36

31 3 0
                                    

"Guys! Prepare yourselves na, aalis na tayo!" sigaw ni daeyeol.

"Yes boss!" umakto pa si Joochan na sumasaludo saka dali daling pumunta sa room para kuhanin ang gamit nya.

Kanya-kanyang handa na ein ang iba para makaalis na sila.

Muli silang magpeperform para sa promotion nila.

Nang makarating sa venue ay agad silang nag-practice. Matapos ang practice nila ay nagpaginga muna sila para maihanda ang sarili.

"Hyeong! May fan na kaya tayo dyan?" biglang tanong ni Bomin kay Daeyeol habang nakasilip sa napakaraming manonood sa harap.

"Ewan ko rin Bomin. Pero sana meron." -daeyeol

"Tignan mo hyeong oh! May banner, 'Golden Child'!" namamanghang ani Joochan at napapalakpak pa.

Nagtawanan naman silang lahat sa inasta ng kamyembro.

Ng tawagin na ang pangalan ng grupo ay masigla nilang hinarap ang mga manonood at sinimulan ang kanilang performance ng may ngiti sa mukha.

Tuwang tuwa ang labing isang lalaki na nasa entablado habang pinakikinggan ang kanilang mga pangalan na isinisigaw ng lahat.

Samantalang biglang kumunot ang noo ni Jangjun ng mapansin kung sino ang may hawak nung banner na 'Golden Child'.

"Yoojung?" bulong nya sa hangin kasabay nun ang pagkatakid ni daeyeol sa kanya.

Tinignan naman sya ni Daeyeol ng may pag-aalala sa mukha.

Agad namang humingi ng tawad si Jangjun kay Daeyeol habang sinasabi itong walang sound na lumalabas sa kanyang bibig.

Muling ngumiti si Jangjun at ipinagpatuloy ang pagpeperform at agad na tumingin sa dako si Yoojung.

Ngunit nagtaka nalang ang binata dahil wala na ito.

𝘽𝙡𝙖𝙘𝙠𝙢𝙖𝙞𝙡𝙚𝙧 • 𝓵𝓮𝓮 𝓳𝓪𝓷𝓰𝓳𝓾𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon