11

421 10 0
                                    

Nakakabingi yong katahimikan. Di ko malaman kung bakit walang madaldal samin ngayon. Si Ella tahimik din kung kailan kailangan yong ingay niya Saka naman siYa tumahimik.
At dahil mukang wala silang balak magsalita minabuti ko na lamang makinig ng music at magbasa. Mag advance reading nalang ako kesa mahawaan pa ako sa dalawa na parang wala sa mood. Hapon na pero wala paring nagbago. Break namin ngayon at tumambay kami sa classroom.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ko ng tourism book nang narinig kung nagsalita si Ella.

"Besh...uwi ka agad condo mo after class?"

"Hindi. Mag gogrocery muna ako bago uwi..bakit?".
Sagot ni Ly.

Hmmmm mag grocery pala siya. So di ako Kasama? Malamang Hindi . Ako kase ang sabi, Hindi kami.
Aayain kaya niya ako. Wala parin ba siya sa  mood? Ano kaya nangyari sa kanya?
Nakakahiya naman mag tanong.
Pakiramdam ko Hindi talaga kami friends. Yong feeling na biglang layo ng kaibigan mo kahit magkatabi lang kayo. Yong parang biglang Hindi kayo magkakilala kahit sobrang close niyo kahapon. Ang sakit ahhh. At napahawak ako sa dibdib ko ng wala sa sarili.

" Okay ka lang Den?" Nag alalang tanong ni Ella.

" Ha? Ah..o..o okay lang ako". Utal ko na sagot.

" Sure ka? Napahawak ka kase diyan sa dibdib mo",

Nakita kung tumingin din si Ly sakin at oo nga nasa dibdib ko pa yong kamay ko at agad ko naman tinanggal.

" Oo Ells okay lang ako. Ano... Parang makati kase".
Alibi ko...pero teka bakit parang tutulo na luha ko. Agad akong tumalikod sa kanila at pasimpleng pinahiran luha ko. Naninikip ang dibdib ko.

Tumakbo ako palabas "teka lang Ells ihi muna ako" paalam ko sa kanya nung nasa may pinto na ako at Hindi nag abalang lumingon pa.
Dire diretso ako sa pag takbo, agad akong pumasok sa cubicle at dun umiyak.

I miss mom. I feel so empty. Di ko maintindihan Anong nangyari sakin.

Pagkalipas ng ilang minuto ay inayos ko na sarili ko. Check ko muna mukha ko bago bumalik sa room.

Mabigat ang dibdib at mabigat din ang paa kong bumalik pero kaya ko to. Aja!

" Hoooo! Inhale exhale" nang makalma na sarili ko ay pumasok na ako sa room na parang walang nangyari.

Umupo ako sa upuan at hinintay ang pagdating ng prof. Last subject nalang namin sa Araw na to. Makakauwi na din. Kailangan kung irelax lang sarili ko. Masyado yata akong stress sa school kaya ganito?

Di na din kami nagkausap ni Ella pagbalik ko dahil dumating din yong prof halos magkasunod lang kami sa pagpasok, kaya pagka dismiss ng class at paglabas na paglabas ni prof ay agad din akong umalis. Nag hanap ako ng massage parlor near my condo. At dahil tinamad ako maglibot ay dumiretso na ako sa bahay.

" Hi mom" bati ko pagkapasok

"Dennise......." Sigaw ni mom pagkakita sakin.

"I miss you" sabay naming sabi. At tumawa.

" I miss youuuuuu" yakap ulit ng mahigpit ni mom sakin.

"Kamusta? Bat  bigla kang napauwi?" Malumanay na tanong ni mom at ito ako napaka emosyonal my tears started to fell down at napahagulhol ako.

"Hey! What happened?" Inakay  ako ni mom paupo sa sofa.

Umiling ako bilang sagot.

"Baby... I'm just here okay. Willing makinig si mom".

Tumango at yumakap ulit kay mom.
Iba talaga ang warmth ng mom. Iba pag nasa bisig na nila tayo.

"Thank you mom" I uttered.

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon