Chapter 21

26.5K 529 19
                                    


Ngumiti ako ng awkward. Dahil sa mga nangyayare.

Flashback

Naupo na ako sa upuan, medyo naackward ako dahil kaharap ko yung tripets ngayon. Katabi ko si Demi, nasa dining table kami at nakahanda nang kumain. Si Lux, hindi ko alam kung bababa ba yun. Well, wala naman akong pake.

"Why are you still here ate Sab?" tanong saakin ni Charlotte. Makikikain lng naman eh!

"Stop it Charlotte! Stop asking her! Just eat." saway ni Demi sakanyang kapatid.

"Ok let's pray first and eat," sabi ni Charize at nagsimula ng magdasal. Pagkatapos naming magdasal ay pinauna ko muna silang kumuha. Nakakahiya naman kasi kung mauuna ako, baka kung anong isipin.

Pagkatapos nilang kumuha ay agad akong kumuha ng chicken and rice. Yun lng trip kong kainin kahit na marami naman ang pwedeng pagpilian doon. Habang kumakain kami ay nabigla ako dahil biglang sumulpot si Lux sa kanang bahagi ko. Papatayin ata ako nito sa gulat eh!

"Hey! Hindi ka pa pala umuuwi," aniya. Tangina! Bakit ka nanggugulat diyan na bwisit ka!?

"Ipapahatid na kita sa driver namin pagkatapos mo diyan and btw tumawag na ako kila tita at tito na nandito ka!" nakangisi niyang sabi.

Tiningnan ko lng siya. Masyado talaga siyang close sa parents ko eh? Akala ko ay kay Mommy lng!

"And nga pala bakit ganyan ang suot mo? Demi bakit ganito ang pinasuot mo kay Sabrina, wala kabang ibang damit diyan ha?" aniya habang tinitingan ng masama ang kapatid niya.

"Eh kuya mas maganda yan eh! Ang sexy kaya ni Sabby! Look at her!" nakangiting sabi ni Demi at tiningnan ako. I know Demi! Maliit na bagay hayst.

"No, Sabrina go to my room and I will give you some decent clothes!" sabi ni Lux at nagdadabog na umalis. Decent? Bakit hindi ba disenteng damit to? Masiyado naman ata siyang conservative!

End of Flashback~

Sumunod na lng ako sa kwarto ni Lux dahil grabe makatingin ang triplets saakin. Ano kayang problema nila? Baka masiyado lng silang nagagandahan saakin?

Kumatok muna ako pagkarating sa kwarto niya at binuksan na ang pinto. Agad bumungad saakin si Lux na nakaupo sa kanyang kama. May damit na sa gilid niya. Inabot niya iyon saakin at tiningnan ko naman ito at napataas lng ang  aking kilay. Ang laki laki ng damit na to? Ito ang ipapasuot niya saakin?

"Ayoko niyan! Masyadong malaki ano ba? Anong akala mo sakin kasing laki niyan na katawan mo! Duuh!" sabi ko at tinapon sakanya yung damit. Natawa ako dahil sa reaksyon niya! Nasapul ko kasi siya sa mukha niya.

"Itong isuot mo! Masyadong maikli ang suot mo! Ano kaba?! Ang ikli na nga ng damit mo tapos maikli pa yang shorts mo!" naiinis niyang sabi.

"Bakit kaba nagkakaganyan ha? Boyfriend ba kita para pagbawalan mo akong Hello kitty ka?!" naiinis ko ring sabi dahil akala mo kung sino siya para umasta ng ganiyan!

Natahimik naman siya at umiwas ng tingin.

"Kai-langan bang maging boyfri-end mo ako para pagbawalan kitang magsuot ng ganyan? Hindi ba pwedeng kaibigan? Baka mamaya niyan mabastos ka dahil sa suot mo!" aniya habang hindi makatingin sakin. Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. Eh bakit sila Pierre, hindi naman ganiyan saakin?

"Sige na magbibihis na ako! Ang rami mo pa-ng dra-ma diyan eh!" sabi ko at tinalikuran na siya. Shit! Bakit ako nauutal?! Nahawaan ata ako nung Hello kitty na yun bwisit!

"Si-ge! Ingat ka at pakisabi na lng kila tita na hindi na kita nahatid dahil hindi ko kayamg magdrive ngayon," sabi niya.

Tumango lng ako at agad ng umalis dun. Hindi na ako nagbihis at pinatong ko na lng yung tshirt ni Lux .

Haays para akong nakadress pero ang laki at tangina ang bango! Sininghot singhot ko yung damit niya! Ano kayang pabango nun?

Pagkababa ko ay sinalubong ako ni Demi. Ngumisi naman siya ng makita ang suot ko.

