16

374 7 0
                                    

Den's

Pasukan na naman at tapos na ang sembreak. Tapos na din kami mag enroll ni Ly at Ella.
We're officially enrolled at Enderun.

Same parin kami ng subjects yong major lang ang hindi. May Tig iisang major kami na wala sa course outline namin kaya no choice kami kundi magkahiwalay sa Araw ng mwf 7-8pm.
Same schedule parin para sabay sabay kami kakain at mag aral.
Hindi na kami maipaghiwalay na tatlo.  Alam mo yong di kumpleto ang Araw namin pag di namin nakikita ang isat isa.
During vacant time ay uuwi kami ng condo at dun mag iingay kesa tumambay sa school.

Si Ly at Ella mahilig sa pagluluto ng kung anu-ano at ako bilang display.chosss.... Ako bilang di masyado mahilig sa pagluluto ay taga tikim lamang .

Si Ly more on Filipino food si Ella on Japanese food.
Pero may kinahuhumalingan sila ngayon ang pag gawa ng kimchi. Yes! Kimchi. Bakit? Naadik kase sa Korean dramas.

Their Kimchi is the best. Ewan ko ba pero sobrang sarap talaga ng kimchi na gawa nila. Mas masarap pa sa mabibili sa grocery store. Tuwing Saturday morning maagang mamalengke si Ly para bumili ng mga sangkap para Kimchi good for a week yong gagawin niya, side dish namin yong kimchi.

" Yeheeyyy!!! Sabado na naman bukas" masayang sabi ni besh Ella habang naglakad kami palabas ng campus. Nakaugalian na namin na maglakad pauwi ng condo. Natuto na kaming magtipid. Sus! Yong totoo feel lang namin maglakad, minsan tatambay muna sa isang establishment sightseeing. Hahahaha Naghahanap ng gwapo. Pero si besh Ella talaga ...siya yong mahilig mag sight seeing. Runner up lang kami ni Ly. Etong si Ly panay nakakontra kay Ella pagdating sa mga tipo netong lalaki. Bwahahahaha bahala sila Basta ako ....mag aaral ako.

" Ly di muna ako sasama sayo bukas ha. Bibili ako ng book sa rex" paalam ko kay Ly lagi niya kase akong bitbit tuwing namamalengke siya.

" Anong book bibilhin mo beshDen? " Tanong agad ni Ella.

"Bibili ako ng tour 2 and 3 yong sa domestic, pasabay ba kayo?"
Ngapala magkaklase kami sa tour 2 subject kase continuation yon ng tour 1 yong sa tour 3 ang hindi same din sa kanila may hrm2 ako na subject but walang 3.

" Sige Sige pasabay kami ni Ly"

" Bibili din ako ng hotel management book. Pasabay kayo?" Tanong ko ulit para isang bilihan nalang.

" Den hintayin mo nalang ako bukas sasama ako sayo" biglang sabi ni Ly.

" Ha? Eh baka pagod kana nun"

" Hindi. Sasama ako" pilit nito.

" Ahh okay" tanging nasabi ko at tumingin ako Kay Ella na parang nagtatanong, nagkibit balikat lang siya.

" Ang weird" nasabi ko nalang sa isip ko.

Dumaan kami bakeshop na tatlo nagutom eh.
Bumili kami ng tinapay at gagawa daw si Ly ng tuna egg spread special daw yon.
Tatambay muna si Ella sa condo at late na lagi uuwi. Ewan ko ba sa batang ito naadik na din sa kakatambay sa condo.

Pagpasok namin sa unit ni Ly ay agad kaming nag unahan ni Ella sa mahabang sofa ni Ly.

" Ako nauna ..yehey!" Sigaw ko at dumapa sa sofa.

" Hoy teka lang....ako diyan" sabi ni Ella at dinaganan ako.

" Hoy Ella umalis ka diyan ..ang bigat bigat mo" reklamo ko kay Ella.

" Bakit mo kase ako inunahan?"

" Anong inunahan, fave ko to na spot. Dito na talaga ako" sagot ko naman at tinulak tulak si Ella. Ayaw naman magpatinag ni Ella.

" Tumigil kayo diyan. Lagi nalang. Araw Araw nalang. " Saway ni Ly samin.

" Si Den/Ella kase" sabay na sabi namin ni Ella.

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon