New Beginnings - A Doll story

30 2 0
                                    

By: Alyssia Elise Schreiber

Bata pa lang ako ay malapit na ako sa aking lola. Dahil madalas siya ang nagbabantay sa akin kapag wala ang mga magulang ko. Nag iisang anak ako. Nakatira kami sa bahay niya sa Antique. Sobrang luma na nito at panahon pa ng kastila ito itinayo. Mabait at maaalalahanin ang lola Celia ko. Madami din siyang koleksyon ng manika sa kwarto niya. Lahat ng mga manika ay nasa loob ng kabinet na naka salamin. Palagi kong tinitignan ang mga iyon pero hindi ko hinahawakan sa takot na baka masira ko. Pitong taong gulang ako noon at palagi akong naka buntot kay lola dahil mahina na siya at maya’t maya ay tinatawag ako.

Isang araw ay tinawag ako ni lola.
“Apo, halika sandali rito.”
“Opo, lola.”
Nakaupo si lola sa paborito niyang rocking chair at nag papahinga.
“Gusto mo ba maglaro ng manika?”
“Opo! Ang gaganda po kasi ng mga manika niyo sa kwarto.”
“Sige, Apo. Papayagan kita laruin ang isa sa kanila pero iingatan mo at wag sisirain.”
“Opo, lola.”
“Pag pasok mo sa aking kwarto ay makikita mo ang kabinet ng manika sa gilid ng tokador ko. Sa ikatlong palapag, May nakaupong lalaking manika doon. Naka ginto siyang terno ng pang taas at pang baba na may kasamang berde na tunika. Kunin mo at dalhin mo siya dito.”
Ginawa ko ang iniutos sakin ni lola. Nakita ko agad ang manikang sinasabi niya. Dahan dahan kong binuhat ito paalis ng kabinet. Medyo mabigat ito pero maingat ako sa pag hawak sa kanya. Nag lakad ako papunta kay lola at iniabot ang manika sa kanya.
“Eto na po, lola.”
“Salamat apo. Maupo ka.”
“ Walang pangalan ang manika na ito. Gusto mo ba pangalanan?”
“Sige po!”
“Ano ang pangalan niya?”
“Prinsipe na lang po lola. Para po ako ang prinsesa.” Sabay ngiti kay lola. Mahilig kasi ako sa mga kwento ng Cinderella o kahit anong fairytale noon kaya yoon agad ang naisip ko.
“Magandang pangalan yan apo. Sige kukuwentuhan ka ni lola tungkol kay prinsipe.”

Nagkwento si lola tungkol kay prinsipe. Si prinsipe ay mabait, malakas, matalino at masunurin. Pinagsisilbihan niya ang prinsesa ng walang alinlangan palagi at binibigyan proteksyon kapag may kaaway o kalaban. Sa haba ng kwento ni lol tungkol kay prinsipe, nakatulog ako sa lumang sopa na malapit sa kanyang upuan. Itinabi sa akin ni lola ang manika at tila may tinig na kausap siya.

“Ikaw nang bahala sa apo ko kapag wala na ako.”
“Sigurado po kayo, kamahalan?”
“Alam ko naman na kaya niyong dalawa yan ni Enya at ng iba pang manika. Mag handa kayo sa posibleng mangyari at proteksyunan niyo ang apo ko. May tiwala ako sa inyong lahat.”
“Sige po. Makaka asa po kayo.”
“Salamat, Prinsipe.”

Iyon na pala ang huling araw na makikita ko ang lola ko. Hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya. Pag gising ko, ginising ko siya pero hindi na siya humihinga. Dali dali kong tinawag ang mama at papa ko habang hawak ang manika na bigay ni lola. Dinala namin siya sa ospital ngunit huli na ang lahat. Iyak ako ng iyak hanggang nakatulog ulit ako. Pag gising ko, nasa kwarto ako katabi si Prinsipe. Tinitigan ko siya, ang magandang asul na mga mata niya at ang mala ginto niyang buhok.
“Tayong dalawa na lang, wala na si lola. Wag mo kong iiwan ah?”
Pinunasan ko ang mga luha ko. Tila namalik mata ako dahil parang ngumiti ang manika at may narinig akong bulong.
“Makaka asa ka prinsesa. Walang iwanan.”
Natakot ako noong una pero pakiramdam ko nag karoon ako ng bagong kaibigan sa katauhan ni Prinsipe. Ilang araw pag katapos ng libing ni lola, lumipat kami ng aking mga magulang sa maynila upang mag umpisa ulit ng panibagong buhay. Dinala ko si Prinsipe at isa pang babaeng manika dahil sabi ni mama, bigay daw sa kanya iyon ni lola nung nabubuhay pa siya. Ang ibang manika ay naiwan muna sa lumang bahay ni lola. Malayo ang maynila mula sa probinsya namin sa Antique kaya nakakapagod ang biyahe. Pag dating namin ay dumiretso agad kami sa tinutuluyang bahay ng mga magulang ko sa Marikina city. Doon, naging panatag ako na makakapag simula ulit ako, makaka kilala ng mga bagong  kalaro at makaka pag aral muli.
Pag kalipas ng sampung taon ay natupad ang lahat ng iyon. Isa lang ang naging  malapit kong kaibigan sa paaralan at iyon ay si Anabelle. Mahilig din siya sa mga manika at halos sinasabihan din na weird ng mga klasmeyt kong nam bubully. Naging malapit ako sa kanya dahil isang beses niya ako niligtas sa mga klasmeyt kong nang aasar sa akin. Nahilig na din siya sa Kpop at Kdrama nitong mga nakaraang buwan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

New Beginnings: A Doll StoryWhere stories live. Discover now