Chapter 7: She loves me? Talaga? Totoo? Weh...

Start from the beginning
                                    

*salamat* sabi niya sa kanyang sarili. Sabay tinago na niya ang kanyang diary at bumaba ng bahay.

............

Kinabukasan paggising ni Lian ay hilong hilo siya. Sinubukan niyang tumayo ngunit paglakad niya ay tumama ang kanyang tagiliran sa dingding ng kayang kwarto.

"Ma!" tawag niya sa kanyang Ina. Dali-daling tumakbo si Mercedez sa kwarto ng anak. Alam niyang may nangyayari sa anak na hindi maganda. Sa tono pa lamang ng boses ni Lian ay Pumasok ito sa kwarto ni Lian at nakita niyang nakaupo sa sahig si Lian habang nakasandal sa dingding ang balikat nito.

"Ma! Nahihilo na naman a.." Hindi pa natatapos ni Lian ang kanyang sinasabi ng bigla siyang naduwal. Mabilis na kinuha ng kanya ina ang palanggana na nasa Ilalim ng higaan nito. Parang palagi na iyong nakahanda sa tuwing mangyayari ang bagay na iyon. Hindi mo rin makikitaan ng pagkabahala sa kanyang Ina, tila ba sanay na sanay na ito sa ganoong eksena.

"Bakit ka pa kasi bumangon, eh nahihilo ka na pala? Sandali babalik kita sa higaan mo ha. Masakit ba ang ulo mo?" tanong nito sa anak. Hindi naman nakasagot si Lian sa tanong ng Ina ng dahil sa sama ng pakiramdam niya. Inalalayan ni aling Mercedez ang anak para ibalik ito sa higaan.

"Ma....pasensya na... Palagi na lamang.... kayong nag-aalala sa akin." Mahina at putol putol na sabi nito. Hindi parin niya maidilat ang mata sa sama ng pakiramdam. Pero may tumulong louha sa tagiliran ng mata nito.

"Ano bang pinagsasasabi mo. Alam mo kahit ilang beses, kahit araw-araw, kahit oras oras pa yan. Kakayanin ko basta nandito ka lang." Sa unang pagkakataon ay napapag-usapan nila ang tungkol sa lagay ng anak. Dati kasi ay puro pahaging lamang ang usapan nila. Sa tuwing pag-uusapan nila ang sakit ni Lian ay para silang tumutulay sa alambre at alanganin lagi, tinitimbang kung handa ba ang anak sa maaring mangyari. Ganoon din si Lian, hindi niya alam kung kaya bang tanggapinng kanyang mga magulang ang maaring mangyari sa kaniya gayung iisa siyang anak ng mga ito.

Pinilit buksan ni Lian ang kanyang mga mata para makita ang itsura ng Ina. Tinignan niya ito ng matagal at mabuti. Napansin iyon ng kanyang ina at binati siya. "Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?"

Pilit na ngumiti si Lian kahit na masama ang pakiramdam. "Gusto kkong masaulo ang lahat ng bagay sa mukha niyo. Madalas tuwing hindi kayo nakatingin ni Papa, titingnan ko kayo, bawat nunal, at linya sa mukah niyo, gusto kong masaulo. Para kung darating ang panahon na mawawala ang paningin ko, kahit hindi ko kayo makita ay alam ko ang itsura niyo."

Hinawakan ng mahigpit ni aling Mercedez ang kanyang anak sa kamay. Ginawa nitong lahat upang pigilan ang luhang nagbabadyang puamtak sa kanyang mata. "Tumigil kang bata ka. Ano bang pinagsasasabi mo. Narinig mo naman ang sinabi ng doktor kahapon na maayos pa ang lagay mo. Huwag ka ngang magsalita ng kung anu-ano." Saway nito sa kanyang anak.

Tumayo ang ina at nagpa-alam sandali sa anak. "Kukunin ko yung agahan mo. Makakakain ka ba? Pilitin mo kahit kaunti lang, ha? Sige ka baka hanggang mamayang hapon yan hindi ka makalabas, kasama yung gwapo mong kaibigan." Wika ng Ina na parang tinutukso ang anak.

Paglabas na paglabas ng kwarto ay tumulo ang kanina pa niyang pinipigilang luha. Napakasakit na nakikita ang anak na unti unting nawawala sa paningin nila. Kung maari lamang na siya na lamang sana ang magkasakit at huwag na ang kanyang anak.

........

Pagdating ng hapon ay agad tumungo si Shot sa bahay nila Lian kasama ang kapatid. Pagkatok niya sa bahay ay si Aling Mercedez ang nagbukas.

"Magandang Hapo po. Si Lian ho?" Magalang niyang tanong kay aling Mercedez.

"Hindi kasi maganda ang pakiramdam ni Lian ngayon. Nasa higaan lamang siya maghapon." Magpapaalam na sana si Shot kay Aling Mercedez ng nagsalita ang kapatid nito.

Hope in a Bottle (Completed)Where stories live. Discover now