Kung hindi ko siya kilala, aakalain ko talagang lalaki siya na mahirap labanan sa suntukan. Kaso hindi, e. Alam ko namang pakipot lang siya at gusto ring sumunod kay sungit dahil tipo niya ito.

Nakatago sa magkabilang bulsa ng suot nitong slacks ang dalawang kamay at nilingon kami. Imbes na kay Gym ang mata niya ay naglanding iyon sa akin. Katulad kanina, magkasalubong ang kilay niya na akala mo ay may kasalanan ako.

Oh right! Meron nga. Napaaway siya nang dahil sa akin. Dumudugo ang sugat niya sa ibaba ng kaniyang mata. Si Gym naman ay may sugat sa noo, pisngi at ibaba ng labi. Putok din ang isa nitong mata.

"Gamutin mo ako..." aniya sa akin at saka naglakad ulit.

"Bakit hindi ka ba marunong gumamot ngㅡ"

"Tara," walang ganang sabi ko at sumunod na kay sungit.

Sumunod din sa akin si Gym. Nakayuko lang ako habang naglalakad. Mahigpit kong hinawakan ang sling bag ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kamay niya sa legs ko, ang takot na naramdaman ko kanina at ang pagkalito.

Pagod na siguro ang sarili ko sa kakaiyak kaya hinayaan nalang nitong magpahinga ang sarili ko. Sinundan ni Gym ang sasakyan ni sungit. Wala pa ring nagsasalita sa pagitan namin. Lagi akong nililingon ni Gym, pero hindi kami nag-uusap.

"I'm sorry..." lumunok siya. "Sorry, Eager. Kasalanan kong lahat. Sana hindi ko nalang tinuloy itong plano ko. Sana hindi ka nabastos! Malay ko bang walang respeto sa babae iyong nakuha kong ipa-blind date sa iyo."

Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ako makakapa ng tamang salita para sabihin sa kanya. Ayaw kong magbitaw ng mga salita na dala lang ng galit, baka pagsisihan ko.

Kinurot ko ang pulsuan ko. Hindi ko maramdaman ang sakit doon kaya mas lalo kong kinurot iyon. Paulit-ulit.

Anong problema ng katawan ko? Para akong walang nararamdaman. Para akong robot. Iniwan na ako ng katinuan ko at para akong naglalakad nang may nagkokontrol sa sarili ko.

Huminto ang sasakyan ni sungit sa isang building, kaya huminto na rin si Gym. Nilingon niya pa akong muli bago buksan ang pintuan ng sasakyan niya, ngunit hindi pa siya nakakababa ay napatingin siya sa baba. Nanatili ang tingin ko sa harapan ko at hindi siya pinansin.

"Eager!" galit na sigaw niya at hinawakan ang kamay kong kumukurot sa pulsuan ko.

Gulat na napatingin ako sa kanya. Galit na galit ang mukha niya. Namumula na ang mata niya at pakiramdam ko ay susuntukin niya ako sa mga oras na ito. Pero imbes na sa mukha ko siya nakatingin ay nakatingin siya sa baba. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya.

Dumudugo na pala ang pulsuan ko na mukhang dahil yata sa pagkurot ko.

Nag-angat ang tingin niya sa akin at nagtama ang mata namin. Huminga siya ng malalim at pumikit na parang kinakalma ang kanyang sarili. Ang kaninang galit niyang mukha ay napalitan ng pag-alala.

"Patawarin mo ako, Eager. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin, pero sana h'wag mong saktan ang sarili mo."

Hindi naman masakit, e. Gusto kong isagot, pero ayaw lumabas ng salitang iyon sa bibig ko.

Tahimik kaming tatlo nang makarating kami sa unit ni sungit. May kinuha siya sa CR at pagbalik niya ay dala na niya ang first aid kit at umupo sa harapan ko. Hinarap niya ang kanyang mukha sa akin.

"A-ako nalang ang gagamotㅡ" si Gym.

"Siya ang may kasalanan, kaya siya dapat ang gumamot."

Kinuha ko ang bulak at nilagyan ng gamot. Kinagat ko ang labi ko. Nakatingin lang ako sa sugat niya. Hindi naman malala iyon, kumpara sa natamo ni Gym. Dahan-dahan kong pinahid iyong bulak sa sugat niya. Nakita kong napangiwi siya kaya hinipan ko iyon para maibsan ang sakit.

"May mga babae pa palang naniniwala sa blind date? Tapos magsusuot ng short?" tumaas ang isang sulok ng labi niya habang sinasabi iyon.

"Ako ang nagset ngㅡ"

"Tapos papayag pa na sumama sa condoㅡaray naman!" kunot noo niyang sabi.

Sa inis ko ay diniinan ko ang pagpahid ng bulak sa sugat niya. Hinawakan niya ang kamay kong may hawak sa bulak. Umirap ako sa kanya.

"Tapos magagalit ka ngayon? Bakit, totoo naman ang sinabi ko, a."

"Fuck you." mahinang sabi ko at mas dinamihan ko ang alcohol sa bulak.

Nagulat ako nang bigla siyang natawa. Nakatingin lang ako sa kanya habang humahalakhak siya. Baliw ba ang isang ito? Kanina lang ay ang sungit-sungit niya, tapos ngayon halos maubusan na ng hininga sa kakatawa.

"Ayan, okay ka na. Minura mo na ako, e..." mahinang sabi niya at ngumiti sa akin.

***

Okay, ang lame. lol sorry~ haha

My Husband is a Gay (Gay Series #1)Where stories live. Discover now