Chapter 7

29 0 0
                                    

You have to make him believe. Ikaw lang ang makakapag palayo sakanya.

Pumasok na ko ng kwarto after namin mag usap ni Papa.

Tama siya. Hindi makikinig si Kiko sa ibang tao. Patuloy siyang magmamatigas sa Dad niya at patuloy siya nitong sasaktan. Patuloy din akong sisisihin ng Dad niya sa pagmamatigas ng anak niya. At pag di ko nagawang palayuin si Kiko, siya ang ilalayo sakin. Sinong makakapag sabi kung gano kalayo un? Mayaman sila. Kahit san pwedeng dalhin si Kiko. Mas gugustuhin ko pang dito lang siya sa pilipinas at hindi kami, sa posibilidad na makita ko pa siya ulit, kesa hindi ko alam kung asan siya at hindi na siya makita pang muli..

Pero pano ko gagawin un?

Pano ko mapapalayo ang taong pinakamamahal ko?

Pano ko tatanggapin na taong pinakamamahal ko ay kailangan lumayo sakin?

Pano ..

Paano?

.

.

.

.

**end of flashback**

Andito na ko sa simbahan.

Oras na para mangumpisal.

Oras na para ihingi ng tawad ang mga kasalanang noon pa ginawa.. 

Oras na para tanggapin ang mga bagay na tapos na..

--------------------------------

 Kiko's POV 

 -------------------------------

Hanggang dito na nga lang ba ang kaya ko?

.

.

.

.

Ano bang mali sakin?? Ano bang kasalanan ko??

It's not your fault!!

.

.

.

May narinig akong nagsisigawan.

Yung babae at lalaki sa katapat na building, nag aaway.

Boy: Porket ba mahirap ako? Porket wala akong mga magulang?

Girl: Hindi naman mahalaga sakin un e..

Boy: E pano ang mga magulang mo?? Yun ang mahalaga sakanila! Pano nila ako matatanggap??

Haha.

Nakakatawa.

Oo. Nakakatawa.

Nakakatawa pero hindi nakakatuwa.

Nakakatawa kasi parang kelan lang ganun din ang problema ko.

Ayaw ng mga magulang  ko sa girlfriend ko.

Gusto nila akong mamili kung sila o ang taong mahal ko.

Pero ngayon, mas mabigat na ang problema ko.

Ang taong pinaglalaban ko, niloko lang pala ako.

Boy: NEVER NILA AKONG MATATANGGAP!

Girl: Tama na! lasing ka lang..pag usapan natin ng maayos to..bumaba na tayo..

Boy: HINDI! AYOKO NA! SAWA NA KONG PATUNAYAN ANG SARILI KO SA IBANG TAO!

Girl: Dan please?? Natatakot na ko!

Boy: I'm sorry Angel, pero kailangan ko ng tapusin ang paghihirap na to. I'm sure may makikilala ka pang tao na mamahalin ka as much as i do..yung hindi mahirap..yung may maayos na pamilya..

I love you so much.

Take care.

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang un, nakita kong kumawala siya sa hawak ng babae at dali-daling tumalon ng gusali. Wala ng nagawa ung babae kundi panuorin bumagsak ang katawan ng mahal niya habang humahagulgol.

At ako? natulala at kinilabutan. Yun dapat ang gagawin ko ngayong gabi na to kaya ako nandito. Para tapusin ang mga bagay-bagay na nagpapahirap sakin. Pero matapos makita ang mga pangyayari na un, natakot na ko. Kaya ko din bang tapusin ang buhay ko tulad ng lalaki na un?

Mabilis akong bumaba ng condo para puntahan ang katawan ng lalaki. Hindi ko alam kung nauna lang talaga akong makarating dun kesa sa kasama niyang babae o hindi pa talaga siya bumababa, pero madami ng tao pag dating ko. Lahat sila nagtataka kung anong nangyari. 

Dumating na din ang ambulansya. Pero wala na silang magagawa. Hindi na nga makilala ung muka nung lalaki sa pagkakabagsak siya. Sunod na dumating ang mga pulis. Nagtatanong-tanong sila sa mga taong nakapaligid dun kung meron bang nakakakilala sa biktima at kung anong nangyari pero sigurado ako wala silang alam. Hindi ko pa din makita ung babaeng kausap ng lalaking to dun sa taas ng building.

Lumapit ako at nagsalita.

"Francis Dean Sy. Yan ang pangalan nya. Suicide. Tumalon siya mula sa rooftop nung building na un."

Sakto pag turo ko ng building dumating na din ung kasama niyang babae na hindi pa rin tapos umiyak. Tiningnan niya ako na puno ng lungkot at pagtataka ang mga mata. Nilapitan ko siya. 

We need to talk.

===================================================================

Author's Note:

sadyang maikli lang para namnaming mabuti ang kaguluhan ng kwentong ito.. lol pag di gets ang POV ni kiko, reread chapter 2. 

Never Call Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon