Love, Simon

46 2 0
                                    

Nakatulala lang si Blaster kung saan saan at kunyaring nakikinig sa guitar skills ni Simon. So far may beat box na nakuha si Badjao at nakisali kay na Simon na naggigitara at kumakanta, si Zild ay kumakanta na rin. 

   At si Blaster? Halos parang judge, yun yung feeling na ibinibigay sa kanya ni Simon. Nagtataka na nga si Blaster eh. Bakit ba gustong gusto ni Simon maggitara na nandun siya? Bakit kailangan ma-impress dapat siya?

   Pati nga sa pagpunta ni Blaster sa cr, sobrang concern nito ni Simon. Eh baka naman kasi bisita siya? At masyadong mabait lang? Baka ganun na nga.

   Si Badjao naman thumbs up lagi ang ipinapakita sa pinsan niya na si Simon at ngiti at linulunod na rin ng compliments. Sandali lang ah, G chord lang yun ah. Parang bumaba ang standards at kaligayahan ni Badjao padgating sa guitarist.

   Kakatapos palang kumanta ng "Somebody to Love" at "Sunday Morning" pero sawang-sawa na si Blaster sa mga salamin ni Simon. Round pa talaga? Parang kay Harry Potter at kay?? Pero hindi lang yun, restless lang talaga si Blaster.

   Ayos siya dun sa first destination ng road trip nila, dun kina Blaise at Kal. Buti pa kasi yung dalawa may mga malalaking aso at tahimik at mahangin sa probinsya. At hindi naman sila natulod as garahe eh. Nagsiksikan silang lahat sa salas dahil pinilit nina Badjao at Blaise tapusin yung Stranger Things.

   Pero sa bagay, maayos na rin na wala sila dun... 

   Nakakabitter para kay BLaster na makitang naaatract si Zild kay Blaise at si Badjao kay Kal. Di nalang alam ni Blaster kung hindi pa halata sa dalawang babae, pero siguro naman hindi sila bobo.

   "Uy, sige. Ayos na yun, Simon. 'Di ba may pasok ka pa mamaya?"

   JUSKO BUTI NGA, muntikan na mapatayo si Blaster sa tuwa. Pero kinailangan niyang maging subtle sa happiness niya nung sinabi na ni Badjao na tapos na yung jamming.

   Nahalata na rin ni Badjao na sawa na si Blaster sa pinsan niya. Hayst. Una si Blaise, si Zild naman ang na fall. Ngayon si Simon, masyadong madaldal even though magalingmagperform.

    "Ay, oo nga pala..." napatawa nalang si Simon sa sarili niya.

   "Aalis na tayo?" tanong ni Zild, naka simangot dahil ayos naman si Simon.

   "Aalis na tayo" inulit ni Blaster ang tanong, pero hindi na siyang tunog na parang tanong at halatang sawa na siya. May nakukuha na rin kasing gut feeling si Blaster dahil sa mga mukhang ginagawa ni Badjao na pag-iisip minsan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Halika na|| roadtrip w/ IVOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon