Chapter 3

180K 3.3K 497
                                    

Sa nakalipas na mga linggo, napapansin ko na palaging abala si Devin sa kanyang cellphone tuwing nasa bahay lang siya. Ni hindi na nga niya mabitawan ito, pati sa hapagkainan.

Napabuntong hininga nalang ako habang naghihintay ng aasikasuhing customer.

"May problema ba, ate Mindy?" Napalingon ako sa katrabaho kong nasa cashier area. Si Hyeirylle.

Umiling ako sa kanya at tipid na ngumiti "pagod lang ako." pagdadahilan ko.

"Gusto mo bang ipagpaalam kita kay boss? mukhang inaantok ka na ate" nag-alalang turan nito, napakabait talaga ng batang to. Ang alam ko mag-isa nalang siya sa buhay. Kaya kahit nahihirapan na ako sa sitwasyon ko, hindi pa rin ako sumusuko dahil alam kong may mas malala pa ang problema kesa sakin.

"Naku huwag na, tsaka malapit nang matapos ang shift natin." Parehas kasi kami ng shift na hanggang alas dos ng madaling araw.

"Magsabi ka lang ate, kung masama ang pakiramdam mo." Bilin pa niya.

Tumango nalang ako sa kanya tsaka ako napatingin sa may pintuan. Tumunog kasi ang maliit na bell nito sa may itaas indikasyon na may dumating na costumer.

Dali-dali akong lumapit sa pintuan para bumati. Server kasi ako dito sa café. comm. Pero bigla nalang nawala ang ngiti sa mga labi ko at bahagyang nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa lalaking dumating.

Agad din akong nakabawi. Binalik ko ang ngiti sa aking mga labi, kahit hindi pa niya ako nakikita dahil busy kasi siya sa cellphone niya.

At kagaya ng naging reakyon ko kanina, ganoon din siya nang napatingin sakin.

"M-mindy? A-ano... p-papaanong... shit nagtratrabaho ka dito?" Napansin niya ang suit kong apron at nametag. Medyo napataas ang kanyang boses, dahil na rin siguro sa pagkabigla pagkakita sakin. Madaling araw na kasi kaya sinong mag-aakala na wala ako sa bahay at nandito sa isang cafe, nagtratrabaho.

Tumango ako bilang sagot.

"T-teka alam ba 'to ng asawa mo?" Tanong niya.

Napatingin ako sa paligid namin, wala kasing may alam dito sa pinagtratrabauhan ko na may asawa na ako. Buti na lang may kanya kanyang ginagawa ang mga katrabaho ko at ang ibang mga customer.

"Maupo po muna kayo, sir" magalang kong tugon sa kanya. Nagkunwari akong hindi ko narinig ang tanong niya.

Hindi nakatakas sakin ang pagtaas ng isang kilay niya dahil sa pagtawag ko sa kanya ng 'sir', pero sumunod naman siya sakin sa isang pang-dalawahang upuan sa may gilid.

In front of me now is one of my husband's friend and business partner. Aero Griffith.

"Sit down, Mindy" ma-autoridad niyang turan.

Napailing ako "hindi pwede, oras ng trabaho ko ngayon". Mahina kong tugon sa kanya.

Inabutan ko siya ng menu, pero hindi niya inabot kaya nilapag ko nalang ito sa tapat niya sa mesa.

"Ito po ang best seller namin" sabay turo ko sa best seller namin sa may menu.

Pero hindi niya ulit ako pinansin. "Seriously, Alam ba 'to ni Devin?" matiim niya akong
tinignan.

Napabuntong hininga ako tsaka ako umiling.

"Ano pong order niyo, sir?" Nilabas ko ang maliit na notebook kung saan ko sinusulat ang mga order ng mga customer at tsaka ballpen.

"Fine. One order of this" sabay turo niya sa menu nngg hindi man lang tinignan ito. "And black coffee."

"Just a minute sir." Yumuko ako tsaka ako tumaligod.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now