Chapter 7: Issue

31 4 1
                                    

Chapter 7: Issue

Zamantha POV

       Bago pa mag ring ang bell nakabalik na kami sa room namin. Iniintay nalang namin yung Filipino teacher namin.

Nag locker muna ako dahil kukunin ko yung notebook ko. Agad naming natapos kanina ni James yung activity kanina dahil mabilis din naman akong mag sulat.

Medyo okay na kami ni James kahit papano dahil mabait din naman pala sya. Nakapag kwentuhan din kami kahit onti lang. Mayaman pala talaga sila nasa US yung mommy at daddy nya. Dalawa lang pala silang magkapatid babae yung bunso nyang kapatid.

"Zammy!"

Napalingon ako kung sino yung tumawag sa akin. Si Cathy lang pala. Ano na naman kayang sasabihin nila sa akin.

"Zammy bati na kayo ni James?" Tanong bigla sa akin ni Yesha.

"Partner ko kase sya kaya magkakausap talaga kami" sagot ko naman sa kanya at tinarayan ko sya. Aba kinurot pa ang pisnge ko huhu.

"Zammy may sasabihin kase ako sayo" sabi ni Cathy pero bigla namang dumating ang Filipino teacher namin kaya hindi na nya naituloy yung sasabihin nya.

Ang daming pinasulat sa amin at ang naming activities na pinagawa sa amin. Ang tahimik ng buong klase dahil lahat kami ay busy. Masungit kasi ang Filipino teacher namin kaya lahat kami ay takot sa kanya.

Napalingon ako sa may bandang likod ko dahil may mga nagtatawanan. Tiningnan ko kung sino yung mga tumatawa, walang iba kundi ang mga sabog naming mga kaklase si Cherry, Sweet at Nicole. Kahit saan talaga maiingay sila kababaeng tao mga sabog kaya lagi silang na bubully dito sa room namin.

Napatingin naman ako kay James dahil kanina ko pa napapansin na nakatingin sya sa akin. Nginitian nya ako tapos nagpa cute pa.

Ang cute pala talaga nya

Inalis ko na yung tingin ko sa kanya dahil kung ano ano na naman tong nasa isip ko. Napaka landi e haha.

Tinapos ko nalang tong mga activity namin. Marami na ang nagpasa at pinasa ko na din yung sa akin. Nagpaalam na yung teacher namin dahil nag ring na din ang bell.

Tumayo ako para ilagay sa locker ko yung iba kong gamit dahil last subject na naman namin at mag uuwian nadin. Dumating na yung last teacher namin, Mapeh ang last subject namin ngayon.

Pagpasok ni Sir. Nagtilian yung iba kong kaklase na mga babae. Alam nyo kung bakit? Kase yung Mapeh teacher namin ang gwapo daw. Well totoo naman sya si Sir. Robin. Mabait tong teacher namin na to yun nga lang grabeng dami ng pinapasulat sa amin lagi tuwing subject nya. Siguro 5 pages ang pinaka mababa haha.

"Okay 10- Leo ilabas na ang notebook nyo dahil marami kayong isusulat dahil may quiz kayo bukas"

Ang ganda talaga ng bungad nya palagi sa amin huhu.

"Sir! Ang pogi nyo talaga"

"Sir! Wag ka nang magpasulat pipicturan nalang namin yan"

Ngumisi lang si Sir sa kanila.

Reklamo yan ng mga kaklase ko na mga tinatamad mag sulat haha. Ayoko nang mag reklamo dahil wala namang magagawa yon kaya sinimulan ko nang magsulat. Mabuti nalang mabilis akong magsulat haha. 6 na nasa Cartolina ang kinokopya namin.

Sobrang tahimik ng buong klase namin. Nasa pang limang cartolina na yung kinokopya ko. Sa sobrang busy ko sa pagsusulat di ko na namalayan na may umupo na sa may vacant seat na nasa may kanan ko.

How Much I Love YouWhere stories live. Discover now