po ako." Paninigurado ko.

"You better be. Here." Inabot niya sakin ang isang white folder. "Ipapirma mo 'yan sa lahat ng professor niyo tsaka mo ulit ibalik sakin." Utos nya.

"Po?" Alanganin kong inabot ang folder. Nagmamadali po kaya ako.

"Nandito ka nalang rin naman, kaya ikaw na ang uutusan ko. Sige na, kailangan ko na'yan mamaya." Sabi pa nito.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now