"Umm, bakit ka pala sumusunod sa amin ni Kelvin?" Tanong ko with matching turo pa sa sarili ko at pagkatapos ay kay Kelvin.
"Yan kasing Koryanong yan, iniwan ako bigla. Pagkabigay na pagkabigay sa kanya ni Queen nong flash drive namin tumakbo siya agad. Eh wala pa sa kanya yong kinontribute namin na pera pampa print niyan! Hayyst! Hinabol ko tuloy siya pero di ko siya naabutan hanggang sa nakita ko na lang kayo dito." Wika niya habang hanggang ngayon hinahabol ang hininga niya. "Hoy Shung-Ah! Paano mo mapaprint yan kung wala kang pera pampa print? Nasa akin kaya yong pera aber! Iniwan mo pa ko letse ka!" Galit na bulyaw ni ajumma kay Kelvin habang si Kelvin naman ay halatang hindi alam ang pinag sasabi ng babaeng nasa harap niya. Paano, nagtatagalog. Hindi niya talaga maintindihan yong sinabi.
"What is she saying?" Sabi na nga ba eh, hindi niya naintindihan.
"Ummm she said that she will accompany us to go to our destination right now." Wika ko na lang. Nag 'ahhh' lang siya at tumango.
At nag umpisa na nga kaming pumunta sa computer lab. Kaming tatlo habang naka bungasot si ajumma dahil sa pag iwan sa kanya ni Kelvin.
❌❌❌
Pagdating namin sa computer lab, kaunti lang ang tao na naabutan namin dito. Ang iba gumagamit ng computer, yong iba busy na tinitignan yong mga taong gumagawa ng gadgets or robots at yong iba, katulad namin nag papaprint o kaya nag papa photo copy ng kung ano ano.
Malaki kasi ang computer laboratory ng school namin. Nandito lahat ng mga magabagong uri ng mga technologies at mga gadgets. Nandito din ang mga malalaki o maliliit at iba't ibang uri ng robot na gawa ng mga ICT at IT students. Meron din silang mga application sa gadgets na dito ginagawa. Malakas din ang internet connection dito dahil kailangan nila. May free wifi din dito pero para lang to sa mga IT at ICT students. Madaya nga eh! Gusto din namin maka access ng free internet pero di namin magawa dahil nga hindi namin alam yong password. At kung alam namin, agad nilang pina palitan yong password kaya hindi din namin magamit.
Umupo kami sa may upuan sa gilid dahil hinihintay pa namin matapos yong unang nag papaprint. Mayroon pa kasing nagpapa print bago kami at may dalawa pang susunod. Kaya hihintayin na lang namin. First come first serve basis kasi sila dito which is good.
Tumabi sa akin si Kelvin habang sa kanan niya si ajumma Rose kaya bale na sa gitna namin siya. Habang naghihintay, pinag mamasdan ko lang yong dalawang kasama ko. Tinignan ko si Kelvin. Naka prenteng upo siya habang pinag lalaruan ang flash drive na hawak niya at bumubulong bulong gamit ang native language niya. Si ajumma naman, pinag mamasdan lang yong nag papaprint sa harap namin. Pero nong tinignan ko yong mata niya kung saan talaga siya naka titig ay halos matawa ako. Nakatitig siya don sa taong nasa computer na busy na nakatingin sa screen niya. Siya kasi yong nag aasikaso sa mga printing, xerox, etc at pogi si kuya. Kaya naman pala eh!
"Hey Keisha! Can I ask you something?" Biglang tanong ni Kelvin na ikinagulat ko.
"What is it?" Tanong ko din naman.
"Ummm... Do you like flowers? Chocolates and sweet stuff?" Napa freeze ako sa tanong ni Kelvin. Siyempre lahat ng babae, gusto yong mga sinabi niya pero ang pinag tataka ko lang, bakit niya sa akin to tinatanong?
"Ofcourse naman Shung-Ah! Lahat ng babae gusto yang sinabi mo. Abnormal naman sila kung hindi!" Singit ni ajumma Rose sa usapan namin. Mukhang kanina pa siya nakikinig ah!
"Babo! Neo hante iyagi haneunge aniya!" Sabi ni Kelvin na ikina kunot noo naming dalawa ni ajumma.
