Chapter 46 ~^.^~ Goodbye?

7.7K 162 27
                                    

 (Play: Someday by Nina)

 

Napakabigat sa pakiramdam ng lahat. Ayoko na talaga. Hinding hindi na talaga ko babalik dito at hindi niya na ulit ako makikita.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Noon pa man itnaga ko na sa puso ko na hinding hindi ako magmamahal dahil alam kong masasaktan ako. Nakikita ko naman yun sa mga kaibigan ko. Lagi silang umiiyak ng dahil sa mga lalaking yan.

Halos di na ko makahinga sa pagiyak. Madilim na din. Ginabi na ko dito sa sulok na pinagtaguan ko. Nasilip ko din sila Jiyoung at Jinah noon. Nakita kong binuhat niya si Jinah at pumasok pabalik sa loob ng school nila.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Ewan ko ba. Pati yata panahon nakikiramay sa mga nangyayari sakin. Biglang pumatak ang malakas na ulan pero wala akong pakialam. Mabuti na yan. Para kahit na sinonng makakita sakin di mapapansin na umiiyak ako.

Jason's POV

This is it.

Ang araw na sasagutin ni Akira ang lalaking mahal niya. </3

Sorry kung masyado akong emo. Pagbigyan niyo na ko. 

Pero kahit ganun, di ako nagsisisi na minahal ko si Akira. Syempre masakit pero okay lang basta makita ko siyang masaya.

Siguro todo celebrate na sila. Dagdag pa yung magkasabay nilang birthday.

Ngayon, naglalakad lakad lang ako. Nageemote. Galing ako dun sa inflatable castle. Nagpunta ako dun magisa. Di ba nga pag malungkot ako nagpupunta lang ako dun? Pero ewan ko ba, kasi ngayon parang di ako naging masaya.  Isip bata ba? Di naman ako naglalaro, umuupo lang ako dun sa pinakatagong parte nun tsaka iniiyak at inilalabas lahat ng nararamdaman ko.

Nakaramdam ako ng patak ng ulan sa pisngi ko, hanggang sa nabasa na ang buong katawan ko.

Tamang tama. Pwede akong umiyak. Di naman halata eh.

Nakayuko ako habang naglalakad. Walang pakialam sa mga masasanggi ko. 

Hanggang sa may nakabangga ako pero di ako lumingon.

pero di ko alam. Parang may nagsasabi sakin na lingunin ko siya. So I did it..

then to my surprise, it's Akira.

She's sitting there at the middle of the road then when I looked at her, 

Her eyes are different. It's full of sadness and  I have a very bad feeling na umiiyak siya. Lumapit ako agad sakanya.

"Akira. What's wrong? What happened?" I held her hands. It's shaking..

I Met Mr.Cold on my Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon