“O kaya nga .. dapat talagang sumama ka .. “

‘Ano pa nga ba .. sasama na ako.”

“Ayun .. sige tabi tayo sa bus?”

“Bahala ka ..” yun lang ang sinagot ni Dara kay Iko kaya naman pag uwi ay ngiting tagumapay si Iko.

Si Dara ay sanay sa pagiging clingy ni iKo .. masyado itong malapit sa kanya .. mula pagpasok hangang mag uwian .. sa break at lunchbreak ..

Pagpasok ni Iko sa loob ng bahay ay nakita nya ang kapatid na si Miyu na nakasalampak ng upo sa sofa nila .. wala itong ginagawa kung  hindi ang humawak ng papel at ballpen ..

Naupo sa tabi nya si Iko  at pinagmasdan syang magsulat .. she has a good penmanship by the way .. pero agad naman nyang tinakpan ang sinusulat nya ..

“Kuya!” she   said.

“Why?” tanong ni Iko at ginulo ang buhok ng kapatid. Lalo naman nalukot ang mukha ni Miyu. “I miss you Lil princes!” Miyu just roll her eyes.

“Kuya? Ano naman sumapi sayo?” hindi alam ni Iko kung bakit hindi namana ni Miyu ang kasweetan ng Nanay nila .. yeah .. si Mayu nga pala ang sweet. Miyu has this strong aura. But then niyakap pa din nya ang kapatid. “Uggh! Kuya let me go!” asar na sabi ni MIyu.

Tiningnan nya ng masama ang kapatid. “Wag mo sabihing broken hearted ka at ayaw mo na sa pinakagwapo mong kuya?” pinataas baba pa ni Iko ang kilay nya habang nakatingin kay MIyu.

Miyu just look at him and shrugged her shoulder. “No, I’m not.” Sinara nito ang notebook na sinusulatan at pinatong sa lap nito.

“It’s ok Princess .. magiging okay din kayo ni Yesha .. remember BFF kaya kayo .. she’s your kambal right?”

“No. Not anymore. May bago na syang mga friends. She left me alone.” Kitang kita ni Iko ang lungkot sa mata ng kapatid kaya naman inakbayan nya ito at kinomfort.

“It’s ok .. Princess .  nandito naman ang pinaka humble at mabait mong kuya .. I can be your twin..  by the way .. dahil parehas lang din naman tayong nawalan ng kakambal ..” biglang pasok ni Elo .. nakapamulsa itong bumaba. Dumiretso syang   naupo sa tabi ni Miyu.  Pero tutok pa din ang tingin  sa kambal.

Miyu just keep her silence.

“C’mon Miyu .. let’s go upstairs .. may masamang hangin kasing dumating dito.”

“Miyu .. you want go outside? let’s have malling .. you like that right?”

Tila nagkaroon ng isang laruan sa gitna nila na pinag aagawan nilang dalawa.

“Elo .. ako ang nauna kay Miyu .. wag kang epal ok? Nauna kaming nag uusap.”

“Iko. Hindi porket ikaw ang nauna .. may karapatan ka na .. oh yes .. people are too naïve akala nila kapag nauna sila .. pag aari na nila ..  Dude .. Kahit na ikaw ang nauna .. pag may dumating na higit sayo at mas minahal nya .. di ka pa lumalaban.. talo ka na. sad but true .” umiiling iling pa na sabi ni Elo.

Naningkit agad ang mga mata ni Iko sa sinabi ng kapatid at hindi namamalayan na napahigpit pa ang hawaka nya kay Miyu.

“Damn you Elo ..” mahina pero mariin na sabi ni Iko.

“I love you too bro!” puno ng pang aasar na sabi ni Elo.

“I’m gonna wreck your neck!” inis na inis na tila pinapatay na nya ang kakambal sa pamamagitan ng tingin.

“Wait! Stop! I’m not a toy! Hindi ako ang object of affection nyong dalawa ok? So please wag nyo akong idamay sa gulo nyo? “ kalmado pero inis na ding sabi ni Miyu na tumayo na at sinimsim ang mga gamit nya .. “And for you kuya Elo .. please .. wag kang pang asar. “ irap ni Miyu. Na ngiti lang naman ang sinagot ng kanyang kapatid.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Where stories live. Discover now