24. Identity

122K 5K 1.3K
                                    

Parang apoy na kumalat sa buong social media ng Westside University ang nangyari sa kanila ni Jave. Halos lahat ng mga estudyante ay sambahin ang lupang dinadaanan ni Bella, dahil siya na ang tinaguriang reyna ng buong Westside. Mas lalong lumakas ang impluwensya ni Bella nang maupong bagong director ng school ang Uncle nito.

Halos dalawang araw na akong umiiyak sa kwarto. Dalawang araw na din akong hindi pumapasok. Para akong namatay. Nawalan ng ganang mabuhay. Sa tuwing tumutunog ang cellphone ko halos hindi ako magkandaugaga sa pagsilip doon, nagbabaka sakaling isang araw tatawag si Jave o kaya ay magttxt man lang. Sana sabihin niyang ginawa niya lang iyon para sa kaligtasan ko. Para hindi ako mapahamak. 'Yon naman ang lagi niyang rason eh. Ni minsan hindi niya ako sinadyang saktan.

Napatitig ako sa unan ko. Iyon ang mismong unan na ginamit ni Jave nang minsang matulog siya dito. Para akong tangang nakayakap sa unan na 'yon habang umiiyak ng walang tigil. Wala na si Jave, iniwan na ako ng Paniki ko na siyang kaisa-isang taong nagpapasaya sa akin ng sobra-sobra. Ang kaisa isang taong takbuhan ko sa lahat ng problema ko. Walang bagay na hindi niya kayang solusyunan. Lahat nagagawan niya ng paraan. Wala na akong taong nagbibigay ng kulay sa mundo ko. Ngayon kahit saan ako tumingin, kalungkutan ang nakikita ko. Para akong pinaparusahan. Kahit na anong iyak ko, hindi mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Sinubukan ko siyang tawagan. Gusto kong paniwalaan ang sinasabi ng puso ko na may mas malalim na dahilan si Jave. Malalim ang pundasyon ng pagmamahalan namin, hindi niya iyon basta-basta itatapon nalang. Pero kahit ang tawagan siya, hindi ko magawa, ni hindi ko siya makontak. Pinuntahan ko siya sa bahay niya. Pero wala din siya doon. Hindi ko makausap si Miss Ysabel dahil na ibang bansa daw ito kasama ang ama nito.

Sinubukan kong pahirin ang mga luha ko nang maramdaman ko ang pagdating nila Dianne at Mia pagkatapos ng klase. Hindi ko inaasahang kasunod nila sina Jiro at Ark. Napilitan akong bumangon.

"Hey... iyak ka na naman ng iyak maghapon.." mahinang turan ni Mia. Kinuhanan pa ako ni Dianne ng tubig upang makainom. Noon ko lang naramdaman na uhaw na uhaw na pala ako at gutom na gutom na rin.

"Ok lang ako. Wag niyo akong intindihin, lilipas din 'to..." sagot ko.

"Malapit ka nang malipasan ng buhay d'yan sa ginagawa mo." singit ni Ark. "Bumangon ka na d'yan, pumasok ka na. Hinahanap ka na ng mga Prof mo. O baka naman gusto mong makick out."

"Tumigil ka nga! Uwian papasok pa?" hindi ko alam kung saan nakuha ni Mia ang lakas ng loob na suplahin si Ark. "Makapagsalita ka akala mo ang linis mo. Si Jave isang beses lang nanakit ng babae, ikaw nakailan ka na isandaan? Dalawandaan? Isanlibo? Ganyan kayong mga lalaki eh!"

"Teka ba't nadamay ako? Anong kasalanan ko?" gulat na balik ni Ark.

"Tumahimik ka! Playboy! Ilang araw na masakit ang paa ko dahil sayo."

"Hoy. Tinanong mo ba ako kung OK lang ang ulo ko matapos mong buhusan ng mga libro mo?"

Inirapan lang ni Mia si Ark. 'Wag mo akong madaan daan diyan sa mga pacute cute mo'. Bulong ni Mia na alam kong hindi narinig ni Ark.

"Ano ba kayo.Hindi kayo nakakatulong kay Sofia." kiming sabi ni Dianne na ni hindi makatingin sa gawi ni Jiro. Panay din ang sulyap sa kama niya, may mga pictures si Jiro doon eh. Baka magsilaglagan ng wala sa oras. Natatawa ako. Kahit papanu gumagaan ang pakiramdam ko sa kanila.

"Wag na kayong mag alala sa 'kin. Papasok na ako bukas." sabi ko nalang.

"Mag ingat ka kay Bella. Isumbong mo sa 'kin kapag may masama siyang ginawa ." paalala ni Jiro.

Ngiti lang ang naisagot ko.





Just when I decided to go out. Saka naman nagsimula ng maiitim niyang balak si Bella. Bigla nalang nagflash sa malaking advertisement board ng University ang mga litrato namin ni Jave. Halos maiyak ako nang makita ko 'yon. That was the scene of us walking out of a small town motel. Kumuyom ang kamao ko sa pagkapahiya at galit. Hindi niya talaga ako titigilan?

She's The Bad Boy's Princess IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon