Prologue

5 0 0
                                    

"Paano ko uumpisahan ang aking kwento kung alam ko na din naman ang katapusan nito."- Death.

"Walang sino man ang nakakaalam sa katapusan ng ating kwento. Kahit ako , kahit ikaw, hindi pa natin alam, ang Panginoong Diyos lamang ang nakakaalam ng buhay natin. Kaya live your life to the fullest."- Life.

"Paano ako magsisimula kung ngayon palang patapos na ang buhay ko."-Death.

"Hindi porke malungkot ka ngayon ibig-sabihin malungkot ka na talaga habang buhay. Hindi ganun yun. Masyado mo lang dina-down ang sarili mo kaya hindi ka umaangat."-Life.

"Paano ako magiging malakas kung ngayon palang hinang-hina na ako."-Death.

"Kung ano man ang kahinaan mo, gawin mong inspirasyon yun upang lumakas ka. Hindi yung hinahayaan mo ang kahinaan mong i-down ka."-Life.

"Paano ko makikita ang liwanag kung ngayon palang ang kadiliman ay napapalibutan na ako."-Death.

"Hindi ka hahayaan ng Panginoong nasa kadiliman palagi. Siguro ngayon may nararanasan kang problema, ibig sabihin lang niyan sinusubukan ka niya kung kaya mong alagaan ang buhay na ibinigay niya. Tandaan mo, lahat ng problema may solusyon."-Life.

"Ayoko na. Hindi ko na kaya. Gusto ko ng mamatay."-Death.

"Kaya mo yan. Wag kang susuko kung ano man yang pinagdadaanan mo. Andito lang kami. Andito lang ako para sayo."-Life.

When Death Fall Inlove With LifeWhere stories live. Discover now