chapter 16: courting stage??? (part 2)

182 3 1
                                    

AIRA POV;

"anak andyan na yong bisita mo."

"PO???."

Andito na agad sya eh ang aga pa sa usapan namin,sabi nya lunch eh 9am pa lang naman ah sobrang aga pa naman nun para sa lunch.Hindi naman sya excited masyado noh..•_•

At isa pa nagsisimula pa lang akong magluto,ito nga hinuhugasan ko palang itong sariwang hipon na isisigang ko.=(

"Hi,!!!"...bungad nya sa akin paglabas ko ng living room.

"pssst...okay ka lang?."

"ha.!!!"...ganun na bah ako katagal na  naspace out at hindi ko na namalayan ang paglapit nya sa akin?..

"sabi ko kung ok ka lang,,,tulala ka dyan."

"ha ako hindi ah."....cge Aira deny pa,pwede bang tumili ayieh ang gwapo nya kasi...(o_o)

"alam kong gwapo ako pero wag mo naman ipahalata na laglag panga mo dyan."

"kapal...tsk."

"hahaha"

"ewan ko sayo.!! bakit bah ang aga mo mangulit?."

"ha.!!."...sabi nya sabay hawak sa batok nya."ah eh gusto ko sana tumulong sa pagluluto mo."

"ah hindi na, kaya ko naman yon uwi ka na muna,balik ka na lang mamaya."

"seryoso?."

"mukha ba akong nagbibiro.?"  sabi ko na seryoso pero sobrang pigil ko tumawa,mukha nya kasi parang nabawian ng kendi.Nagbibiro lang naman ako.

"ah ok cge sa labas na lang muna ako,dun na muna ako sa loob ng kotse,balik na lang ako paglunch na,bye muna."..

Napanganga na lang ako sa sinabi nya,"hay naku kahit kelan talaga hindi ka papatalo." sabi ko sabay lapit sa kanya,tumalikod na kasi ang luko at palabas na sana,lagi na lang ako naiisahan nitong lalaking ito,hindi man lang ako manalo sa asaran namin."halika na nga ang arte mo."...sabay hila sa braso nya papunta ng kitchen.

Hindi sya umimik pero ngiting tagumpay naman ang kabayo.*_*

______

"masarap nga kahit ang sungit mo."

"eh anu ngayon,swerte mo nga pinagluluto kita."

Pinatikman ko kasi sa kanya yung sinigang kong hipon.

"oo na nga masarap."

"ah okay,malapit na ito."

"at saka kahit naman masungit ka maganda ka pa rin."

"anu nga ulit,may sinasabi ka?."

"ha wala,ako na lang magmimix nito ha!,san bah nakalagay yung condensed?."

"ahm nandun pa pala sa taas ng kabinet,pakikuha na lang please!."

"ok."

Napailing na lang ako nung tumalikod na sya para abutin yung condensed na ilalagay sa buko salad na gagawin naming dessert mamaya,halata kasing umiiwas sya.

Kanina pa kasi sya may sinasabi pero naririnig ko naman talaga,nagpapanggap lang ako na hindi, binubulong nya lang kasi,ewan ko ba torpe yata itong lalaking ito eh,dadamoves na nga lang eh ang hina hina pa ng boses.

Pero kinikilig ako ha,ayieh..

"ibang klase talaga ang nadudulot ng kacutetan ko,ngumingiti ngiti ka dyan mag-isa."

"tss."....yan dyan sya magaling sa kayabangan nyang mangalaska,kaya panu ko naman malalaman kung talagang seryoso sya nung sinabi nyang hayaan ko syang iparamdam nya sa akin na gusto nya ako.=(

Selfish Ako Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon