Chapter 5

7.1K 128 7
                                    

Chapter 5

-M.C P.O.V-

Matapos ang libreng dinner ko kay Boss ay umuwi narin kami sa kanya-kanya naming bahay.Gusto pa nga akong ihatid ni Boss pauwi kaya lang tinanggihan ko dahil narin ayokong malaman nya yung part sa buhay ko inilihim ko.Baka pag nalaman nya ay magdesisyon syang tanggalin ako sa trabaho.

Ang totoo,masaya ako dahil sa unang pagkakataon ay nakasabay ko si Boss kumain.Aaminin ko na yung pagtingin ko kay Boss na itinago ko ay unti-unti na ulit na nararamdaman ko.Alam kong hindi yun maganda para sa akin kaya lang hindi ko na mapigilan lalo pa at nakikita ko na sya at nakakasama sa trabaho.

Hanggat kaya ko naman ay itatago ko ang feelings ko sa kanya.Ayokong ang nararamdaman ko for him ang maging dahilan para magkaroon ng gap sa aming dalawa.

Kapapasok ko lang sa bahay ng madatnan ko si Mickey na nakikipag laro sa kapatid kong si Eiji ng mapansin nya ako.


"Oh friend your here na." bati nya sa akin bago kinuhit si Eiji na busy sa paglalaro ng laruang eroplano nya.

"Eiji andito na si Mamay mo." sabi ni Mickey kay Eiji na dahan-dahang lumingon sa kinatatayuan ko.

"Ma-mamay!Halika laro tayo ng epleyn." natutuwang sabi nya na ngiting ikinalapit ko sa kanya.

Kahit magkasama kami ni Eiji araw-araw,hindi ko maiwaaang maawa sa kapatid ko.Hindi sya lumaking normal tulad ng ibang bata,walong taon na ang kapatid ko pero dahil sa sakit nya ay hindi sya makapamuhay na naaayon sa edad nya.

Authistic ang kapatid ko,pinanganak sya ng Mama ko na may special child.Bata palang sya ng iwan kami ni Mama dahil siguro ayaw ni Mama na mag alaga ng tulad nya.Naawa ako sa kapatid ko dahil nakakulong lang sya sa bahay at hindi pwedeng lumabas dahil delikado sa kanya.May sakit din sya sa puso kaya hindi ko hinahayaan na mapagod sya o magkaroon ng dahilan para atakihin sya.Kami nalang dalawa ang magkasama sa buhay kaya hindi ako papayag na mawala ang kapatid ko sa akin.

Nagpapasalamat nga ako dahil nakilala ko si Mickey at tinulungan ako.Pinatira nya ako sa bahay nya at tinulungang mag alaga kay Eiji pag wala syang ginagawa.


"Nahihiya na talaga ako sayo Mickey,dahil sa kapatid ko hindi mo na magawa yung iba mong raket na trabaho." nahihiyang sabi ko kay Mickey na mahinang ikinahampas nya sa akin.


"Anong nahihiya ang sinasabi mo dyan?Pwede ba Claire,hindi naman ako umaangal ah tsaka nag eenjoy ako na alagaan si Eiji.Hindi ko man makuha yung ibang raket ko atleast ikaw nagagawa mo yung trabaho mo para sa inyong dalawa.Ako nga dapat magpasalamat dahil kasama ako sa sinusuportahan mo." pahayag ni Mickey na ikinangiti ko.


"Mas nagpapasalamat ako kasi binigyan mo kami ng matitirhan ni Eiji." sabi ko na ikinayakap nya sa akin.


"Ano ka ba freny!What's friends are for ang peg natin diba?Tulungan lang." sabi nya na ikinatango ko.

"Oo nga pala,parang iba ang awra mo ngayon ah." puna ni Mickey sa akin na kumalas sa pagkakayakap at pinakatitigan ako.

Anong ibang awra ang sinasabi nito.?

Hinaplos ko ang buhok ni Eiji na abala sa pag lalaro.May iba talagang mundo amg kapatid ko,pag may pinagkakaabalahan hindi mo makukuha ang atensyon nya.

"Anong awra sinasabi mo dyan?"

"Ang awra mo kasi ngayon freny ay hindi tulad dati na pagod.Pag uuwi ka kaya ay deretso ka na sa kwarto at bagsak na sa kama mo.Inuunahan mo nga kaming matulog ni Eiji eh.Pero ngayon,parang ang gaan lang ng araw mo ah." paliwanag nya na ngiting ikinailing ko.


Secret Untold Series 2:  Travis Lancellot Amadeus(Completed)Where stories live. Discover now