CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Close kayo nung guard namin?"

Ngumisi siya at tumango.

"Ayos ka, ah. Hindi ko nga nakakausap 'yon."

"Kailangan 'yon para pag pumunta ako dito, papapasukan agad ako."

May motibo pala ang loko.

"Hmp. Papasesante ko nga kay Papa 'yang guard na 'yan."

Napahalkhak siya.

Nag-stretching muna ako at hinayaan siyang mamatay sa kakatawa. "Ano? Hindi pa ba tayo tatakbo?"

"Eto na ,boss." nag-stretching na rin siya. Ilang sandali pa ay parehas na kaming tumatakbo.

Mabilis talaga si Delgado sa pagtakbo. Ang haba ba naman ng legs niya kumpara sa legs ko. Sa isang oras na pagtakbo namin , ramdam ko na ang pagod. Nakakasilaw na rin ang sikat ng araw nang magpasya kaming mag-water break. Sa club house kami huminto at bumili ng bottled water sa vendo machine.

Umupo muna kami sa bench at nanuod ng mga naglalaban sa tennis court. Napatingin ako kay Delgado na umiinom ng tubig.

Ilang araw ko na siyang kasama. Sa pag-uwi ko galing school, kapag wala kaming usapan ni Anne, agad niya akong susunduin para mapaaga ang work out session namin. Napapadalas ang pagtambay ko sa bahay nila. Nanunuod kami ng kung anu-ano o kaya naman ay maglalaro ng mga board games. As usual, ako ang laging talo. Hindi man lang niya ako pinanalo kahit isang beses lang. Well, nasasanay naman na ako na lagi siyang panalo. Parang natanggap ko na rin na magaling talaga siya.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Come on. Gusto ko yung tinitignan mo ako ng gano'n. Pakiramdam ko patay na patay ka sa akin." natatawang sabi niya.

"Kapal, ha!"

"Kunwari pa. Totoo naman." kinutusan ko nga. Napaigik siya pero isang segundo lang at tumatawa na ulit. Wirdo! Siya lang ata yung lalaking willing na magpasadista sa isang amasona.

Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Hinanap ng kamay niya ang kamay ko at mabilis na ipinagsalikop ang mga iyon.

Napabuntong hininga ako. May kailangan nga pala akong sabihin sa kanya.

"Ready ka na for tomorrow?"

Natigilan ako. Tomorrow? Ano namang meron bukas? Nilingon ko siya.

"Ano bang meron?"

Kunot noo siyang napatingin sa akin. "Nakalimutan mo? Di ba may pupuntahan tayo? Sinabi ko sayo yung tungkol sa second step, di ba?"

Natampal ko ng wala sa oras ang aking noo. Oo nga pala! Ba't ko nakalimutan 'yon?

Na-realìze ko na madadagdagan pala ang problema ko.

"Nawala sa isip ko." napakamot ako sa aking kilay. Natawa naman siya.

"Take notes kasi next time. Bibilhan ng kita ng steno para maisusulat mo ang mga schedule mo. Tsk! Napakamakakalimutin naman kasi." biro niya.

Hindi ako makapagsalita. Paano ko ba sasabihin sa kanya na nakapangako na ako na pupunta ako kina Artemis mamaya at bukas?

"Pwede bang i-postone?"

Nilingon ulit ako ni Delgado, mas lumalim ang gatla sa kanyang noo.

"Hindi. Bakit?"

Napakagat ako sa aking labi. Patay ako nito! Hindi ko nasabi sa kanya na may plano rin ako bukas.

"Anong oras ba ang alis natin bukas?" tanong ko. Susubukan ko na lang makalusot pag kaya kong maghabol ng oras.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon