She's Back

10 1 0
                                        


This is a work of fictions, names, characters, incidents and places are either the product of writers imagination and if somehow real, it is just fictitiously. Any resemblance of the names (living or dead) places and events are just purely coincidence.


YURI IMAKO LOINDEL

Huminto sa tapat ng isang malaking bahay na may mataas na gate ang sinasakyan kong taxi. Hindi na kasi ako nagabala pa na magpasundo kay Tang Tacio sa airport dahil mas gusto ko nalang na magcommute para mas mafeel ko yung pagiging magisa ko sa biyahe. This is my first flight na pinayagan ako ni Mommy na magisa dahil nadin sa pagkumbinsi ko sa kanya.

''Ma'am nandito napo tayo sa sinabi nyong address.'' Magalang na sabi sakin ng taxi driver na nasakyan ko kaya agad nadin akong bumaba dala ang sling bag ko. Tinulungan naman ako ni manong na ibaba pa sa trunk ng sasakyan yung dalawang bagahe ko pang dala na isang maliit na maleta at isang bag na naglalaman ng iba ko pang gamit.

''Manong heto po!'' Abot ko sa bayad ko na agad namang tinanggap ni Manong ng mailagay na nya sa gilid ng gate yung mga bagahe ko. ''Naku ma'am! Sobra po yata yung naibayad nyo..'' pagtutukoy nya sa tatlong libong binayad ko. ''It's okay manong! Keep it! Hinatid nyo po ako ng maayos kaya deserved nyo po ang matanggap yan. Salamat po.'' Nakangiting sagot ko naman. ''Naku! ma'am maraming salamat po dito! Hindi lang po pala kayo maganda may mabuting kalooban din po pala kayo, sana lahat ng mga mayayaman ay katulad nyo po.'' Masayang sabi pa ni manong na sinuklian ko lang ng ngiti.

Ilang minuto kong nilibot ng tingin ang kabuuan ng bahay na kinatatayuan ko.
It's been what? Yeah it's been one and half years since the last time na tumira ako dito, pero wala padin pinagbago kung tutuusin. Napangiti nalang ako dahil namiss ko talaga ang bahay namin. Agad akong nagdoorbell at bumungad sakin ang hindi katangkaran na babae na naka ponytail.

''Ma'am Iku? Ikaw po ba yan? Naku ma'am kayo nga po talaga! Siguradong matutuwa si Sir. Maru at Nanang Meding kapag nalaman nilang bumalik na kayo.'' Natutuwang sabi ni Ate Celli ng mapagtanto nyang ako yung nagdoorbell. Bahagya pa nyang binuksan yung gate at pinauna na nya akong pumasok saka nya ulit sinara at tinulungan ako sa mga bitbit kong bagahe.

''Ah ma'am matanong ko lang po.. alam nadin po ba to ni Ma'am. Carmina at Sir. Reeve?'' Tanong pa ni Ate Celli ng maiakyat na namin sa kwarto ko yung mga bagaheng dala ko. Nilibot ko muna yung buong kabuan ng kwarto ko saka ko sinagot si Ate Celli. ''Ahm.. yeah! Nasabi ko na sa kanila Ate Celli..'' Ngiting paliwanag ko at diretsong naupo ako sa gilid ng malambot kong kama. I really missed my room.

''Ahm.. Ate Celli nasan po pala si Maru at Nanang? Bakit parang ang tahimik po ng bahay?'' Takang tanong ko dahil simula kasi ng pumasok ako ng bahay puro katahimikan lang ang bumungad sakin. ''Naku! Pareho po silang wala ma'am Iku. Si Nanang Meding maagang pong umalis para mamili ng mga gagamitin nyang sangkap para sa iluluto nya mamayang tanghalian. Ganun din po si Sir. Maru, maaga din pong umalis pero hindi din po nagsabi kung saan pupunta. Bali kami lang po ni Tang Tacio ang tao ngayon dito.'' Mahabang paliwanag naman ni Ate Celli na tinanguan ko.

Minabuti ko ng ayusin yung mga bagahe ko ng makapag isa nako sa kwarto ko. Nang maiayos ko na lahat sa lagyanan ay nagpasya na akong mahiga at ipahinga ang katawan ko. This is really bad! I should give myself a rest kanina pa dapat dahil kanina ko padin ramdam ang kapaguran ng katawan ko kaya nagpadala nadin ako sa antok na nararamdaman ko.

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa sling bag ko na nakapatong sa side table. Agad kong kinuha yung phone kong walang tigil sa pagtunog dahil sa incoming call na galing pala kay Mommy.

''Hello Mom..'' Antok na sagot ko ng maitapat ko na sa kanang tenga ko yung cellphone.

''Hi there! Sweetie.. how's your flight? Napagod kaba masyado?'' Tanong naman niya. Napansin nya sigurong pagod ang boses ko.

Until  The EndDonde viven las historias. Descúbrelo ahora