hindi siya nagsasalita. Hindi ko na din alam kung ano pang pwede kong sabihin para mapilit siya. Alam ko naman deep inside na lahat ng to ay mali. pero i just really need to get back on my feet..

"Dan Romero.

 

she looked at me then she looked down. 

yan ang pangalan nya.."

 

"Naiinitindihan mo na ba kung bakit ko ginagawa to.?"

 

hahawakan ko sana ang kamay niya pero agad niya itong nilayo

 

"I dont care about your purpose..

 

I lost someone important because of love..

I just dont want to waste another life because of love.."

-------------------------------------------------------------

and that's how i got here..living as Dan Romero. Tinulungan ako ni Angel na mag simula ulit.. Kinausap ko ang parents nya and the weird thing is..nag agree sila sa plans ko..Probably because ayaw din nilang mainvolve sa pag suicide ni Dan. They were the ones who paid the police and news reporter para palabasin na ako ang namatay nung gabing un.. and since im from a chinese family, our religion is not really a fan of autopsy..pinacremate nila ang katawan..

Madaming nangyari after nun. Nagtapos ako ng highschool at ngayon ay college na sa isang sikat na school taking Business Administration. Si Angel naman nagpunta sa ibang bansa after a year at dun na nag aral. Naging close naman kami bago siya umalis. Pero we both know that i will never be her "Dan". and that i can never fall inlove with her. Para nalang kaming magkapatid. At kay Anne, wala na akong balita. Nag focus ako at nag sumikap para makabangon ulit..hindi man as Kiko pero as Dan..

But after two years, sinong mag aakala na magtatagpo ulit ang landas namin. Sinong makakapagpredict na makikita ko ulit si Leanne Sanchez aka Anne sa isang mall, mag isa.

Nung una akala ko coincidence lang na kapangalan niya ang babaeng dumurog ng puso ko. Sumunod ang "couple shirt" na binaliwala ko lang dahil nabili lang naman namin un sa tabi-tabi, kaya maaring nabili lang din nya. But then nung sinabi nyang nag suicide ung may ari ng kapair ng shirt nya. It hit me. Sya ang Anne na kilala ko. Siya ang ANNE ko..noon..

Ang Anne na niloko at iniwan ako matapos kong ipag laban. Ang Anne na dahilan kung bakit ako nagpapanggap bilang ibang tao. Ang Anne..na minahal ko.. Oo. Minahal. Minahal na lang. Past tense dahil matagal na kaming tapos.

Magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ko.

Nung una hindi ko sya nakilala dahil iba na siya manamit..at mahaba na ang buhok nya..sigurado akong hindi nya din ako nakilala dahil ibang iba na din ang itsura ko..at sino namang magaakalang buhay pa ko. Pero nung narealize ko na na sya un, napaisip ako bigla..hindi nya pwedeng malaman na ako to..

Pero nagulat ako nung nagpropose siya na maging kami for a day. Ayoko talaga nung una dahil hindi ko kayang tiisin makasama ang taong nanakit sakin ng sobra. Pero nung wala na kong magawa dahil dumating ang mga kasama niya, naki-ride nalang ako. It's just for a day. Ano namang mawawala? Nagtaka din kasi ako nung nagulat ung mga kasama niya nung pinakilala niya akong boyfriend kaya gusto kong malaman kung ano bang nangyari sakanya for the past two years. Kakamustahin ko lang siya.

That's it.

Hindi na mauulit ang pagkikita namin.

Hindi na..dapat.

===================================================

Never Call Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon