Chapter Four: Deceived

91.1K 1.6K 181
                                    

Chapter Four: Deceived


Valjean's POV

"I don't want to happen this again!"

Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng masungit niyang mood ay may naaaninag akong pilyong ngiti sa mga mata ni Mark. Agad niya akong pinatawag ilang minuto pagkatapos kong manggaling sa silid ni Vince. Ganon kabilis nakarating sa kanya ang reklamo ng binata.

Wala naman sa plano ko na injection-an si Vince ng tatlong beses. Dapat ay bibigyan ko lang siya ng anti-rabbies shot. Pero dahil sa pinaghalong inis at sama ng loob ay hindi ko na napigilan ang sarili. Umiral na naman ang kamalditahan ko.

"Do you understand me, Miss Regala?"

Tumango na lang ako pero nanatiling nakasimangot.

"You may go home now. Alam kong pagod ka na. Bumalik ka na lang ulit bukas ng umaga. For the meantime, si Iya muna ang bahalang mag-assist kay Vince ngayong gabi."

Walang kibo na tumayo ako.

"Are you mad at me?" Suddenly he asked. Pumihit ako paharap sa kanya.

"Hindi kita maintindihan. Ikaw pa mismo ang nag-abiso sa akin tungkol sa hinala ni Vince pero bakit ako pa ang ginawa mong private nurse niya? Ginawa mo lang kumplikado ang sitwasyon."

"Sinabi mo na sa kanya ang totoo, hindi ba?"

"Paano kung hindi siya maniwala?"

"Then this is your chance para patunayan sa kanya na mali ang iniisip niya sa'yo."

Gusto kong magpapadyak sa sobrang inis. Hindi na talaga ako nanalo kay Mark. Parati na lamang siyang may palusot. Hindi siya marunong makinig.

"I know what you are thinking. You don't need to curse me. My decision is final and that is for today. You may go."

Hindi maipinta ang mukha na nagmartsa ako palabas ng kanyang opisina at pabagsak na isinara ang pinto. Sa ugali niyang iyon ay hindi na magtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang lovelife.

Tumanda ka sanang binata!

Lalo lamang dinaragdagan ni Mark ang kasalanan niya sa akin. Palagi na lamang niya akong iniisahan. Katulad ng nangyari kanina. He deceived me. Hindi lang pala ako kundi pati na rin ang mga kasamahan ko. Ang pangalan ko ang in-announce niyang winner sa kanyang pa-raffle. Iyon naman pala ay ibang pangalan ang totoong nabunot niya.

Noong una natuwa ako. Sino ba naman nurse ang hindi naghahangad na magkaroon ng guwapo at may mala-adonis na katawan na pasyente? Pero nang malaman ko na si Vince ang magiging pasyente, gumuho ang pag-asa ko na magkaroon ng lovelife. Wala akong future sa kanya. Para lang akong kumuha ng bato na ipukpok sa ulo ko.

Kasalanan ito ni Mark. Sinadya niya talaga na ako ang maging private nurse ng kaibigan niyang makakalimutin. May nalalaman pa siyang palabunutan para raw fair sa lahat. The nerve! Mandaraya lang pala siya. Nakakainis! Dapat pala ay siya ang tinurukan ko ng injection.

Hindi ko mahulaan kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Hindi ko siya maintindihan. Kahit anong pagtutol ko ay ayaw niya akong pakinggan. At kahit pa siguro mag-tumbling at mag-iiyak pa ako sa harapan niya ay hindi ko na mababali ang kanyang desisyon. Palagi na lang niyang sinasabi sa akin na 'Trust me, Val. Everything happens for a reason'. Ngunit duda ako sa trust na tinutukoy niya. Ang isa pang pinagsisintir ng kalooban ko, na-postponed na naman ang minimithi kong engrandeng bakasyon. Kung kailan pa naman naipa-rebook ko na ang flight ko.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now