Halika Na -Zild

226 7 3
                                    

Kakatapos lang  ng isa sa mga gig ng IVOS, isa sa mga gig na wala pa rin si Unique. They can do it naman, so far, basta't hindi okay lang na gumagawa ng mga remake si Blaster ng lyrics.

   Ang "III of Spades" daw (sa ngayon) ay madaliang nag unahang makaupo sa magandang sofa na na-iprovide sa kanila ng staff. Ay buti naman, silang tatlo naman ay nagpilit na magkasya. Si Zild sa gitna opcors, naunahan pa niya ang masmaikling legs ni Badjao at lutang na utak ni Blaster.

   Lahat naman ata sila ay naging lutang simula nung nahimatay nalang ng biglaan si Unique.

   "May naisipan ako..." sinimulan ni Badj, sabay tingin sa dingding ng kanilang tent. May matagal na siyang pinaplano ever since the third or fourth time na wala si Unique sa gig.

   Kahit hindi lumilingon si Badjao sa dalawang mas bata, alam nila na kailangan makinig.

   "'Noh?" tamad na sagot ni Blaster, habang si Zild naman ay kinukuha na ng liwanag. Kakatapos lamang mag-live performance at kinaya pa ni Badjao mag-isip?

   "Wala pa naman tayong papalapit na gig, di ba?" tanong ni Badjaosa tanong ni Blaster. Ang galing naman.

   "Sa isang buwan pa" sagot ni Blaster, "pero gagawa pa tayo ng album," pinaalala niya. "Ano bang naiisip mo? Maglakwatsa? Kahit kumain nalang tayo ng padeliver, huwag na tayong lumabas"

   "Bakit, are you sick?" namulat din naman ang mga mata ni Zild, hindi siya papayag na mabawasan ng isa pang miyembro at maging "II of Spades". Ano toh? Panic! at the Disco? Sino na ngayon ang kakanta nang hindi nagkakamali? "Si Nikkoi lang ah, hintayin nalang natin muna siya bumalik bago magpretend-pretend ka jan na may sakit"

   "Hindi naman sa ganun" ungot ni Blaster, "Basta, huwag tayong lalabas"

   "Eh naisipan ko kasi muna mag-fresh air, you know?" ungot din ni Badj kay Blaster.

   "Uy, fresh air?" nagising si Zild, excited. "Gusto ko nun. Dali, san tayo? Para inspiration" nakangiti ng malaki si Zild kay Blaster para pumayag na siya. Itinulak na rin niya ang balikat ni Blaster, para pag-isipan naman niya.

   "Luh. Huwag mo akong tingyan ng ganyan, baka hindi ako makatulog" sagot ni Blaster. Kung gustong pumasyal ni Badjao at ni Zild, edi sila na ang magsama. Ayaw mag-enjoy ni Blaster na hindi kasama ang kanilang Nikkoi.

   "Gawa na tayo ng at least one song bago makabalik si Unique. Makita naman niya na productive tayo somehow"

   "Productive ka jan" sumama ang tingin  ni Blaster kay Zild, di bale kung sinong mas nakatatanda.

   "Para malaman ni Nikkoi na kaya natin na wala siya" sabi ni Badjao, "para magrelax siya at hindi magmadali sa pagpapagaling. Yun ang mabuti sa kanya, para pagbalik niya— hindi na siya aalis"

   "Para he won't leave anymore" inistranslate ni Zild kahit hindi naman kailangan, pero to give emphasis para mapansin naman ni Blaster na iyon naman talaga ang gusto niya. Na bumalik na si Unique at hindi na umalis.

   Tumahimik si Blaster at hindi na nagprotesta, kaya't humarap na si Zild kay Badjao. "Oh, san punta natin? Kelan tayo aalis?"

   "Bukas na kaya ng umaga, ayos lang akong mapuyat. Kahit matulog nalang tayo sa sasakyan, gusto ko lang muna makaalis sa mga tao. Hingi tayo ng pera pala muna sa fans" sagot ni Badj, parang pinagplanuhan na niya 'toh.

   "Ibig sabihin mo ba mamaya na?" napamulat si Blaster, "Mamaya na?"

   "One o'clock na pala" tiningyan ni Zild ang kanyang celphone. "Halika na—" napatayo siya at nawala lahat ng pagod, basta't aalis at lalayas.

   "Seryoso ka ba? Ayaw mo muna magpahinga?" tugon ni Blaster, sino ba talaga ang mas bata? Siya o si Zild? Payag naman si Blaster umalis, pero agad-agad?

   "Magpapadala lang ako ng damit" tingin ulit si Zild sa celphone at naglakad papalayo para tumawag, iniwan si Badj mag-isa na magdusa sa masamang tingin ni Blaster.

   "Ah, ako rin pala tatawag—" napatigil si Badjao sa pagsasalita dahil maslumalim ang kasamaan ng tingin ni Blaster sa kanya. May kutob si Blaster kahit hindi pa nagsisimula ang kanilang biyahe sa kung saan man.

   "Sige, ako na rin" ang huling mga salita ni Blaster bago tumayo at iwanan si Badjao mag-isa para masmagplano pa.

Halika na|| roadtrip w/ IVOSWhere stories live. Discover now