Prologue

5.2K 224 230
                                    

A/N: Don't forget to vote and comment. Sino rin po ang may nais na magpa-dedicate? Kindly comment here.

___________________________________________________________________________________________

Prologue

Minsan ba naisip ninyo na hanggang kailan nga ba ang buhay ng tao?

Kabaliwan man kung isipin paano na lang kung gustong-gusto mo nang magpahinga. Pero kahit anong gawin mo ay hindi maaari dahil lamang sa isang pagkakamali. Pagkakamali na kay tagal ng lumipas pero sariwa pa rin sa iyong mga alaala. Alaalang gusto mong kalimutan ngunit hindi maaari.

Isang trahedya na nagpabago ng buhay niya. Sa hindi malamang dahilan nagising na lamang siyang mag-isa sa isang silid na tila pamilyar sa kaniya. Mga basag na bubog ang siyang una niyang nasilayan. Silid na punong-puno ng kakaibang kagamitan na siyang nagpakilabot sa kaniya. Kulay puting dingding na tila unti-unti ng umiitim dala nang paglipas ng panahon. Sa pagmulat ng kaniyang mata dalawang katanungan lamang ang naisambitla niya: Nasaan ako? Bakit nandito na naman ako?

Bakas man ang pananakit ng kaniyang katawan senyales ng matagal niyang pagtulog. Dahan-dahan siyang bumangon kasabay ng pagharap niya sa malaking salamin malapit sa gawi niya. Kulay abo ang buhok niya na hanggang beywang ang haba. Mapuputing balat at ang mamula-mula niyang pisngi at kulay lila niyang mata ang kaniyang nasilayan. Gulong-gulo man sa kaniyang nakikita ngunit hindi na niya pinagtuunan pa nang pansin ang kakaiba niyang hitsura. Sa halip dahan-dahan siyang naglakad habang pinagmamasdan ang kaniyang kapaligiran. Sa mga oras na 'yon, hindi niya maiwasan na hindi matakot sa kaniyang mga nakikita.

Bagamat naguguluhan unti-unti muli siyang naglakad habang patuloy na pinagmamasdan ang kapaligiran. Mga puting damit at basag na bote ang kaniyang nadaraan sa tila abandonado ng lugar. Hanggang sa marating niya ang labasan ng silid ng kaniyang pinanggalingan. Sa kaniyang paglabas matataas na damo ang unang bumungad sa kaniyang harapan. Tila ba mas kaunti na lamang ay matatakluban na siya ng matatas na damo.

Kasabay ang dahan-dahan niyang paglalakad habang isinasayaw ng hangin ang puti at manipis niyang bestida. Habang inaalon naman ng hangin ang kaniyang kulay abo at mahabang buhok na tila kumikinang dala ng sikat ng araw. Hanggang sa marating niya ang isang baryo na tila namamangha sa kaniyang hitsura ang mga taong naroroon. Kaaagad siyang napakunot ng noo dahil wala siyang natatandaan na ganoong lugar. Sa hindi malamang dahilan unting-unti na palang umaagos ang kaniyang mga luha. Habang minamasdan niya ang lugar kung saan nakatayo ang dati nilang mansyon.

Anong kayang naghihintay na landas ang kaniyang tatahakin?

___________________________________________________________________________________________

A/N: Anong masasabi ninyo sa simula ng kwentong ito? Any violent reaction guys?

Comment lang po harsh or good maluwag kong tatanggapin sa aking puso.

READ. VOTE. COMMENT.

One Hundred Years #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon