Chapter Twenty Nine: Then and Now

Start from the beginning
                                    

"Pareho tayo ng iniisip, Mark."

Naagaw ang atensyon ng lahat nang biglang bumalandra ang pinto at iniluwa sina Cyrhel at Tyron.

"Kuya, totoo bang nawawala si Ate Valjean?"

"Mga pre, totoo bang nawawala si Valjean?"

Magsabay nilang bungad na ikinagulat pa nilang pareho. Napatingin sila sa isa't-isa na may disgusto sa kanilang mga mukha.

"Tumabi ka nga d'yan!" Basta na lamang binalya ni Cyrhel si Tyron subalit sa halip na ang binata ay siya ang tumilapon kung palayo. Para lang siyang bumangga sa isang pader.

"Mark, totoo bang nawawala si Valjean? May kumidnap ba sa kanya?" Sunud-sunod na tanong ni Tyron nang humakbang papasok na tila walang nangyari.

"Why he is here?" May disgusto na tanong ko kay Mark ngunit si Tyron ang sumagot.

"Tinawagan ako ni Mark. Humingi siya sa akin ng tulong na mahanap si Valjean."

Umangat ang kilay ko. "Siguraduhin mo lang, Mark na mapapakinabangan natin siya."

"Wala ka bang tiwala sa akin, Vinci Boy?"

Hindi ko pinansin si Tyron at binalingan ang kapatid na iika-ika na lumapit sa akin.

"Where is it?" sabay lahad ng kamay sa kanya. Tinawagan ko kanina si Cyrhel para dalhan ako ng spare battery para sa cellphone ko.

"Kuya, kaninong number ang ginamit mo kanina?" Pasimpleng tanong ng kapatid na may ngiti sa mga labi. "Kay Dr. Mark ba?"

"Umuwi ka na, Cyrhel. Wala kang maitutulong rito."

Sumimangot siyang bigla. "Kuya, naman!"

"Tama ang kuya mo. Umuwi ka na lang!" Sabat ni Tyron. "For the boys lang ang lakad na ito."

"Hindi ikaw ang kausap ko!"

"Cyrhel?" Warning ko sa kapatid.

"Pero kuya-"

"Let her stay, Vince," utos ni Mark. "Kakailanganin din natin ang tulong ng kapatid mo."

Nagliwanag bigla ang mukha ni Cyrhel at sa isang iglap ay nasa tabi na siya ng binatang doktor.

"How can I help? Just tell me what to do."

Binalingan ni Mark si Tyron. "Take her with you."

"What?! No way!" Mabilis na protesta ng binata.

"Bakit siya? Bakit hindi na lang ikaw?" Reklamo naman ni Cyrhel. Subalit tila walang narinig si Mark at inabot kay Tyron ang kapirasong papel.

"Nakasulat dyan ang impormasyon ng taxi operator. Do some research. Alamin ninyo saan lugar nagpahatid si Valjean."

Muli sanang magrereklamo ang dalawa pero inunahan na sila ni Mark. "No more buts. Narito tayo para hanapin si Valjean at wala na tayong oras. Kailangan natin matunton ang kinakaroroonan niya sa lalong madaling panahon." Pagkatapos ay ako naman ang binalingan niya. "Come with me, Vince. May pupuntahan tayo."

Hindi na ako kumibo at sumunod na lang sa kanya. Anuman ang pinaplano ng kaibigan, umaasa ako na magtatagumpay iyon. Ipapaubaya ko na sa kanya ang lahat. Ngayon ko ibibigay ang aking tiwala.

"Ano pa ang tinatanga mo dyan?" Asik ni Cyrhel sabay tulak kay Tyron palabas ng pinto.

"Kung hindi ka lang kapatid ni Vince, kanina ko pa pinilipit ang leeg mo!"

"May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko bingi ka- Aray! Nakakarami ka na!"

"Kahapon pa siya na-discharged?"

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now