Chapter 15

329 16 0
                                    

Kath's POV

Maaga nagising sila riks at elizah,Antok pa ako halata naman na hindi ako tuluyang naka tulog kagabi. Aambang matutulog pa sana ako ng bigla akong hinila ni riks sabay kiliti dahilan para mapabangon.

Oh come on wake up kath...wake up." pangungulit nya.

Well mukhang ready na sila ang aga panaman pero kita mong excited sila kasi bihis na bihis. Tinigilan narin nila ako dahil mag aalmusal na sila.

Habang nag aalmusal sila ay nag tanong si riks."Do you have bikini?".

Tumango ako saka sumagot."Yes but i don't want to use it."

Ang kj mo, bakit hindi?." sabay pout.

Hindi kona sya sinagot kinuha kona ang towel ko saka nag tungo sa bathroom.Hindi naman kasi ako mahilig sa bikini ehh tska mas maganda kung rash guard ang gamitin ko mas komportable ako.

Madali lang ako natapos dahil sa lamig pinulupot ko ang towel sa katawan ko, Agad akong lumabas tska ng bihis ng sweater.

Kwentuhan lang ang ginawa naming habang nag hihintay. Bigla naman may kumatok sa pintuan, tumayo ako para pag buksan kung sino yun.

Oh akala namin tanghali nanaman kayo magigising." asar ni kuya jhon.

Inerapan ko naman sya saka bumaling sa mga gamit na dala ko.

Sumingit naman si xia little sis ni kian."so let's go?." mukhang excited na sya.

Okay baby." Ani kian sa kanyang kapatid.

Kuya, don't call me baby....matanda na ako." sabay pout saka umalis.

Habang nasa byahe kami dinalaw ako ng antok kaya naman agad rin akong naka tulog. Pag gising ko mukhang medyo malapit narin kaming makarating sa daungan patawid papuntang island.

Pwedeang maisakay ang sasakyan napakalaking barko ito dahil halos lahat ng sumasakay ay pwede maisama ang kani-kanilang sasakyan.

Hindi kaba nakatulog kagabi?." pabiglang tanong ni kian.

Parang ganun na nga." sagot ko

Hindi nya na ako tinanong ulit, Ilang minuto ang nakalipas bago kami dumating. Hindi na rin namin kailangang bumaba pa dahil tuloy tuloy ng pumasok ang sasakyan.

Ilan sa mga pinsan ko ang bumaba para makita ang mga tanawin. Hihiga na sana ako ng bigla akong hilain ni riks."Hey come on." tumaas naman ang kilay ko.

Kukuha lang tayo ng larawan." hindi narin ako naka tanggi dahil hinila nya na ako ughhh.

Bumaba na ako saka pumunta sa gilid. Mabagal ang pag daloy ng alon,kasabay ng pag papatakbo sa barkong sinasakyan namin. Sa bawat tanawin ng madadaan ay mapapalingon ka lalo na sa tubig asul na dagat.

May humak sakin sa likod, dahilan para mapa lingon ako.

Gandang-ganda ka sa mga nakikita mo eh, kaya dimo namalayan na andito na tayo." naka ngiti nyang sabi.

Luminga-linga ako, tama sya nakarating na kami. Agad naman kaming sumakay dahil hindi maka aalis ang nasa likuran namin, bumyahe pa kami ng ilang saglit para mag hanap ng pwedeng pasukan na resort. Biglang nag salita si eliz.

Look." sabay turo sa isang resort."mukhang maganda dun."

Doon narin pumasok yung driver ni kian. Pearl Farm Beach Resort ang name nito pag pasok mo palang makukuha nya na ang atensyon mo sa sobrang ganda.

I'm Inlove with my Cousin?Where stories live. Discover now