"Naghihintay na sayo si manong! Waah!Pagpasensyahan mo na si kuya ah! Ganun kasi talaga siya kahit nga ako ay binabawalan niya pero lagi naman akong hindi sumusunod."

Napangiti lng ako. Hmm protective pala ang gago.

Bago ako makaalis ay may tumawag saakin ng sabay sabay syemre sino pa ba? Eh di yung triplets!

"Ate Sab! Balik ka po dito ha!" sabi ni Charmaine at niyakap ako. Akala ko ay may galit sila saakim eh! Buti naman at pinababalik ako pero mukhang malabo yun. Pero depende!

Ngumiti ako kay Charmaine. Ang cute niya talaga! Iuwi kona kaya to?

"Your tshirt look's good on you ate Sab!" sabi ni Charlotte. Napakamot na lng ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya.

"Bye ate Sab! You know what, mas pretty ka kay Ate Caina!" sabi naman ni Charize.

Really? Eh mukhang mas maganda yun sakin eh?! Hmm pero mas maganda daw ako sabi ni Charize! Syempre hindi nagsisinungaling ang mga bata!

:p

"Thank you Charize!" sabi ko at niyakap silang tatlo pagkatapos kong magpaalam. Pagkasakay ko sa kotse ay napangiti lng ako dahil sa kakyutan ng triplets. Sana ay may kapatid din ako!

Pagkauwi ko ay agad akong sinalubong ni Mommy. I thought she's already sleeping! It's already 10 pm.

"You're home na! Matulog kana baby alam kong pagod ka! By the way, tomorrow dadating ang dalawa mong pinsan." excited na sabi ni Mommy.

"Talaga po?!" sabi ko at nakipagchismisan pa kay Mommy ng ilang minuto bago umakyat sa kwarto.

Farrah and Froy! My twin cousins! Actually silang dalawa lng ang pinsan ko dahil dalawa lng rin na magkapatid si Mommy and tita Celine. So, tatlo lng kaming magpipinsan.

Naghilamos na muna ako at nagbihis. Pagkahiga ko ay bigla kong naalala ang nangyare. Hindi ko alam na ganun pala siya! Bakit ko minahal ang isang tulad niya? Bakit di man lng siya nakonsensiya sa ginawa niya sa kapatid niya? Bakit nagsinungaling siya saakin?

We've been together for a year pero hindi niya man lng sinabi na ganun pala siya. It's ok to me, i'll accept it. Nakakalungkot lng dahil girlfriend niya ako noon pero may mga bagay pa pala akong hindi alam sakanya. I thought I know him very well pero hindi pala.

Flashback

Tinawagan ko na si Adrian dahil alas otso na ng gabi pero hindi niya man lng sinasagot ang tawag ko. Nagplano kasi akong dito na siya isurprise dahil wala si Mommy and Daddy. Atsaka mahilig kaming mag stargazing kaya naexcite ako na papuntahin siya dito. Ang rami kona ring text sakanya pero kahit isang reply wala akong natanggap.

Naiiyak na ako! Nag effort kasi talaga ako para dito dahil monthsarry namin!

Maya maya lng ay may nareceive na akong text galing kay Adrian. Napangiti ako at excited na binasa iyon. Nasaan kaya siya ngayon? Or baka naman ay papunta na siya?

From:Hon

Let's end this! Im breaking up with you Sabrina.

Gumuho ang mundo ko dahil sa nabasa ko. Sinubukan kong tawagan siya pero wala talaga! Tinatawagan ko rin si Adriana pero wala! Hindi niya rin ako sinasagot! Iyak lng ako iyak nung araw na yun. At hindi alam ang gagawin.

End of Flashback~

Nalaman kong namatay si Adriana nung pumunta ako sa bahay nila. Nung anniversarry pala namin ay yun rin yung time na nabaril si Adriana kaya siya namatay. I didn't know that. Dahil hindi niya naman sinabi.

Napatay niya pala ang kapatid niya. Ano bang kasalanan ni Lux noon at bakit gusto niya itong patayin? Naalala kong nung naging kami ni Adrian ay ex niya si Caina nun at si Caina naman ay jowa si Lux, pero hindi kopa kilala noon si Lux. At bakit kaya nagbreak si Lux at Caina? Baka dahil nangaliwa si Caina? Ewan! Bakit ko nga ba naiisip yun!

Sinubukan kong kausapin ng ilang beses si Adrian noon pero wala! At tuwing makikita niya ako ay agad siyang aalis.

Ano kayang nararamdaman ni Adriana? Alam kong nalulungkot siya dahil sa nangyayare sa kuya niya.

End of Chapter 21~

Lovelots<3

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉEWhere stories live. Discover now