💕 NOBODY'S BETTER 21 💕

Start from the beginning
                                        

"Momo! Di ba sabi namin ipasyal mo muna si ate Keisha sa labas at huwag papapasukin. Di pa kami tapos!" Sabi ng isa sa mga kaklase ko kay Momo. Tinignan ko lang si Momo at nag peace sign lang siya sa kanya. Ibinaling ko na lang ulit sa iba ko pang mga kaklase ang paningin ko at napatingin bigla sa may white board namin at laking gulat ko kung ano ang nakasulat doon.

"Welcome back ate Keisha!" Bulong ko habang binasa ang nakasulat doon. Napalaki ang mata ko at halos wala akong masabi dahil sa nabasa. Unti unti ring lumapit yong mga kaklase ko sa akin at yumakap.

"Pasensya na kung yan lang ang nakayanan namin. Hindi pa namin kasi tapos yong lettering eh pero kahit ganoon, masaya kami kasi gumaling ka na." Sabi ni Ren. Tumango lang ang mga kaklase ko sa akin at don sa sinabi ni Ren. Kaya pala may hawak silang gunting, pandikit at colored paper dahil nga gusto nga nila akong surprisahin. I'm so overwhelmed!

"Wahhh! Thank you mga Besseu!," Wika ko sabay yakap sa kanila pabalik. "Pasensya na kung nag aksaya pa kayo ng oras at effort niyo para surpresahin ako pero okay na sa akin yang sulat sa whiteboard." Wika ko ulit sabay punas ng likido na galing sa mata ko. "Salamat sa prayers niyo at sa lahat lahat. Nagustuhan ko talaga! Huhu!"

At nagtawanan na lang kami.

❌❌❌

Last subject pero nandito pa din ako at mga kasama ko sa research paper at inaayos ang thesis namin. Wala kaming instructor ngayon kaya ang iba sa mga kaklase ko ay umuwi na. Ang iba'y katulad din namin, inaayos ang thesis nila.

Nasa harap ako ngayon ng laptop ko at kasalukuyang nag eedit ng biglang may naglahad ng bukas na chichiria sa harap ko at nakitang chichiria yon ni Shung-Ah.

"You want?" Tanong niya sa akin sabay nguso don sa chichiria nga na nilahad niya. Umiling lang ako sabay ngiti kaya napa pout na lang siya. Siguro kung nakita ni Momo ang pagpout ni Shung-Ah, siguro maglulupaypay na naman yon sa kilig.

"Tapos na! Tignan niyo nga kung okay lang." Sabi ko na lang sabay bigay sa katabi ko na busy na ngumunguya ng chichiria niya. "It's okay!" Wika niya kahit di naman niya binabasa. Lintek na Koryano to oh! Napa roll eyes na lang ako ng wala sa oras.

Teka? Kagroupo ko ba siya sa thesis? Hindi naman ah? Bayaan mo na nga!

"Ikaw besseu, ikaw na lang magbasa kung okay lang." Sabi ko sa leader namin na si Marie. Kinuha naman niya yong laptop ko tapos ay binasa niya ng mabuti yong laman ng thesis namin. Sa totoo lang, chapter 1 and chapter 2 pa lang kami sa thesis namin, paano pa kaya kapag meron ng chapter 3 to 5.

"Okay na besseu." Wika niya. Tumango ako bilang sagot.

"Basta sa susunod na pag gawa ng thesis natin, tumulong na kayo. Kami lang ni ate Keisha ang gumagalaw oh!" Sabi ni Marie sa mga group mates namin. Tumango lang sila.

Ilang saglit ay umalis na din kami ng classroom para umuwi.

❌❌❌

Nasa may waiting shed na ko ng school namin dahil naghihintay ako ng jeep ngayon pauwi ng nakita ko si Kelso na pagod na pagod. Hingal na hingal siya at hawak hawak niya ang tuhod niya habang umuubo. Nilapitan ko siya at tinaasan ng kilay. Siyempre, hindi ibig sabihin na mutual ang feelings namin sa isa't isa ay kailangan madali lang ang panliligaw niya sa akin. Siyempre kailangan niyang paghirapan no? Tsaka isa pa, bibigyan ko pa lang siya ng chance na manligaw. Hindi pa naman totally pero parang ganoon na din yon. HAHAHA! Namiling.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at ngumiti. Yong ngiting nagpahulog sa puso ko. Charr!

"Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko ng bigla niya kong hinigit papunta sa likod ng school. Bakit ba mahilig siyang maghila kung saan saan?

"Basta!" Wika niya. Hindi ako umimik at basta na lang akong nagpahila sa kanya. Chansing to bess! Charr!

Pagdating namin sa likod ng school, napa nga nga ako. Hindi ko naman alam na gagawin niya to.

"Pasensya na kung yan lang ang nakayanan ko. Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya Tanong niya habang kinakamot ang batok niya habang naka yuko ang ulo tila nahihiya sa nangyari. Gumuhit lamang sa mga labi ko ang isang simpleng ngiti dahil sa effort na ginawa niya. Gustong gusto ko to kahit simple lang.

Alam niyo ba ang ginawa niya?

Gumawa siya ng banner na super cute. Banner na katulad ng nakasulat sa whiteboard namin kaninang umaga, na nakasulat ay "Welcome back" pero hindi 'ate Keisha' ang nakalagay kundi 'anae' ang nakalagay. 'Anae' na Korean Word for 'Wife'.

"Nagustuhan ko," sagot ko. "Salamat."

Ngumiti lang siya habang ako'y di pa rin mawala wala sa labi ko yong ngiti.

"Teka nga? Kanino mo naman nalaman yang 'Anae' na 'yan?" Tanong ko.

"Kay sunbaenim Baekhyun. Hehe! Tinanong ko kasi siya kung anong magandang call sign sa Korea tapos sinabi niya yan. Pasensya na! Nagustuhan ko kasi yong ibig sabihin ng 'anae' eh. Kaya iyon sinulat ko diyan." Sabi niya habang natatawa. Napa tawa na lang din ako.

"So 'anae' na kita?" Tanong niya. Kunawari ay nag isip pa ko pero katulad ng sinabi ko kanina, Siyempre kailangan niyang paghirapan ang panliligaw sa akin no? Hahaha!

"Manligaw ka muna!" Tawa ko. Ngumiti lang siya ulit. Sabay sabing, "Simula ngayon liligawan kita."

At sana lang Kelso totohanin mo lahat ng sinabi mo.

❌❌❌

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now