Chapter 1

13.2K 186 6
                                    


-M.C P.O.V-

"Nasaan na ba si President Amadeus?Hindi ba nya alam na mahalaga ang meeting natin na ito?" 

"We know that our company,Grande Food Industry will be stable eventhough that President Amadeus is not here but this board meeting is important.Bakit secretary nya lang ang hinahayaan nyang umatted sa ganitong kahalagang meeting?" 

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa member ng board dahil wala si Boss sa mahalagang meeting na ito.Tinawagan ko na naman ang lalaking yun kaya lang tamad talagang pumasok ang isang yun at talagang sa akin nya iniiwan ang lahat ng kailangan ng company nya.Isa pa,hindi lang naman sila ang namomroblema sa katamaran ng isang yun ah?

Yung mga dapat na sya ang nagawa ay ako na ang umaako dahil no choice at dahil kahit anong hagilap ko sa kanya ay hindi talaga sya nagpapakita sa akin.Alam kong malaki ang tiwala nya sa akin pero hindi naman ako si Wonderwoman para magawa lahat.Napupurwisyo din ako at ganun din ang vice president nya.

tsaka bakit ako ang sinasabon ng mga ito?Buti nga may representative si Boss sa meeting na ito tsaka anong akala nila sa akin na porket secretary lang ako ay wala na akong alam?Ako lang naman kaya ang gumagawa lahat ng reports ng GFI,ako din ang gumagawa ng daily expenses ng mga employee at ako ang gumagawa ng payslip nila tapos ilalang-lang nila ang pagiging secretary ko?

"Ms.Soriano bakit ba hindi dumadalo sa meeting si President Amadeus?" tanong na sa akin ng isang member ng board

"Kasalanan ko bang tamad ang isang iyon?" bulong ko bago ngiting humarap sa kanilang lahat.

"Im sorry ladies and gentlemen,kahit po ako ay hindi alam kung bakit hindi umaattend ng mga board meeting si Boss.Sorry po." sabi ko na mukhang di katanggap tanggap sa kanila

"How come na hindi mo alam?Your he's secretary and you must know his whereabouts or his schedule." reklamo sa akin ng isang babaeng member na kung magmake up akala mo kinaganda nya yun.

Tsaka anong magagawa ko kung mismong ako na secretary nya ay tinatakasan nya.

"Huwag nyo naman isisi kay Ms.Soriano kung bak----"

"We'll reschedule our board meeting and please sana naman ang haharap sa amin ay ang C.E.O." putol na sabi ng matandang kalbo sa sasabihin ni VP Jimenez bago tumayo sa kinauupuan nya at lumabas ng conference room kasunod ng iba pang member ng board kaya ako nalang at si VP Jimenez ang naiwan sa loob.

"Urgghh!!Bakit ba hinahanap nila ang wala!Nakakainis kulang nalang lumubog ako sa kinauupuan ko dahil sa mga tingin nila sa akin." reklamo ko na mahinang ikinatawa ni VP Jimenez.

Sa tuwing sa amin naiiwan ang trabaho ni Boss eh naging malapit kami ni VP Jimenez dahil tulong kami sa pagaasikaso ng kumpanya ng tamad naming Boss.Mabait na kaibigan si VP Jimenez at syempre mabait din akong kaibigan wag lang abusuhin.

"Siguro kasi kailangan talaga nilang makausap si President,matagal-tagal narin simula ng harapin sila ni President.Sabi ko naman kasi sayo kahit tamad si President matalino yun at iyon ang hinahanap ng mga board ang katalinuhan at ideas ni Pres." paliwanag nya na ikinaismid ko.

"Bakit matalino din naman ako ah!Naku talaga pasalamat si Boss at hindi ko sya maiwan dah-----"

"Dahil malaki ang paghanga mo sa kagwapuhan ni President?" ngiting pang aasar at pagputol sa sasabihin ko.

Masama bang maging crush ang tamad na yun?Hindi ko nga alam kung bakit naging crush ko iyon eh!Pero dahil maraming nagsasabi na hindi kami bagay tinabunan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.Nasisiguro ko na wala na ang paghanga ko sa kanya.End na!

"Matagal na yun Sir Paul noh!Hindi ko na kaya sya crush!" sabi ko na ngiting ikinatango nalang nito

Okay!Hindi sya naniniwala.

Secret Untold Series 2:  Travis Lancellot Amadeus(Completed)Where stories live. Discover now