Kabanata III - Nagngangalit Na Damdamin

2.7K 163 402
                                    

A/N: This is my update, hope you like it.

_________________________________________________________________________________________________

Kabanata III

Nagngangalit Na Damdamin

Malalim na ang gabi subalit abala pa rin sa kaniyang binabasang papeles si Xenon. Samantalang mahimbing ng natutulog sa kaniyang kwarto si Aurora. Kasalukuyang nagbabasa si Xenon ng bigla na lang siyang may marinig na mahinang kalabog. Tila ba nagmumula ito sa kaniyang salas at dinig na dinig niya rin ang mahinang bulungan ng mga taong hindi niya kilala.

"Bwiset naman Gaspar, magdahan-dahan ka nga!"

"Pasensiya naman Elias nasagi ko lang ang upuan."

"Manahimik nga kayong dalawa, halughugin ninyo na ang silid niya. Siguraduhin ninyong makukuha ninyo ang pakay natin sa kaniya."

Sa narinig ni Xenon hindi niya maiwasan na magtiim bagang sa mga gagong naglakas loob pasukin ang unit niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang kaniyang baril at kaagad sinipit sa kaniyang beywang. Habang walang ingay niyang binaybay ang lugar kung saan niya naririnig ang mga boses na nag-uusap.

Nais niyang magsisigaw sa galit ng mapagtanto niyang mag-isa lamang sa silid ang dalaga. Tila ba nandilim ang paningin niya ng marinig niyang muli ang mahinang usapan sa loob ng kaniyang silid.

"Wow pare! Mukhang magiging maganda ang gabi natin. Sinong mag-aakala na may tinatago pala siyang napakagandang dalaga."

"Manahimik ka nga Gaspar ako ang unang titikim sa kaniya."

Dahil sa galit na namumutawi sa dibdib ni Xenon sa isang iglap lang ay hawak-hawak na niya sa leeg si Elias habang nanlilisik ang mga mata. Bakas ang takot sa mata ng kasamahan nito kaya't tila isang kisapmata niyang pinaputok, ang baril na hawak niya sa noo ng natatakot na si Gaspar. 

Dahilan upang bawian ito ng buhay at kaagad naman niyang sinunod ang kasamahan nito na akmang papasok palang sa silid niya. Tanging si Elias na lamang ang natitirang buhay, sapagkat kasalukuyan ng naliligo sa sarili nilang dugo ang kaniyang mga kasamahan.

"M-Maawa ka sa akin, h-hindi ko sinasadya," takot na takot na pakiusap ni Elias kay Xenon na hanggang ngayon ay nanlilisik pa rin ang mga mata.

"Sa tingin mo ba maaawa ako sa isang katulad mong halang sa laman."

"A-Anong ibig mong sab--"

Hindi na naituloy ni Elias ang kaniyang sasabihin ng maramdaman niya ang balang tumama sa dibdib niya. Dahilan upang lumabas ang pulang likido sa kaniyang bibig. Laking pasasalamat na lamang ni Xenon na mayroong silencer ang baril niya, dahil kung hindi baka nagising na ang dalaga sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog.

Nang masigurado na niyang patay na ang mga taong nanloob sa unit niya ay kaagad niyang tinawagan ang kaibigang si Silver. Habang hinihintay ang kaibigan niya nagpasya siya na ilabas ang katawan ng tatlong taong pinatay niya. Makalipas ang ilang minuto kaagad niyang narinig ang mahihinang katok sa labas ng kaniyang unit.

"What the! Sino ang mga ito, Xenon?"

"Tsk! Hindi ko sila kilala basta na lang silang sumugod sa unit ko."

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit unti-unti na silang nagpaparamdam?"

Saglit na natahimik si Xenon pero alam niya kung bakit unti-unti na silang nagpaparamdaman. Marahil ay gusto nilang makuha ang bagay na matagal ng iniingatan ni Xenon. O 'di kaya naman ay may kinalaman ang bigla na lamang pag-ultaw ng dalaga sa buhay niya.

One Hundred Years #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon