May kinuha siyang limang piraso ng maliliit na papel sa bag niya at halatang nakasulat na don ang pangalan namin base na din sa mga maiiksing sulat na nakasulat dito. Mukhang pinaghandaan at pinag isipan talaga ito ni ma'am ah.
"Since our class is about entrepreneurship. You will be having a business. A business which will start on Monday next week hanggang Friday. Isasabay natin to sa sports festival na gaganapin at dahil maraming estudyante ang pupunta, tiyak marami kayong customer." Napa what na lang kaming lahat at kung ano ano pang violent reaction. Paano kasi, ang buong akala namin magiging free kami that week at makakapanood kami pero hindddiiiiiiii! May ganitong mangyayari! Paano ko maichecheer si Kelso! Paano!
"Enough! Keep quiet!" Sigaw ni ma'am ng kanina pa kami maingay dito sa upuan namin.
"Don't worry. Ang business naman na gagawin niyo ay food business. It's up to you kung ano iluluto niyo basta ipakita niyo sa akin ang expenses, profit and income niyo. Palakihan ito ng profit at huwag na huwag niyong dadayain lahat ng iyan dahil may mga mata ako sa inyo. Understand?" Sabi niya. Napa yes ma'am na lang kami dahil wala din naman kaming magagawa eh. Huhu!
"So since 45 kayo dito sa klase na ito, I have group you into 5 so meaning 9 members sa bawat group." Tumango lang kami ulit.
"At tandaan, ang unang tatawagin ko ay ang leader so ito na." Wika niya sabay kinuha ang papel na kanina pa niya nailabas. Kinakabahan na ko. Huhu! Sana hindi ako magiging leader kasi wala akong alam patungkol sa business chuchu na 'yan!
"So group 1, leader Abigail." Ang basa ni ma'am sa papel na may nakasulat na pangalan. Napa 'what' na lang si Aby ngunit nagglare lang si ma'am sa kanya dahilan para mapatahimik siya sa upuan niya.
"Members, Oprah, Achaia, Princess, Mimi, Diana, Asher, Enoch and Ethelbert."
"Next. Group 2, leader Xen Caiaphas. Members, Mila Eunice, Sapphira, Karen, Cela Carrel, Lyra Mae, James, Mac Vashti and Zoey." Pagbasa ni ma'am sa second group. Hindi na nga naka react si Xen kasi inunahan na siya ni ma'am sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng deadly glare. Kakatakot!
"3rd group. Leader, Ahijah. Members, Sarah, Carolina, Julia Marie, Ressey Gudaine, Queen, Caleb, Felix and Ren." Napa gasp si Ahijah ng marinig niya ang pangalan niya kaya katulad ng naunang leader, binigyan lang siya ng deadly glare ng instructor namin.
"Kapag may maririnig pa kong mag rereact diyan, mas papahirapan ko pa mas lalo ang gagawin niyo. Understand!?" Sabi niya. Napa yes na lang kami ulit.
"Okay next, leader, Aijalon. Members, Cyrene, Monica Morice, Ynah, Stacey, Gabriel, Simeon and Matthew."
"Last group, ang leader niyo ay si Appii, at ang members ay sina Ma. Dorcas, Moriah, Margaret, Keisha Thera, Rose, Tyre, Rain and Kelvin."
"Okay class go to your groupmates and discuss what food will you sell at the festival. I will give you an hour to discuss it. Okay ba yon?" Napa yes na lang kami pagkatapos ay pumunta na ko sa groupmates ko.
❌❌❌
"So, yon na ang lulutuin natin?" Tanong ng leader namin na si Appii sa amin pagkatapos mailista lahat ng majority na foods na ibebenta namin.
Ang napagkaisa na pagkain na ibebentan ay meryenda dahil alam namin na mas madaming customer na bibili non.
"Oo, since yong naman ang napagdisisyunan ng madami edi yon." Nakamulsang wika ni Rain.
"So ngayon, ang idiscuss natin kung saan tayo pwepwesto." Sabi ulit ni Appii. Tinaas ko yong kamay ko dahilan para mapunta sa akin ang atensyon ng leader namin.
"Kung hatiin kaya natin ang bawat members since 3 gym ang gagamitin sa sports festival. Kailangan mayroong taong magbebenta by gym." Tumango lang yong mga kagroupo ko sa sinabi ko.
"Tama! At since 9 tayong lahat at 3 ang lalaki, hatiin natin ang members natin by 3." Sabi ni Appii sabay ngiti.
"Okay, si ate Keisha, Rose at Kelvin sa SHS Gym. Tapos si Dorcas, Moriah at Rain sa College Gym at tayong tatlo kuya Rain at ate Margaret sa Elementary Gym." Napa tango na lang kami habang yong dalawang mortal enemy ay nagbabangayan kung bakit sila magkasama pero wala eh, ang leader ang masusunod kaya wala silang magagawa.
"So settled na ang lahat?" Ngumiting tumango kami pero yong dalawa, wala eh! Naka bungasot.
"Ayaw ko." Ngiwing sabi ni ajumma.
"Ano ba yan ajumma! Huwag mo munang isipin yang galit mo kay Kelvin kasi ano mang mangyari sa atin sa araw na 'yon, kailangan tulong tulong tayo. Dahil para din naman sa atin yon eh!" Sabi ko na medyo naiinis na kasi sumang ayon na si Kelvin, itong si ajumma na lang ang hindi eh.
"Pasensya na ajumma. Oo na hindi na. Basta huwag niya lang sirain ang araw ko." Napatawa na lang ako.
Ilang discussion pa ang nangyari sa grupo namin pero isa lang ang nasa isip ko.
Mapapanood ko kayang maglaro si Kelso?
❌❌❌
Nakilala natin ang ibang mga kaklase ni Keisha. Naaalala niyo pa ba kung saang chapter natin nakilala ang ilan sa kanila? Kung hindi sasabihin ko sa inyo kung saan.
Xen Caiaphas- Closer 25
Rose- Closer 25, Nobody's Better 22 & 23
Ren- Closer 11 & 24
Mimi- Closer 13
Mila Eunice- Closer 11
Tony- Closer 11
Princess- Closer 27 & 37
Julia Marie- Nobody's Better 21
Kelvin/Kim Shung-Ah- Nobody's Better 10, 22 & 23
Meron pa yong iba like si kuya Mac Vashti, Queen, Marie and Ynah. Ewan ko lang kung saan. HAHAHA! Nakalimutan ko na eh! Kayo na lang po ang maghanap. Salamat 💓
😉
YOU ARE READING
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
💕 NOBODY'S BETTER 24 💕
Start from the beginning
