CHAPTER TWENTY-TWO

1.6K 35 1
                                    

Chapter 22

Fall

"Saan nanaman tayo pupunta, aber?" masungit kong tanong kay C habang nagpapatianod ako sakanya. Iginala ko ang mga mata ko sa pinuntahan naming parang museum. Anong gagawin namin dito? Madali pa naman akong mabagot.

"Basta, makikita mo nalang" sabi niya habang nakangisi.

"Ikaw ang makakakita sakin, Carlos! Bilisan mo" he chuckled. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakita ko kung paano niya kinagat ang labi niya para itago ang nakakainis pero siyang nagpapatibok ng puso ko na ngiti. Kinurot ko siya sa tagiliran at napakislot siya. Tumawa lang siya ulit at hinapit na ang baywang ko.

Ngayon ko lang napansin na wala talagang tao dito nung makapasok na kami sa loob ng museum pero ang inaaakala kong museum, parang theater style siya, opera ganon. Nag-eexist pa pala ang mga ganito.

"Bakit walang tao dito? Baka may kabalastugan kang gagawin sakin Carlos?! Alam kong pwede kahit buntis ako pero ayoko, no no effing way" frustated kong sabi. Nakita ko kung paano namilog ang mga mata niya at pumula ang makinis at maputi ning mukha. Halos lumuhod na siya sa sahig nang bigla siyang sumabog ng pagtawa. Kumunot naman akong noo ko.

"What are you saying? We're not doing 'it' here, mas gusto ko pa nga sa condo niyo e" sabi niya sabay tawa ulit.

"Eh ano bang gagawin natin dito?" inis kong tanong sakanya. Parang gusto kong lamunin na ako ng lupa dahil sa kahihiyan, I'm being pervert at hindi ko alam kung sa hormones ba 'to! Imbes na sagutin niya ako at ginawi niya ang titig niya sa pinaka sentro ng buong malaking kwarto at nakita ko doon ang kumikintab sa kinang na piano. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at saya, bumalik ang mga alaala ko noong bata pa ako, I used to play pianos when I was still a kid. Wala akong nalampasan na mga lessons kung saan ako pinag-aral ni papa dahil pursigido akong matuto. Nilingon ko si C na nakangiti ngayon sakin.

"Surprise" maligaya niyang sabi sa akin. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng sobrang mahigpit! Naluluha din ako, maybe sa hormones i don't know. Niyakap niya ako pabalik at narinig ko ang nakakapanindig niyang balahibong tawa.

Humiwalay ako sa yakap at hinawakan ang kanyang kamay at hinatak papunta doon sa piano. Umupo ako sa upuan sa harap nito at agad akong pumindot ng key sa naisip kong kanta. Ito ang unang narinig at tinuro ni papa sa akin noon, sa tingin ko ay kay papa ko namana ang talent kong ito.
"Canon in D?" narinig ko ang baritonong boses ni C sa likod ko. Napangiti ako, alam niya pala? Does that mean na magaling din siyang magpiano? Natapos ko kaagad ang music na tinugtog ko sa piano. Tumingin ako sa gilid ko at nakita kong nakatayo si C habang nakasandal siya sa isa pang upuan. Nakatingin sa akin ang malalim at maganda niyang mga mata. He's so perfect, na hindi ko alam kung nababagay ba siya sa isang katulad ko. I'm not a perfect daughter to my father and my mother, hindi ako perpektong babae. Alam ko na darating ang araw na ang pamilya niya ang pipiliin niya kaysa sa akin, may mas malaki siyang responsibilidad kaysa sa responsibilidad niya sa akin. Nakita ko kung paano niya kinagat ang labi niya sanhi ng pagpula lalo nito. Napalunok ako, inaakit niya ba ako? Kinikilabutan ako sa naiisip ko.

"Ako naman" sabi niya. Tumayo ako sa upuan at lumipat sa isa pang dala niyang upuan. Tumingin naman siya sa akin, habang ako at tulala sa pa sa nakita kong pagkagat niya sa labi niya. Bakit ba ang big deal 'non sakin? Tumaas ang isang kilay niya sa akin sabay ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Ang now he's smirking? Oh god! Please tell me that I'm just dreaming! Bakit ba ang gwapo ng daddy mo anak? He chuckled.

