Chapter 14. His Demon

136K 6.1K 1.4K
                                    


He went back to my face to kiss me torturously. He felt my tears on his face. That probably woke him from his demon. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Jave na nakapatong sa akin, huminga siya ng malalim, mariing napapikit pagkatapos ay tuluyang umalis sa ibabaw ko. Sunod sunod na mura ang narinig ko mula sa bibig niya. Ilang beses niyang pinadaanan ng daliri ang may kahabaan nang buhok.

Nagsilabasan ang ugat niya sa braso at kamay sa panggigigil, napasigaw pa ako nang isuntok nila ang kamao sa headboard ng kama. Sira iyon, bumaon ang kamao niya at kaagad na tumulo ang dugo mula doon. Napabangon ako, kaagad kong kinuha ang kamay niya upang apulahin ang dugong tumutulo doon pero pinalis ni Jave ang kamay ko.

"Jave.." umiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigilan ang malungkot, matakot at manginig sa mga nangyayari. Hindi nawawala ang bangis sa mga mata ni Jave, hanggang ngayon nagliliyab pa rin ang mga iyon. Hindi ko na alam kung paano siya kakalmahin, sinubukan ko siyang abutin upang yakapin pero siya ang nagtutulak sa akin.

"Anong bang problema mo!!" sigaw ko. Hindi ko siya matutulungan kung ako mismo nagpapakita ng kahinaan sa mga oras na ito. Anuman ang pinagdadaanan ni Jave, kailangan niyang maging matapang. Pero kailangan kong maging mas matapang dahil alam kong ako lang ang kakapitan niya. Hinarap ko ang nangangalit na pagkatao ng boyfriend ko. Ng taong mahal ko. "Humarap ka sakin, di ba sabi mo mag usap tayo. Mag usap tayo. Putang ina!!"

Kusang lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko. Hindi ko sinasadyang magmura pero sagad na sagad na rin siguro ako. Humarap ako sa kanya, ikinulong ko ang mukha niya sa mga kamay ko. "Jave, tumingin ka sakin. Please.." tinitigan ko ang mga mata niyang nag aapoy. Hindi ko papakawalan ang mga matang iyon hanggat hindi ko napapahupa. "Don't you dare look away from me..look me in the eyes Babe..please.." pinilit kong apulahin ang sarili kong mga luha. Pinilit kong labanan ang panginginig ng kamay ko at ng mga paa ko. Natatakot pa rin ako sa dilim ng aura ni Jave but I can't let him succumb to his demon right now. Hindi ko sya pababayaang kainin ng madilim na bahagi ng pagkatao niya.

Ilang minuto kaming ganun. Hanggang sa maramdam ko ang pagkalma ng mga muscles ni Jave. Unti-unti kong nakita ang paglamlam ng mga mata niya. Hindi man ako magsalita, at wala man siyang sabihin sa akin, sapat na ang mga titig ko at mga haplos ko para iparating sa kanya ang nilalaman ng puso ko. Na nandito lang ako para sa kanya, hindi niya kailangang solohin lahat ng problema.

"I tried to hide it from you. I tried to change and kill the demon lurking inside me just for you. But I guess it runs on my veins.. This is the real me Sofia, I'm no good for you." Jave was on a verge of crying. His eyes started to look very dull and gloomy.

"It's not for you to tell. Hindi mo ako pwedeng pangunahan. Natakot ako, napasigaw ako, nanginig ako, umiyak ako, but you see that's just me trying to adjust and cope up with your demon. Tinakbuhan ba kita? Iniwan ba kita? Hindi ba hindi? Nandito pa rin ako sa tabi mo dahil mahal kita, mahal na mahal kita Jave. Hindi totoong you were not good for me dahil unang una sa lahat wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sayo. Baka napariwara na ako dito sa Maynila dahil wala akong pera at walang kilalang kamag anak. Badboy ka na noon pa but you have chosen to shelter, protect and loved me. Ilang beses mo nang tinaya ang buhay mo para sa akin. Hindi ko na din mabilang sa daliri ko ang mga pagkakataong tinulungan mo ako sa kahit na pinakasimpleng problema. Jave, ikaw ang hero ko, ikaw ang prince charming ko, ikaw ang guardian angel ko, ikaw ang lahat sa akin alam mo ba yun? Napakaswerte ko dahil inaalagaan mo ako...andami nga diyang naiinggit sa akin they would even kill just to get to my position right now. Nandito ako oh.." ipinatong ko ng marahan sa puso niya ang kamay ko. "Nasa puso mo. Ano pang hihilingin ko? Wala na Jave, sobra sobra ang binibigay mo..ikaw ang sagot sa lahat ng panalangin ko noon, pinadala ka sakin ni God. Kung ang tingin mo sa sarili mo ay demonyo, pati na ng lahat ng tao, pwes sa akin anghel ka. Anghel kita. Wala akong pakialam kung peke ang pakpak mo o kung may sungay ka talaga, sasama ako sayo sa kahit saang impierno. Naintindihan mo?"

Inangat niya ang kamay niya upang pahirin ang mga luha ko. Magaan na ang mga iyon, kalmado na rin ang mga mata niya. Nakahinga na ako ng maluwag, I knew that he's back. The love of my life was back. I have never been happier. Pati ang katawan ko kumalma na rin.

Si Jave na rin mismo ang nagayos ng roba ko, hinigpitan niya ang pagkakatali nun bago tumayo. Hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kwarto. Naiiyak ako sa tuwa, pakiramdam ko isang malaking gyera at isang malaking delubyo ang napagtagumpayan ko. Hapong hapo man ang katawan ko, sulit naman ang lahat ng paghihirap ko.

Nakaidlip na ako when Jave came back. Ginising niya ako ng masuyong halik sa mga labi ko. May dala siyang tray ng pagkain. He's all dressed up in a blue shirt and faded denim. Maayos na din ang buhok niya na mamasa masa pa galing shower. May bandaid man siya sa ilong at sa noo, hindi nabawasan ng mga iyon ang kagwapuhang taglay ng mahal ko. Para siyang karakter sa anime sa buhok niyang tumatabing sa mga mata niya. His eyes were smiling on me. Mas lalong nagpalakas ng karisma niya ang dilaw na ilaw ng lampshade na tumatama sa mukha niya habang nakadungaw sa akin.

Bumangon ako ng bahagya upang kusang abutin ang mga labi niya. There's no more blood nor sweat nor bitterness in his kisses. There's only his usual sweetness and addictive male taste.

"Kumain ka na Alien. Masama palang nagugutom ka, nagmumura ka. Ang lutong ng putangina mo kanina ah. Kanino mo natutunan yun?"

"Sayo gago."

She's The Bad Boy's Princess IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon