Damn! I can't believe they can be this ruthless! Ang daming mga nangyari nitong mga nakaraang buwan tas magkakaroon na agad ng special exam?! Dito kasi ibagsak mo na lahat ng test wag lang ang special exam dahil magdurusa ka talaga. Mabigat ang mga parusa sa lahat ng mga babagsak. Yung iba dinadala sa hell room. Ang hell room ay ang kwarto kung saan puro sakit lang ang mararamdaman mo. Physically and mentally. Yung iba naman tinatanggalan ng kapangyarihan ng mga ilang linggo.

Waaahhh! Kailangan ko ng magreview! Di naman kasi ako kasing talino ni raven at zach pero may ibubuga parin ako noh! Medyo may pagkaka makakalimutin kasi ako eh. Lalo na kasi masyadong maraming nangyari nitong mga nakaraang buwan di tuloy ako makapag concentrate. Alam niyo yung pasok sa isang tenga tas ilalabas sa kabila? Ganoon yung nangyayari sakin nitong mga nagdaang linggo. Naninibago parin kasi ako sa ugali ni raven. Tapos isa pa yang si zach! Simula noong pumunta siya sa dorm ni raven nag-iba na ang kilos niya. Parang mas naging clingy siya kay raven. Halos di na niya hiwalayan si raven daig niya pa nga ang tuko kung makadikit kay Raven eh.

Halata namang may namamagitan sa kanila ni Raven mga indenial lang talaga sila. Yan ang mahirap sa ibang mga cold at expressionless na mga tao eh. Hirap silang idistinguish kung ano ba talaga ang nararamdaman nila.

Nakinig na ako kay sir ng magsimula na siyang magturo. Sh*t! Brain! Ngayon kita kailangan! Gumana ka! Sa susunod kana mawala okay? May pagka adventurer kasi yung utak ko kung saan-saan napadpad. Yan tuloy wala akong natutunan sa mga lesson namin!

Pagkatapos magdiscuss ni sir ay umalis na agad siya na may ngiti sa labi. Sigurado akong nagbubunyi na yan si sir. Mapaparusahan kasi yung mga di nakikinig sa mga turo niya. Sa huli napagdesisyunan naming pumunta sa tambayan para doon magreview.

"Raven! Magrereview kaba? Sama kana samin!" paanyaya ko kay raven

"I don't need it. I have a photographic memory. I can still remember it all" sabi ni raven habang nagpapatuloy sa paglalakad

Nagulat naman ako doon. She have a photographic memory? Cool! Gusto ko din magkaroon ng ganoon para di ko na kailangan pang magreview! Kainggit! Sana meron din ako niyan!

"Ahm. Kahit samahan mo na lang kami. Pwede ding turuan mo na lang kami para mas masaya" sabi ni chloe

"No. I don't want to" sabi niya

"Sige na naman raven!" sabi ni chloe at biglang hinawakan ni chloe si raven sa kamay. Napatigil naman agad si raven. Mabilis siyang lumingon kay chloe habang namumula ang mata.

Ayan na naman siya. Ginawa niya na yan dati kay Miss Salvacion. Naging pula din ang mata ni chloe.

"Get off your hands on me" sabi ni raven kaya mabilis na tinanggal ni chloe ang pagkakahawak niya sa kamay ni raven. Kaya agad na umalis si raven. Bigla namang nawala ang pagkapula ng mata ni chloe ng mawala si raven.

"What happened? Nasan na si Raven?" tanong ni chloe

"She hypnotized you. She already left" sabi ni Zach

That's right. She hypnotized Chloe and Miss Salvacion to get what she wanted.

"Did she truly despise being with us? To the point where she hypnotized me in order to get rid of me?" sabi ni chloe ng puno ng hinanakit at nakayuko. Niyakap naman siya ni troy para icomfort.

"I'm fine." sabi ni chloe habang umaalis sa pagkakayakap ni troy at ngumiti.

Dumiretso kami agad sa tambayan namin. Doon kasi namin naisipan na magreview. Well kami labg tatlo ang nagrereview. Si zach kasi nakahiga lang sa couch. Ilang oras pa ay sumakit na ang ulo ko sa dami ng mga nirereview ko. Di na kaya ng utak ko! Binagsak ko yung librong nirereview ko sa lamesa. Napasandal ako sa upuan saka napabuntong hininga. Bigla kong naalala yung mga sinabi ni raven kanina.

Magisch Academy: The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon