chapter 28: sweetdreams

114 3 0
                                    

AIRA;

  "woooh,isang shot pa!" lasing na lasing na sabi ni Cecile,hinayaan lang namin syang uminom hindi lang dahil birthday nya at hindi rin naman ibig sabihin eh walang kaming pakialam sa kanya,she's my bestfriend and I know na kailangan nya 'yon,to released the pain.Childish,pero sino ba talaga ang nakakaalam ng totoong gamot sa sugatang puso,'di ba wala naman?,at dahil nga kaibigan kami, nandito kami para alalayan at samahan s'ya.

"tama na yan,lasing ka na oh!" sh*t! bakit sa dami ng aawat ito pang onggoy na ito,ano naguguilty sya?dahil sya naman talaga ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Cecile 'Aira walang may kasalanan,hindi kasalanan ni Miguel kung hindi nya kayang suklian ang pagmamahal ng kaibigan mo',yeah right! tama ka ngayon kukute pero nasasaktan ako para sa bestfriend ko.

Ang bestfriend ko na nagmamahal ng lalaking ang mahal ay ang bestfriend namin,cliche' ang ganitong story pero ganun din kacliche' yung sakit eh,ako nga na bestfriend lang nasasaktan, paano pa kaya sya?

Walang alam si Mikah sa totoong pinagdadaanan ni Cecile  pero tahimik sya sa mga oras na ito,nakakaramdam na kaya sya sa mga nangyayari?

"don't think to much A,everything will be fine hindi man ngayon pero darating 'yon," natigil ako sa pagiisip ng pangkuin ako sa dibdib ng boyfriend ko at binulong n'ya na magiging okay din ang lahat,sa mga oras na ito parang gusto kong umiyak sa dibdib nya,gusto kong ibuhos lahat ng kahinaan ko para sa bestfriend ko kaso hindi 'yon makakatulong sa kanya ngayon lalo pa at nasa harap ko lang sya.Mas lalo kong naiintindihan si Dustin,ang hirap pala ng pinagdaanan nya or maybe hanggang ngayon pinagdadaanan pa din n'ya.

Kanina,hindi lang pinansin ni Cecile si Miguel sa pag-awat sa kanya kaya inom pa din s'ya ng inom.Alam ko naman hindi talaga lasing si bessy sa alak eh,nalalasing lang sya sa sakit na kanyang nararamdaman.Dahil mataas ang tolerance nito sa alak,hindi ito mabilis malasing,pero ito naman si Miguel hindi ko alam kung anong gusto,gulo o ano? Inagaw nya ang boteng iniinuman ni bessy dahilan para magalit at sumigaw ito,napabitaw naman ako sa yakap ni Andrick na ngayon ay nakapikit lang,medyo tipsy na rin sya.

"ano ba?! akin na nga 'yan,iinom pa ako,"

By the way,nandito pala kami sa room ng mga boys na nakalaan para sa kanila,dito sa bahay ni Cecile,nagkayayaan kasing maginuman kaya ang ending iniwan namin ang party sa baba at umakyat nga dito.Kaming anim na lahat din ay may tama na.Si Dustin,ayon nakasubsob sa mesa,si Mikah, tahimik talaga nakakapagtaka.

"halika na,ihahatid na kita sa kwarto n'yo." itinatayo nito si bessy,knowing sa mga lasing hindi ito sasama at magagalit pa pero nga dahil hindi ito lasing o tamang sabihin matino pa pag-iisip nito para gumawa ng gulo.Nasa harap kasi namin si Mikah at alam nya namang wala itong kasalanan sa kung ano mang sakit ang nararamdaman n'ya kaya tahimik na lang s'yang sumama kay Miguel.

Umakto akong okay lang sa harapan ko ang nangyayari pero sa loob loob ko gusto kong ako ang maghatid kay bessy at ilayo ito kay Miguel,ito ding boyfriend ko ay alam yata ang lahat ng iniisip ko kaya hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko,para siguro pigilan akong magreact.

Pagkaalis nung dalawa sya namang tayo ni Mikah kaya hindi ko na maiwasang hindi magsalita.

"where are you goin'?"

"I'm craving for some food,bababa lang ako at hahanapin ko kung ano man 'yon." Nagdouble meaning sa akin ang sinabi ni Mikah.Ang ibig nya ba sabihin do'n ay naguguluhan s'ya sa feelings n'ya?,kaya hahanapin n'ya ang kasagutan nito o paranoid lang talaga ako sa nangyayari.Magtatanong pa sana ako sa kanya pero nakalabas na pala sya.

"Oh! sa'n ka rin pupunta?" sya rin kasing tayo ni Dustin.

"sa baba.....maggigirl hunting ng may kaholding hands din ako." sabay tingin ko naman sa kamay namin ni Andrick na magkaholding hands pero kahit naiilang hindi ko binitawan 'yon,ayaw kong si Andrick naman ang maoffend,saka sanay ako d'yan kay Dustin prangka talaga 'yan kaya pilit na lang akong ngumiti sa kanya.

Selfish Ako Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon