Makating Entry No. 7

2.7K 45 2
                                    

Dear Diary,

     One week na kaming naglalandian este nagpapanggap ni Sean..

    Diary alam mo sabi niya mahal na daw niya ko tapos nililigawan na din niya ko.. Ganda ko di ba diary?? Kapag hindi ka nagsalita iisa isahin ko pahina mo at ipupunas ko sa pempem ko... Intiendes??

     So ayun na nga nag-aayos na ko ng gamit dahil meron na namang practice kailangan lagi akong fresh.. Lalo na at kasama ko si Sean Loves hahaha.. Hoy hindi ako makati diary... Konti lang..

*onemessagereceived*

*SeanBabes*

Diday nandito ako sa loob ng bahay niyo pinapasok na ko ni Tita Lilay

   Fowta talaga si Inay baka mamaya minomolestiya na siya ni Inay dahil mahilig pa naman yun sa mga bagets hihi joke lang..

     Bumaba na ko at nakahanda ng gumora "Inay, buhay pa po ba si Sean??"-sigaw ko

"Oo buhay pa naman ang cute ng pisngi at ilong ng boyfriend mo!! Anak ang swerte mo hihi!!"- see ang landi ni Inay

  Binatukan ko na si Inay at umalis na kami.. "Sean anong ginawa sa yo ni Inay huh??"

"Wala lang kinurot lang ang pisngi at ilong ko!! Ang kalog ng mommy mo sana ganyan din mommy ko!!"

    Napahawak na lang ako sa magkabilang pisngi ng pwet ko.. "Juice Colored!! Sean kung alam mo lang sinasabi mo!!"

     So ayun na nga diary nagmotor na kami papuntang court habang nakakapit ako sa tagiliran ni Sean habang pinipisil pisil yung abs niya hihi.. Hoy hindi ako nangangati wah..

     Ang saya pa lang maglandi este magboyfriend tapos gwapo pa hihi.. Sana next time meron pang blessing haha.. Nung nagpapraktis na kami napansin kong wala si King.. Tss bakit ko ba siya iniisip bahala siya sa buhay niya..

     "Hoy Diday!!!!"- sigaw nung choreographer

"Ay pempem ka ng kalabaw!!"- napasigaw ako dahil nabisaklat ang beauty ko

      Diary masaya bang magkalovelife?? Feeling ko ang ganda ko na kase.. Hoy atleast feeling lang.. So ayun na nga rumampa na kami then after 3 hours pinauwi na kami..

"Diday tara na !! Hatid na kita!!"- gush bakit kay gwapo ng nilalang na to laging nalalaglag panty ko teka may suot nga ba kong panty ngayon??

   Tumango na lang ako at sumakay sa motor.. Nung nasa bahay na kami..

"Pasok ka muna!!"- sabi ko

Umiling na lang siya bilang sagot "Mahal kita tandaan mo yan!! Good Night Diday!!" syet kinindatan niya pa ko halos makurot ko na singit ko sa pagpipigil ng kilig fowtha.. Diary umaalembong na ko...

Naglalandi pero pretty pa din,

Diday HartHart <3

Sean's pov:

     Syet parang ayoko ng ituloy yung sinasabi ni Jina. Mahal ko na si Diday ayokong masira yung pagmamahal at pagtitiwala niya sa kin.. Kailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoo bago mahuli ang lahat..

Calling Diday's Number...

Sorry Hindi Sapat Ang Iyong Load Balance Para Ipagpatuloy ang Tawag na ito para patuloy na makatawag siguraduhing may sapat na load.. Maraming Salamat.. Toot Toot

Diary Ng Hindi Makati (Konti Lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon