[12] Communication

Start from the beginning
                                    

Huminga muna ito nang malalim at hinawakan ang doorknob ng bahay ni Lauren nang bigla itong bumukas. Tumambad sa kanya ang isang malaking lalaki na nakasuot ng masikip na tshirt at maikling shorts, may dala itong bayong na tila ba't pupunta ng palengke.




"AAAAAAHHHH"


"AAAAAAAAAAAHHHHHH"



"AAAAAAAAHHHHH"


"Shh! manahimik ka nga dyan! kalerki tong lalaking to! teka sino ka ba?!?!" inis na tanong ng bakla


"Ako nga dapat magtanong nyan eh! kuya ka ba o ate ni Lauren? o katulong? uy grabe yaman naman pala nila kung ganon--"


"Excuse me! itong magandang mukhang to? Kuya at ate ako ni Lauren. Kita mo tong pretty face ko? tapos ang aga aga namb-bwiset ka. Ano ba kailangan mo?"


"Ahhh ehh...."

....

"Lauren halika na--" .

"GORYO! SI LAUREN! TULONG!" sunud-sunod na sigaw nito.

...


"Teka, ano yun?" biglang tanong ni Nik nang marinig nya ang sigaw. Napatingin sa hagdan si Goryo

"H-hindi ko alam--Ay! aray ah! hoy anong ginagawa mo?!?!" saad nito nang biglang pumasok si Nik sa loob ng bahay nila at dali-daling umakyat sa kung saan nanggagaling ang ingay. Nadatnan nila si Lauren na nakahandusay kasama ang mga nagkalat na botelya ng pampatulog.


"T-tumawag tayo ng ambulansya!" natatarantang saad ni Nik at dali dali naman itong sinunod ni Goryo.

....

"Alam nyo bang muntik nya nang ikamatay ito?" Saad ng babaeng Doctor na nasa mid 50s, maikli ang buhok nito at nakasuot ng salamin. Nasa ospital na ngayon sina Rowena, Goryo at Nik kasama ang walang malay na si Lauren. Naglakad lakad ang doctor palibot sa kama kung saan nakahiga ang pasyente.

"Kapag ang isang tao ay na-overdose sa sleeping pills, kayang-kaya syang patayin nito within few minutes because of lack of oxygen. Mabuti nalang at nalaman nyo agad, kung hindi lalong lalala ang sitwasyon." paliwanag nya kaya napahinga nang maluwag ang mangiyak-ngiyak na ina.



"K-kamusta na po sya ngayon?" tanong ni Goryo


"Well, she's safe now. We just have to wait for her to wake up." Tugon ng doctor.



"Maraming salamat po doc." Saad ni Rowena. Bahagyang ngumiti ang doctor


"It's my job. Sige, maiwan ko muna kayo." saad nito at umalis na. 


"Goryo, anak. Bili ka ng pagkain nating tatlo." Utos ni Rowena, napalingon naman si Goryo kay Nik, hindi sigurado sa sinabi ng kanyang ina.



"K-kasali po iyan?" tanong nito at tinignan si Nik mula ulo hanggang paa.




"Oo anak, sige na at baka nagugutom na itong binatang ito." Saad ni Rowena kaya walang nagawa si Goryo kundi sumunod.


"Tatanong tanong pa kasi eh." bulong ni Nik nang dumaan si Goryo sa kanyang harapan.


"Jombagin kita dyan eh." bulong nito pabalik at tuluyan nang umalis.


Ibinaling muli ni Nik ang tingin sa dalaga, napabuntong hininga na lamang ito sa nangyari. Nakita nya si Rowena na nasa tabi parin ni Lauren habang nagsasalita mag-isa.




"Anak, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka nagkaganito--bakit umabot sa ganito." saad nito. Dahan-dahang lumapit si Nik kay Rowena at tumingin kay Lauren.


"Ma'am, hindi nyo po ba alam ang nangyayari sa kanya?" tanong ni Nik



"Hindi naman sya ganito eh, kapag nakakausap ko si Goryo sa skype --okay naman daw sya, kapag si Ally naman kinakausap ko pasaway daw sya.--"


"Pero ni minsan ba nakausap nyo siya mismo?" putol ni Nik, hindi nakasagot ang ina.



"Si Lauren, hindi ko po sya masyadong kilala." saad ni Nik at umupo sa silyang katabi ng higaan ng pasyente.




"Pero parang mas kilala ko pa sya kaysa sa sarili nyang ina." dagdag pa nito.



"Hindi ko alam. Nalulungkot ako para sa kanya, pati sa sarili ko. Mahal na mahal ko ang mga anak ko. Pero mahal ang pamasahe pauwi. Nagtiis ako kahit--kahit ang l-lungkot. Kinakaya ko para sa kinabukasan nya." paliwanag ni Rowena.



"Pero mas nakakalungkot po siguro yung hindi nya mahaharap ang kinabukasan nang kasama ka. Madam, mas kailangan po ni Lauren ang gabay nyo. Totoo ngang madilim ang tahanan kung wala ang ilaw." tugon ni Nik. Napatingin si Rowena sa kanya, at pagkatapos ay tumingin muli kay Lauren.



"Huwag po kayong mag-alala, hindi pa naman huli ang lahat. Kausapin nyo sya, baka may mga bagay na hindi pa sinasabi sakin si Lau. Kayo na po ang bahalang umalam." dagdag pa nito, bahagyang napangiti si Rowena at pinunasan ang mga luha.


"Salamat hijo ah. Pero teka, kaano-ano mo pala sya?" tanong nito.

"A-ah, e-ehh k-kaibigan ko po." nauutal na tugon nito.


"Ah... kanina kasi, sa sobrang pagkataranta mo akala ko ikaw ang boyfriend nya." saad ni Rowena.


"Nako madam, pagod lang po yang naiisip nyo. Mabuti pa, magpahinga na po kayo." saad ni Nicholas at napakamot sa ulo.

"Ah sige, dito muna ako matutulog sa sofa. Ikaw muna magbantay ah." Saad ni Rowena kaya tumango naman si Nik bilang tugon.

........

LAHAT NG HASSLE AY MAWAWALA [On Going]Where stories live. Discover now