Chapter 60: Tawag

Start from the beginning
                                    

"Oo nga pala, mga sissy. Diba sabi ko sa inyo, nawi-weirduhan ako kay Elanie?" patuloy nito..


"Oh? Ano meron?" sagot ni Rica..


"Kase kanina, diba naghiwalay tayo saglit sissy Rica? Nakipagkita ako kay Yosh, yung isa sa mga trio-nerds."


"Tapos?"


"Kase, ka-close niya yung sa registrar natin, kaya humingi ako ng favor sa kanya. Na hanapin yung records at personal information ni Elanie."


"Bakit? Para saan, sissy?" sabay tingin dito..


"'Eto, magugulat kayo sa nalaman ko. Walang binigay na personal information si Elanie sa kanila, ni lugar kung saan siya nag-aral dati at pangalan ng mga parents nito, wala."


"Ha? Ba – bakit ganon??" pagtataka ni Rica..


"Ang pagkakasabi sa akin ni Yosh, palihim daw na biniyaran ng pamilya nito ang school natin para dun. Kinulit nya lang si Sir Perez, para malaman 'yun. Pinagtataka ko, bakit niya ginawa 'yun. Para saan, diba?" tuloy ni Lotty..


Napaisip ako sa narinig ko. Bakit? Anong meron kay Elanie?


"Malay natin, baka for good reasons naman, diba sissy Monday?" tanong ni Rica..


"Ah, oo. Hayaan na natin siya. Mabait naman siya sa atin at tinuturing nya tayong kaibigan eh."


"Well ako, hindi." sabay iling ni Lotty..


"Bakit naman? Ang sama nito." sagot ni Rica..


"It's just that.. may masama akong kutob sa babaeng 'yun. Ewan ko ba, ganyan din naramdaman ko nung inatake si Marion sa bahay niyo sissy eh." patuloy ni Lotty..


"Nako Lotty, iba na 'yan. Pa-check up ka na kaya namin?" pabiro ni Rica..


"Sira ka. Oh paano 'yan? Mukhang hindi tayo makakapag-mall ngayon ah?"


"No! Tuloy tayo! Para gumaan naman loob nitong, sissy natin!" sabay akbay sakin ni Rica..


Ngumiti lang ako.


"Oh, tara na! Naghihintay na si Kuya Jess sa parking lot eh." sabay tayo nilang dalawa..


Inabot nito ang kamay sa akin para tumayo ako. Hinawakan ko ito para makatayo ng biglang.


Umikot ang paningin ko at napaupo ako ulit dahil dumulas ang kamay ko.


"Sissy?? Okay ka lang ba??" pag-aalala ni Rica..

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now