Water fountain

26 6 0
                                    

Adam's POV

Pagsisi... Yan ang nararamdaman ko nung mga oras na hindi ko ginawa ang lahat ng aking makakaya para mapasakin sya...

Para mapasakin ang taong aking minamahal.

Ngayo'y nakatayo ako sa isang water fountain at kaharap ang babaeng minahal ko... Oo tama minahal.

Habang nakatitig ako sa kanyang maamong mga mata ay unti unting bumabalik ang mga ala alang aking pinang hahawakan.. Mga alala namin na nanakit at bumuo sa kung ano ako ngayon..

Pikit ang mga mata'y, inalala ko ang nakaraang aking pinanghahawakan sa pagmamahal ko sa babaeng nasa akong harapan.


20 years ago

Andito ako sa isang water fountain dahil may na tanggap akong sulat na sinasabing may importanteng sasabihin daw at dito mag kita.

Satingin ko may nag hahamon nanaman sakin ng away. Hah siguraduhin lang nito o nila na kakayanin nila ko. Mata lang nila walang latay kapag sinubukan nila ako.

Naiinip na nag hintay ako sa tabi ng water fountain na ito. Pinapatunog ang kamao at para bang handa na sa anumang laban.

Makaraan ang ilang minuto at nakarinig ako ng mga tapak na unti untingnpalapit sa aking kinaroroonan. Hinintay ko itong makalapit ng mas malapit sa akin.

Ng matantasya ko na nasa malapit ko na sya sa bandang likuran ko. Umikot ako at inamba ang aking kamao upang takutin ang taong nag patawag sakin dito.

Pero.. laking gulat ko ng isang maamong mala anghel na babae ang bumungad sakin.

Natatarantang tinago ko ang kamao ko sa aking likuran at tinignan sya na nag aalangan.

Akala ko matatakot sya sa ginawa ko kanina, pero nakangiti lang sya sakin na parang hindi nangyari yung kanina.

Nag aalangan na nagtanong ako sa kanaya "ah- a-nong kailangan mo?" Pilit na ngiti na tanong ko.

AlertongTinitignan ko ang paligid at bawat sulok habang hinihintay ang sagot nya sa tanong ko. Baka andyan sa paligid yung nag patawag sakin na nag hahamon ng away.

"Um.. kasi. Ako ang nag patawag sayo dito" nahihiya at nakayukong ani nya.

Pag kasabi nyang yun ay agad akong napatingin sa kanya.

"Ha? Hibig sabihin hindi ako sinulatan ngnkung sinong nag hahamon ng away upang makipag away sakin?" Seryosong tanong ko dito na naging dahilan ng pag tingin nya sakin ng nag tataka.

Habang nag kakatinginan kami ay hindi ko maiwasang mas mabighani sa kanyang kahandan. Sya nga pala yung babaeng gusto ko sa aming klase pero parang imposibleng magustuhan nya ko dahil-.

"Anong hibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong nito na nag pabalik sakin sa realidad.

Eto na papala kapag advance mag isip eh.

"Ah eh.. wala! Wala yun. Bakit mo nga pala ako pinatawag dito?" Tanong ko dito. Pinipilit kong di kabahan dahil gaya nga ng sabi ko kanina, ang babaeng aking kaharap ngayon ay ang taong gusto ko.

Bigla nalang syang napayuko at parang namumula pa.

Huminga sya ng
malalim at..

OneShotColletionWhere stories live. Discover now