"Yah!" Bulyaw ni Rose. "For your information, I'm not a Pabo! I am a Person! A person not an animal!" Sabi ni ajumma habang tinuturo turo pa ang sarili.
Bigla namang napatawa tong katabi ko sa sinabi ni ajumma. Pati ako napa samid dahil sa sinabi niya.
"Wae ileon jonglyuui dong-geubsaeng-i iss-eulkkayo?" Bulong niya habang tumatawa pa din. Ilang saglit naman ay napa tigil na din at naka get over na din si Kelvin pero tong si ajumma kanina pa umaapoy yong mata sa galit. Kaya heto, pinag babatukan niya si Kelvin.
"Hey! Hey! Stop it! You!" Sabi na lang ni Kelvin habang sinasangga lahat ng palo ni ajumma. Habang ako, hinayaan ko lang sila. Baka kasi sila yong magkatuluyan eh! Hahaha! Kaya pagbigyan.
"But Keisha." Tanong ni Kelvin. "Do you like them?" Tumango na lang ako sa sinabi niya dahil hanggang ngayon pinapalo siya ni ajumma Rose.
"What kind of flowers do you like?" Tanong niya ulit but this time, hindi na siya sinasaktan ng katabi niya. Napagod na eh. Pero di pa din mawala iyong sama ng tingin ni Rose kay Kelvin.
"Baby's Breath flower." Sagot ko.
"I see." Sabi na lang niya sabay tumango. Nabaliw na ata eh!
❌❌❌
Tapos na ang klase ngayong araw at si Kelvin at ajumma ay not in a good terms dahil nga sa mga nangyari kanina. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maka get over si Kelvin sa kakatawa kapag naiisip niya yong sagot ni ajumma kanina kaya hanggang ngayon nag sasakitan sila. Sinasabi ko na sa inyo, magkakatuluyan yang dalawang yan! Bwahahaha!
Pagkakalabas na pagkalabas ko sa classroom namin, naabutan ko si Kelso na printeng naka tayo habang naka lagay ang kamay niya sa bulsa ng uniform niya. Ang cool nga niyang tignan ngayon eh. Bigla siyang napatingin sa akin tapos bigla siyang ngumiti. Ngumiti din ako pabalik sa kanya at pagkatapos non ay pumunta siya sa dako ko kaya napahinto ako sa pag lalakad.
Pag dating niya sa harap ko ay agad niyang hinawakan ang isa sa mga kamay ko at hinila niya ako. Na naman! Hinila niya ko palabas sa building na 'yon pero bago pa ko makalayo ay narinig ko pa ang sigaw ni Momo.
"Huwag mag papabuntis!" Sigaw niya. Napaglare na lang ako sa kanya habang hila hila pa din ako ni Kelso. Chansing to bess! Hihi!
❌❌❌
Ipinunta niya ako sa likod ng building ng school katulad nong kahapon. Dito na naman niya ko ipinunta at hindi ko alam kung bakit.
"Anong meron?" Tanong ko pagkadating namin dito. "Anong ginagawa natin dito?"
"Di ba sabi mo liligawan kita? Kaya ipinunta kita dito dahil may ibibigay ako sa'yo." Wika niya. Tumango lang ako at hinintay kung ano ba ang kukunin niya pero napaluha na lang ako dito sa pwesto ko dahil sa kanya.
"Para sa'yo." Wika niya sabay abot ng favorite flower ko. "Sana magustuhan mo." Wika niya. Tinignan ko lang yong bulaklak at napa overwhelmed dahil sa effort na ginawa ni Kelso.
"They are beautiful." Wika ko.
"Thank you."
"Baby's Breath is beautiful. Just like you." Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Hinampas ko nga yong balikat niya dahil sa sinabi niya. Ang korny niya eh letse!
❌❌❌
Neo hante iyagi haneunge aniya.
(I'm not talking to you.)
Babo! Neo hante iyagi haneunge aniya!
(Stupid! Why do I have this kind of classmate?)
Hindi ko po alam kung ganyan po talaga ang Korean translation eh! Tinanong ko lang si Google Translate. 😂
P.S
Ang 'Babo' po ay Korean Word for 'Stupid'. Di lang nagets, narinig mabuti at naintindihan ni Rose. HAHAHA! 😂
YOU ARE READING
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
💕 NOBODY'S BETTER 22 💕
Start from the beginning
