"Anong meron? Para kang tanga." Puna ni Maxxine nang nagulat sa pagtawa ni Johansson. Umiling siya bilang sagot at umalis para lapitan iyong captain ng dalang yate.

"Walang nakakita sa halikan niyo kanina..." panunukso niya

"Shh!"suway ko dahil nasa harap namin si Lauren, gumagawa ng sand castle kasama si Dior

"Asus! Masasanay din yung bata!"

Susuwayin ko pa sana siya dahil nakatoon na talaga ang atensyon ni Lauren sa amin ng biglang nagtawag si Ate Xena na mag-i-island hopping na raw.

Tumalon sa tuwa ang mga bata, nakisabay si Karlie at Bianca sakanila.

Hindi na sumama sina Tito dahil mas gugustuhin daw nilang bumalik sa hotel at magpahinga, ang mga iilang pinsan na lang namin ang sumama, kaibigan ni Ate at mga kaibigan ko ang nasa iisang yate.

Picture taking ang nangyari sa unang isla dahil walang masyadong gagawin doon. Naghahanap ng malakas na alon si Kuya Austin at yung isa naming pinsan na si River dahil gusto raw nilang mag-surf.

Pinapanood ko si Johansson na umiinom ng rum kasama ang mga lalaki habang kaming mga babae ay nag kkwentuhan at nag pipicture taking habang tanaw ang dagat. Nanliit ang mata ko nang makita si Nick na kasama ang mga lalaki, tumatawa at nagpapasimuno ng bottoms up.

Nilingon ko si Karlie na tumatawa at may tinuturo kay Maxxine sa dagat, naging ayos na siguro sila noong iniwan ko sila kanina?

May maliit na braso ang yumakap sa akin, humarap at lumuhod ako kay Lauren na galing kay ate Xena.

"Where's Daddy?" bungad niya sa akin, hinaplos ko ang malambot niyang buhok. She intermediately attached to her Dad kahit na isang araw pa lang ang lumilipas. Tinuro ko si Johansson sakaniya at mabilis siyang tumakbo dala-dala ako.

"Slow down, baby." Nakakalimutan niya atang nasa yate kami at baka mapano siya kung tatatakbo takbo siya

Johansson put his glass on the table when he saw us, opened his arms for Lauren's hug while I just simply tagging her. Hindi alam kung bakit nandito ako.

Lauren sit on his lap while he suddenly pull me to sit beside him, ang malambot na foam ay dumikit sa balat ko dahil cover up lang itong suot ko sa ilalim ng two piece.

"Do you want to change?" Bulong niya para hindi makaistorbo sa kwentuhan ng mga lalaki

Umiling ako "We might swim on the next island."

Marahan siyang tumango at ipinatong ang kamay sa aking hita "Aren't you cold?" Umiling ako, hindi makatingin sakaniya.

I felt a warm towel enveloped my shoulders sunod noon ay ang kamay ni Johansson sa aking bewang. He laughed and continued talking to my cousins while my whole attention is on his hand.

Nang nasa isla na kami ay namangha kaming lahat sa ganda ng tanawin, it's a small island so no one is residing here. Sobrang lakas ng alon kaya mabilis na kinuha ng mga lalaki ang kanilang dalang surf board at dumiretso na sa dagat.

"You're not joining them?" Tanong ko nang napansin na hindi siya aalis sa tabi namin ni Lauren. We are gathering all our equipments for snorkeling.

Umiling siya at tinulungan ako sa pagsuot ng fin kay Lauren para sa aming snorkeling.

"You can join them, kasama naman namin si Maxxine." Tumikhim siya at tumayo para kunin ang fin na para sa akin. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang paa ko.

"I will join them after we snorkel, okay?" Inangat niya ang tingin sa akin, ang mamasa masa niyang buhok ay hindi ko kinaya, tumango na lang ako at agad na nag-iwas ng tingin.

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon