I blurted out when the twins and I are already alone in the room.

Nagkatinginan silang dalawa at parehas na tumawa. Tinawanan na naman nila ako. It seems like making fun of me has become a habit of theirs.

"Who? Prince Luke?" Aello said, her eyes oggling. Alam kong hindi siya naniniwala sa'kin.

"Seryoso nga kasi." I pouted.

"Fine, say that Prince Luke really looked at you, why are you so affected?" Now her eyebrows are wiggling. Sobrang animated talaga ng expressions ni Aello. Nakakaaliw kahit na nakakainis ang sinasabi eh.

"I'm – I'm not. It's just – " Bakit nga ba?

"Bakit nga ba?" Anaea expressed my unspoken thought. Nakisali pa 'toh.

Napakamot ako ng ulo. "I don't know. It's like he knows me. He can see through me."

"That's dangerous, Brielle." Anaea said using her mother-ish tone. Kasalukuyan niyang hinahaplos ang ulo ng kanyang shaman, kung titingnan parang ang amo – amo nito pero kaya nitong tapyasin ang balat ng tao sa dila pa lang nito. "You cannot have special feelings with a prince."

"Unless he chooses you to be his queen!"

"Aello!" saway ng kambal niya.

Naramdaman ko ang saglit na pagtalon ng puso ko sa sinabi ni Aello. Pero tama si Anaea, hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito. If I really want to be a General, I shouldn't have any fondness with any of the princes. I need to protect them equally and without biased.

"Bakit pala sila nasa plaza kanina?" Nakahiga na ngayon si Aello sa kama niya habang tamad na humiga din sa baba nito ang shaman niyang cheetah.

I looked out the window to see if the parade is still there, but there are only few people left in the plaza. "Kumuha ako ng isa sa mga pamplet na pinapamigay nila. Mukhang imbitasyon sa kaarawan ng Hari."

"Hala! Malapit na nga pala 'yun!" Napalingon ako sa biglaang pagsigaw ni Aello. She literally jumped out of her bed. Agad siyang pumunta sa kinaroroonan ko at hinawakan ang mga kamay ko. "May susuotin ka na?!"

"Really? I'll just go with my armor." Tsaka hindi ako sanay magsuot ng mga magagarbong damit lalo na 'yung mga nagsisilobohang mga gown. Nasubukan ko na noong birthday ng kambal at doon ko napagtanto kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'nakakairita'.

Kung titingnan mo ang kambal, mas bagay sila magsuot ng mga ganung klaseng damit. They have a long set of legs and slim body. Their beautiful face are enhanced by their silver – colored hair that matched their ashen eyes.

"Why?" Nanlalamyang sagot sa'kin ni Aello. Magtatampo toh sa'kin panigurado. Even though these two always tease me, we are best of friends. They are my childhood friends, maybe because Mai Diana and their mother are also bestfriends. Kaya 'di ko rin sila minsan matiis.

"You look beautiful, Brielle. Lalo na kapag inayusan." Anaea added. Walang halong pang – aasar o sarcasm sa mga salita niya.

Hinawakan pa ni Aello ang kamay ko. "Yeah, your face is suitable for a queen, Brie."

Natawa ako. Alam ko na ang plano ng mga ito eh. "Aynako. Binobola niyo na naman ako. Sige na, pag – iisipan ko."

"Yey!" Pagkatalon ni Aello, siya namang pag – ungol ng shaman niya. "At dahil dyan, sasamahan mo kaming pumili ng damit sa bayan! Mukhang nawiwili naman si Mai sa pakikipagkwentuhan sa manggagamot niya eh. Let's go!"

"Ano pa bang magagawa ko?" I rolled my eyes to them. Okay lang, mukhang makakalibre ako ng dinner ngayon.

***

Ang nangyari eh iniwan lang din pala ako ng mga 'yun dito. Nakakapagod din palang sumama sa kambal lalo na kapag namimili ng damit. Sobrang tagal makapili. Well, actually, wala pa rin naman silang pinipili sa ngayon. Kaya nagpaiwan muna ako. I'm starving!

I went to the closest fruit stand in the place. One thing that is so amazing about Amazon? All varieties of fruits are in here. Lahat na yata ng klase ng prutas ay narito. No wonder we love fruits.

I was about to buy two apples when I saw, from the corner of my eyes, a hooded person trying to put the apple inside her robe. She – she is stealing it!

Naramdaman niya yata ang presensya ko dahil saglit siyang tumingin sa'kin at kumaripas na ng takbo. Ano pa nga ba ang ginawa ko? As a brave Amazon warrior, my feet automatically rushed towards that person. I've been training since I was a child so I'm confident that I will capture the person in a quick span of time. But I was wrong.

She's incredibly fast.

Lumiko kami sa isang madilim na pasilyo kung saan naramdaman ko siyang tumigil.

Hah! Cornered.

"I got you." I said, triumphally. Unti – unti akong lumapit sa kanya at agad na hinablot ang kamay niya kung saan hawak niya pa rin ang mansanas. "Give it back, thief."

"I am no thief."

Agad na napabitaw ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya. Para akong napaso nang marinig ko ang boses niya.

It's not she.

It's a he.

He removed the hood that's merely covering his face, revealing...

Prince Nicholas  

"Hello, Brielle."

Queen of the AmazonOnde histórias criam vida. Descubra agora