"Don't eye rape me, natetemp ako lalo sayo" sabi niya sabay tawa ng malakas. Umismid nalang ako at hindi siya pinansin. Lumingon nalang ulit ako sakanya nang narinig ko na ang tunog ng piano.

" What would I do without your smart mouth.

Drawing me in, and you kicking me out"

My heart skipped a beat dahil sa lamig ng boses niya. Damang-dama ko ang emosyon niya sa kinakanta niya. Sabay tingin sa kamay niyang pumipindot sa piano, parang sasabog na ang puso ko. He has that effect on me. Iyon na talaga ang ikinatatakot ko. Hinahanap na siya ng sistema ko, paano na ako kung darating ang araw na mawawala siya sa akin? Paano ako susugal sa isang larong alam ko naman sa umpisa palang ay talo na ako?

" 'Cause all of me, loves all of you"

Tuloy niya sa kanta. Kaya mo ba akong mahalin? Kaya ko bang mahalin ang buong pagkatao ko kahit na alam mong hindi tayo bagay? Sa tanang ng buhay ko, ngayon lang ako napaisip sa pagmamahal na ibinibigay ko, sobra ba akong magmahal kaya ako ang mas nasasaktan sa huli? Gaya nga ng sabi ko, hindi ko kayang sumugal, dahil natatakot akong matalo. Na kahit magpursige tayo para sa bagay na gusto natin, kung hindi naman talaga para sa atin iyon, wala rin tayong magagawa.

Agad kaming umuwi matapos naming tumugtog ng piano. Naisip ko bigla ang baby namin, sino kaya ang magiging kamukha niya?

"Malalim nanaman ang iniisip mo, what are you thinking? I'm fucking worried. Just don't think of leaving me, alam mo ang gagawin ko, Janelle" sabi niya habang nakasakay kami sa elevator papunta sa floor ng condo namin. Ngumuso ako at sumubo ulit ng fries na dala-dala ko. Nag drive thru kami kanina habang pauwi kami kaya ngayon, lamon nanaman.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung sino ang magiging kamukha ng baby natin" sabi ko sabay kagat ulit ng fries. Hindi ko narinig ang sagot niya, tumingala ako sakanya at nakita kong tulala siya habang nakangiti. Anyare? Nabaliw sa sinabi ko?

Umirap nalang ako kahit hindi niya ako nakikita. Tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na kami. Sabay kaming lumabas sa elevator. Bigla niyang hinapit ang baywang ko kaya halos napatalon ako sa gulat sakanya! Tumingin ako sakanya at sinamaan siya ng tingin. Asar mo 'ko!

"Janelle? Mahal na mahal kita, alam kong mabilis pero" tumigil kami sa harapan ng pintuan ng condo namin. Lumuhod siya sa harapan ko habang hawak ang isang singsing. Tumigil ako sa pagkain ng fries at natuon ang buong atensyon ko sakanya, even my heart, nabago ang normal na tibok ng puso ko. Ito na ba? Ito na ba ang inaasam kong label? Charot!

"I love you at kaya kong ibigay sayo ang lahat dahil mahal na mahal kita. Kaya kong iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa dahil palagi na akong nandito. Will you marry me?" tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Sa mga mata kung saan ako nahulog ng sobra. Dahan-dahan akong tumango at dumaloy ang mga masasayang luha sa pisngi ko. Hindi matutumbasan ng kahit ano ang kaligayahan ko ngayon. Tumango siya at niyakap namin ang isa't-isa.

"Teka, di mo muna ako liligawan?" nahihiya kong tanong. Pakipot lang talaga ako pero gusto ko ng maglupasay sa sobrang saya.

"Oh! Baby don't worry, araw-araw kitang liligawan hanggang humantong sa oras na hulog na hulog kana sakin, yung hindi kana makakabangon pa" sabi niya and he kissed me.

Marked by Prince C | Royal Series #1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن